Chapter 22: Enrollment

6.5K 229 8
                                    

Ilang linggo narin ang lumipas simula ng huli kong makita si Jason. Matatapos na ang sembreak at magsisimula na ang second sem, kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila ni Hana? Malamang masayang masaya na silang dalawa.

Ano nga bang nangyari sa sembreak ko? Ayun halos sa buong araw nandito lang ako sa bahay nakahiga at natutulog.

Minsan bumibisita si Francis na laging may dalang pasalubong para kay mama. Minsan nga niloloko ko sila na baka magkatuluyan sila.

Pero laging sinasabi ni mama na bagay raw kaming dalawa ni Francis. Baka patulan ako nito no?

Nabalitaan ko rin na may bago na palang nilalandi tong si Princess ka- team ni Francis, nakahanap agad sya ng kapalit ni Francis simula ng hindi tinanggap ni Francis yung pagmamahal na binibigay ni Princess sakanya.

Kahit ganun man yung nangyari di parin nawawala yung pagkakaibigan nilang dalawa.

Ngayong araw nato ang simula ng enrollment namin. Papasok palang ako ng gate ng school ng sinalubong ako ni Ramon.

"Bakla dalian mo, kailangan tayo mauna baka maubusan nanaman tayo ng subjects nyan!" Wika ni Ramon habang naglalakad kami.

"Bakit parang pumayat ka?" Tanong sakin ni Ramon.

"Pumayat bako? Feeling ko nga tumaba ako eh." Palusot ko sakanya.

"Hayy nako bakla wag nako, iba nalang di moko maloloko... Di ka parin naka moved on no?"

Sasagutin ko na sana sya ng bigla kaming tawagin ni Princess na nakaupo sa gilid ng quad kasama si Francis.

"Hi friend! Kamusta kana? Oh parang pumayat ka?" Sabi ni Princess.

Ngumiti lang ako kay Princess to namang si Ramon tumingin sakin.

"I told you pumayat ka." Bulong ni ramon.

"Nga pala Mon! Punta muna tayo sa math department para sa clearance natin!" Sabi ni Princess habang may kinakalkal sa bag nya.

"Ay oo nga pala! Oh teka dito lang kayo ha, punta lang kami nitong babaeng to sa math dept." Paalam ni Ramon at nagmadali silang umalis.

Kaming dalawa lang ni Francis ang naiwan sa upuan. Parang nagkakahiyaan pa kaming mag usap.

"Hmmmm... Musta kana pala?" Tanong ni Francis.

Natawa naman nako sa tanong nya.
"Parang hindi mo naman alam last week lang nasa bahay ka eh"

"Nga pala may sasabihin ako sayo... May free time kaba mamaya?" Tanong ni Francis.

"Oo naman basta ikaw may oras ako hehe mga anong time ba?"

Tanong ko sakanya pero biglang natigil yung pag uusap namin ng marinig naming dalawa ni Francis yung pag uusap ng dalawang babaeng estudyante na umupo sa bandang likod ng upuan namin.

"Nakita mo si Jason?"

"Ha? Andito na sya? Mag eenroll din sya? Bakit anong balita? Di ko pa nga sya nakikita eh."

"Girl, sinasabi ko sayo magugulat ka sakanya, i mean gwapo na sya dati pero ngayon? Shit laglag panty ko girl!"

"Ang OA mo naman!"

"Gaga pag nakita mo sya ngayon ewan ko nalang sayo! Para kasing may nagbago sa kanya paramg blooming sya sobrang gwapo nya ngayon at as in hot na hot sya ngayon!"

Hindi ko alam pero talagang nakinig ako sa pinag uuspan ng dalawang estudyante nayun.

"Gusto mo bang lumipat ng upuan?" Tanong sakin ni Francis.

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon