Chapter 11: What is love?

6.9K 227 6
                                    

Ng nilapag ko yung lugaw sa table, tabi ng bowl para namang nagising si Jason, naamoy nya siguro yung lugaw. Haha patay gutom lang? Hehe

"Ano yun?" Tanong ni Jason.

Kinuha ko muna yung telang nasa noo nya para basain ulit ng malamig na tubig.

"Lugaw, gusto mo? Kung ayaw mo ako nalang kakain nito."

"Teka kakain ako." Wika nya sa mahinang boses.

Ngumiti naman ako sa kanya sabay lapit para kapain ang noo nya. Medyo mainit parin sya pero di na tulad kanina na sobrang init.buti nalang kahit papano bumaba ng konti yung lagnat nya.

Kinuha ko ulit yung maliit na towel at pinunas-punas ko sa mga kamay at braso nya.

"Medyo okay naba pakiramdam mo? Sigh di ko alam kung anong gagawin ko kanina. Takot na takot ako sayo sa su--"

Napahinto ako sa pagsasalita ko ng mapatingin ako sa kanya. Nakatitig lang sya sakin. Yung puso ko biglang bumilis yung tibok.

Para akong nilalamon ng magaganda nyang mga mata, nakatitig sya sakin ganun din ako.

Pero di ko na kinaya kaya naman umiwas nako ng tingin. Bakit ba ganun sya tumitig sakin na para bang may ibang ibig sabihin.

The way na tumingin sakin si Jason parang may iba, hindi to tulad ng dati na parang wala lang.

"Bakit ganyan ka tumingin sakin?" Sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo.

"Bakit?" Sabay tawa.

"San mo ko gusto tumingin?" Dagdag pa nya.

"Basta wag mo kong tignan dun ka tumingin sa malayo.. Kasi naman eh" Sabi ko sa kanya sabay pilit na tinutulak yung muka nya sa kabilang side. Kahit may sakit sya ang lambot parin ng balat nya bakit ganon?? T_T

"Dati pa naman kita tinitignan ha tulad nung ginagamot mo yung sugat ko. Bakit ngayon parang nahihiya ka?" Sabi nya sakin sabay tawa.

Binato ko sa kanya yung maliit na towel.

"Bala ka nga dyan, linisan mo sarili mo. Mukang malakas kanaman na eh." Sabi ko sa kanya sabay tayo at tumalikod.

"Ito naman, ganyan kaba mag-alaga? kala ko ba sabi mo boyfriend mo ko?"

Nagulat ako sa sinabi nya at inalala ko kung kailan ko sinabi yun? Napakagat nalang ako ng labi sa sobrang hiya. Shit nasabi ko pala yun! ang tanga-tanga ko talaga! Bakit ko ba nasabi yun?.

"Pag-aari mo na pala ako ha? Pag-aari mo na yung sexy hot body ko?"

Sumigaw ako at humawak sa dalawa kong tenga ayoko ng marinig yung sasabihin nya kasi hiyang hiya nako.

"Galing ka na nga, bumalik na yang kakulitan mo!" Sabi ko sa kanya sabay lakad para kunin yung bag ko.

"San ka pupunta?" Napahinto sya sa pag tawa at parang nagulat.

"Galing ka naman na eh, uuwi nako sa bahay" wika ko sa kanya. Pero ang totoo kaya gusto ko ng umalis kasi nahihiya nako sa kanya. Shit

Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla syang umubo at uminda na masakit yung braso at mga kasu-kasuhan nya.

Para namang may sariling pag-iisip yung katawan ko bigla kong binitawan yung bag ko at nagmadaling bumalik sa kanya.

"Saan? Saan? Saan yung masakit? Okay ka lang ba? Baka naman may pilay ka? Nako naman may lagnat ka parin? Gusto mo ba tumawag ako ng doctor?"

Hawak hawak ko ang noo ni Jason ng marealized ko na teka bat ganito ako magreact sa kanya?

