Hindi ko na alam kung ano gagawin ko nung mga oras nayun, ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Hi Ramon!" sabi ni Philip.
"Oh Brent kamusta kana?" bati rin nya sakin, hindi ko ineexpect na tatanungin ako ni Philip nun.
"Okay lang ako..." Sagot ko sa kanya. Pero hindi ako humarap sa kanila nakatalikod parin ako.
"Tara na Ramon hinihintay na nila tayo." Yaya ko kay Ramon.
"Bakla anong drama yan?"
"Anong drama?" Sabi ko habang naglalakad kami.
"Hindi mo man lang pinansin si Jason, kala ko ba okay na kayo?"
"Alam mo mas maganda nga yun eh na di na kami magpansinan atleast diba... malayo na kami sa isat-isa" Paliwanag ko sa kanya.
"Nako ha bahala ka pero kanina... Nakita ko si Jason na nakatitig lang sayo at yung mga mata nya ha.... Yung mga mata nya bakla nag sspark eh!" Sabi ni Ramon with matching action pa.
"Ang OA mo ha, baka namalik-mata kalang!" Sabi ko sabay nagmadaling maglakad.
Maghahapon na ng matapos kaming magpaencode ng subjects namin, sa awa ng Dyos nakuha namin lahat ng subject na kailangan namin. Wala na kaming problema at hindi na kami babalik bukas.
Kamusta kaya si Jason nakapag enroll na kaya sya? eh si Hana kaya? parang hindi ko pa nakikita yung babaeng yun ha simula kanina... kailan kaya sya mag eenroll?
Its been a long day para samin kaya naman pumunta muna kami sa CV park para magpahinga at kumain ng favorite naming hotdog sandwhich ni kuya.
Sa totoo lang umaasa parin ako na sana andun parin si Jason para makita ko ulit sya pero syempre ilang oras na ang lumipas kaya asa pa na nandun pa sila.
Pagkatapos naming kumain nagyaya narin sila Princess na umuwi na, nagpresinta naman si Francis na ihatid kaming tatlo tulad ng dati.
Pinauna ko na silang tatlo, tutal ilalabas panaman ni Francis yung sasakyan nya. Bumili ulit ako ng hotdog para kakainin ko mamaya pag uwi ko.oo na ako na ang matakaw! haha.
Naglalakad nako papunta kila Ramon habang iniisip na sa wakas enrolled nako! ang sarap sa pakiramdam wala nakong pro-problemahin maliban nalang sa cut off ng scholarship.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko yung taong nasa harap ko ngayon... Si Jason. Hindi ko nanaman alam kung ano gagawin ko, lagi nalang ganito pag nandyan sya! babatiin ko ba sya o iiwas nalang?
Malamig naman ang panahon ngayon pero bakit biglang nag init yung pakiramdam ko marahil siguro dahil sa sobrang kaba.
Nagkatinginan kaming dalawa pero agad kong iniwas yung paningin ko sa kanya hindi ko pa kasi kayang makipagtitigan, Masyado pang malakas yung pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.
Sabi ko sa sarili ko bahala na kung di pako kikilos maghihintay sakin yung tatlong itlog dun. Kaya naman nagsimula nakong maglakad ng nakayuko para narin hindi kami mag usap wala narin kasi akong balak pang kausapin sya dahil tulad nga ng sabi ko ayoko ng manggulo sa buhay nya.
Malapit nakong lumagpas sakanya pero parang bumagal ang oras at paligid parang nag slow motion ang lahat.
bigla nyang hinawakan ang mga kamay ko na naging dahilan sa paghinto ko sa paglalakad.
"Hi....." Sabi nya sa mahinang boses.
Tumingin ako sa kanya pero nakayuko lang sya.
"Kamusta kana?" Sabi pa nya.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Romance(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...