***Philip's Point of View***
Handa kana ba sa sasabihin ko sayo Brent?
Una kala ko wala lang yun pero nung tumagal may kakaiba na kay Jason. Nagsimula kong mapansin yun ng makasalubong ko sya sa harap ng venue nila Hana, mga hapon nayun.
Nakatayo siya sa gilid habang inip na inip na.
Tinanong ko pa nga kung anong ginagawa nya sabi nya hinihintay karaw nya. Pero ang weird... Kasi si Jason hindi marunong maghintay, wala syang pakilam sa tao basta ayaw nyang naghihintay sya.
Nabigla ako sa sinabi ni Jason pero hindi ko lang yun pinansin bagkus pumunta ako sa canteen para mag meryenda muna.
Pagkatapos kong kumain napadaan ulit ako sa venue nila Hana at nakita ko syang nakasandal sa gilid ng pintuan ng building.
Nagtaka ako kung anong ginagawa nya dun parang mahigit isang oras na syang naghihintay.
Nilapitan ko sya at tinanong kung bakit hindi pa sya pumapasok, nagsisimula na yung event sa loob.
Ang sagot nya sakin hinihintay ka nya sabi mo raw kasi mag cCR kalang nag-uusap kami ng biglang lumabas si Hana siguro mahigit isang oras narin kami nag uusap ni Jason nun.
Sinamahan ko nalang sya para hindi sya mainip pero patuloy parin syang tumitingin sa orasan nya at sinasabing saan kaba raw lupalop ng school nag CR bat daw ang tagal tagal mo.
Pero sa isip ko alam ko na hindi kalang nag CR inisip ko na tinaksan mo na si Jason kasi mahigit tatlong oras na naghihintay sayo si Jason.
Tinanong ni Hana si Jason bakit hindi pa sya pumapasok sa loob to think na si Hana na yung nag sabi nun ha. Pero hindi parin pumasok sa loob si Jason sabi nya nag CR kalang daw at susunod nalang daw kayo sa loob.
Hindi ko alam kung bata ba mag-isip tong si Jason o tatanga tanga lang eh.
Biruin mo yung taong gustong gusto nya di nya pinansin para lang sayo.
Maya maya narinig namin ang ilang istudyante na nagtatawanan sa gilid habang naglalakad.
"Buti nga sa kanya, buti ginawa nila Beverly yun sa kanya para alam nya kung saan sya lulugar" sabi nung isang babae.
"Mabuti nga kay Brent! para matauhan kung ako yun di ko lang ikukulong sa bodega yun eh... Itatali ko pa yun sa poste" sabi pa nung isa nyang kasama sabay tawanan.
So dun ko nalaman na kaya pala wala kapa dahil pala kinulong ka ng mga istudynate.
Sasabihin ko sana kay Jason na tulungan ka pero pagtingin ko wala na si Jason sa tabi ko ni hindi ko alam kung nasaan nasya. Later napag alaman ko na hinanap ka pala nya.
Yung time na pinagtulungan ka ng mga istudyanteng may gusto kay Jason nung tinapunan ka nila ng pintura...
Alam mo ba magkasama kami nun sa labas ng room ng marinig namin sa mga dumadaang istudyante yung ginagawa nila sayo?
Aaminin ko sayo, sa tagal naming magkaibigan ni Jason dun ko lang sya nakitang mag alala ng sobra sobra.
Binitawan nya lahat ng hawak nya at nagmadaling pumunta sayo. Dun ko naramdaman na malaki ang pinagbago ng taong yun, Marunong na syang mag-alala.
Dati wala syang pakilam sa tao ni hindi nya pinapakita na concern sya kahit mismo sa aming mga kaibigan nya pero sayo? Nag iba ang lahat.
Nung nasa camp tayo finally nag open sya sakin siguro hindi nya narin nakayanan.
Alam mo ba kung anong sabi nya sakin? Tinatanong nya sakin kung normal paba raw sya? Kasi alam nya sa sarili nya na straight sya pero bakit nag seselos sya pag nakikita nyang magkasama kayo ni Francis.
Na naiinis sya pag nakikita nya kayong dalawa na nagtatawanan at parang ang saya saya. Sabi nya feeling nya hindi nya kayang ibigay yung binibigay ni Francis sayo.
Na naiinis sya sa sarili nya kasi si Francis kaya kang pasayahin at patawanin samantalang sya wala.
Humingi sya sakin ng tulong kung ano yung gagawin nya. Kung tama paba yung ginagawa at nararamdaman nya.
Alam naman nya sa sarili nya na gusto nya si Hana pero pag ikaw raw yung kasama nya hindi nya mapliwanag yung nararamdaman nya.
Sinabi nya rin na naguguluhan na sya kung ano talaga sya pati yung gender nya kinu-question na nya.
Dati ang goal nya lang is maging girlfriend si Hana pero ngayon daw parang iba na.
Im not against to both of you Brent, pero mas prefer ko kung ano yung tama. Kung saan alam kong sasaya si Jason, kaya sinabihan ko sya na kalimutan lahat ng nasa paligid nya including you Brent at mag focus kay Hana.
Naalala ko pa nun, habang sinasabi ko yan kay Jason may nakita akong anino sa gilid ng tent namin lumabas ako para tignan kung sino yun baka kasi narinig nya yung pinag uusapan namin. Pero pag labas ko wala na yung tao may nakita lang akong dalawang timba sa gilid.
Brent gusto ko lang na maging normal ang buhay ng kaibigan ko matagal din syang nag isip kung gagawin nya yung sinabi ko.
Pero for the best mas maganda na kung mag i-stick sya sa plan na binuo nyong dalawa.
Aaminin ko sayo nahirapan si Jason nun. Alam ko nasasaktan sya sa tuwing kinakausap mo sya pero kailangan nyang umiwas, na magpanggap na wala syang pakilam sayo.
Nung hapon na pumunta ako sa tent nyo, sya ang nagpapunta sakin nun. Gusto nyang malaman kung okay ka lang.
Kaya pumunta ako tinanong kita kung okay ka kalang kahit alam kong pinipilit mo lang maging okay. Nagkunwari akong hinahanap ko si Princess para hindi ka makahalata at mag isip ng kung ano.
Brent i hope maintindihan mo ko. Alam ko naging magandang impluwensya ka sa kaibigan ko marami kang binago sa kanya.
Natuto syang magpahalaga at magmahal ng totoo pero Brent tatanungin kita hahayaan mo ba na yung taong yun mapunta sa maling landas?
Alam ko gusto mo rin sya at alam natin na parang may gusto na rin sya sayo. Pero kahit anong gawin natin Brent hindi normal yun. Kahit pag balik-baliktarin mo ang mundo mali parin yun.
Ano nalang iisipin ng mga magulang nya pag nalaman nila na ikaw yung taong gusto ng anak nila? Prinoprotektahan lang kita Brent pati si Jason.
Wag mo sanang masamain or isipin na pinag hihiwalay ko kayo like what i said im not against you para sa kaibigan ko.
Kung talagang mahal mo si Jason Brent may isa akong ipapaki-usap sayo.
Pwede mo bang kalimutan yang nararamdaman mo para kay Jason at tulungan siyang makipagbalikan kay Hana?
Brent wag mong hahayaang magkamali si Jason please.
Ngayon palang gawin natin kung ano yung tama. Malamang alam ko kahit konti may nararamdaman narin si Hana kay Jason.
Sana Brent wag mong kalimutan na nag deal lang kayo ni Jason para maging sila ni Hana.
I hope you will do kung ano yung tama hindi kung ano yung gusto mo.
Please do everything you can para magbalikan si Jason at Hana.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Romantik(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...