Napahinto ako at tumingin sa kanya. Nakangiti lang sya habang nakatingin din sakin. Parang enjoy na enjoy nya yung pag-alala ko sa kanya eh.

Umubo ako kunwari sabay kinuha yung lugaw na gawa ni Aling raquel good thing maiint parin to.

"Oh kumain ka muna para makainom kana ng gamot."

Inaabot ko sa kanya yung lugaw pero ayaw nyang hawakan.

"Subuan mo ko." Hayup talaga! Buti nalang may sakit kang mokong ka kung hindi nakonyatan na kita.

Nagsalok ako ng lugaw sa kutsara at isuinubo sakanya na agad nyang naluwa.

"Ang init!" Sigaw nya.

Oo nga pala mainit papala yung lugaw. Inihipan ko yung lugaw na nasa kutsara, nung nasigurado ko na hindi na mainit yung lugaw isusubo ko na sana sa kanya ng maisipan kong pagtripan sya.

"Oh nga nga na baby... Eto na ang train.. Chu-chu eto na.." Haha!

"Ginawa mo naman akong bata eh!"

"Ayaw mo yun baby kita. Aahh nga-nganga nayan. Nga-nganga nayang baby ko." Hahaha.

Nakaganti rin kahit sa maliit na bagay. Habang sinusubuan ko sya napapansin ko na nakatingin sya sakin, pero hinayaan ko nalang sya bakas kasi sa muka nya na masaya sya.

Matapos ko syang painumin ng gamot nilagyan ko na ng basang towel yung noo nya para mas mabilis na bumaba yung lagnat nya.

Madaling araw na pero mini-make sure ko na napapalitan ko yung towel sa noo nya pag hindi nayun malamig.

Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako, siguro yung natatandaan kong oras bago ako makatulog is around 4:37am.

Ang hindi ko lang mapaliwanag is yung di ko naramdaman yung pagod at puyat in fact para pa nga akong nag enjoy nung mga oras nayun.

Nakatulog ako ng nakaupo sa sahig habang ang ulo ko nakahiga sa kama malapit sa mga kamay ni Jason.

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may nag lagay ng kumot sa likuran ko. Hindi ko na minulat yung mga mata ko kasi alam ko naman na kung sino yung naglagay nun. Dalawa lang naman kaming nandito, si aling Raquel hindi naman pwedeng pumasok dito.

Kahit papano pala marunong din palang mag-care tong mokong nato. Napangiti nalang ako dahil siguro sa kilig? Ganito pala yung pakiramdam pag may nag lagay ng kumot sa likod mo para di ka lamigin.

* * *

Nagising ako dahil sa sikat ng araw, pagmulat ko napabangon agad ako sa sobrang gulat nakahiga nako sa kama.

Nasan si Jason? Bakit wala sya ngayon dito sa kama? Bat ako na ang nakahiga dito?

Bumangon agad ako at dahan dahang lumapit sa pinto, bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang bumukas to at tumama sa ulo ko yung katawan ng pinto.

"Ouch!"

"Oh anong nangyari sayo?" Tanong ni Jason na kala mo walang alam.

"Nauntog ako sa pinto!"

"Ano ba kasi yung ginagawa mo dyan sa likod ng pinto?" Tanong nya sakin di ko naman sya masagot.

"Oh, suutin mo muna yung uniform ko. Maligo kana baka ma-late tayo sa school?"
Sabay abot ng uniform nya.

"Papasok kana? Sure kaba na kaya mo na? Baka mabinat ka nyan?" Pag-aalala ko.

"Oo naman kaya ko na, ang galing ng nag alaga sakin eh" sabay kindat sakin.

"Luko-loko!" Sagot ko sakanya, ngumiti lang sya sakin sabay bumaba na.

Yung nararamdaman ko ngayon gusto kong magwala at tumalon talon sa sobrang tuwa. Kilig much lang!

Pagkatapos ko maligo sa CR ng kwarto ni Jason, inamoy amoy ko muna yung uniform na binigay nya sakin.

"Hmm! Hmm! Amoy na amoy ni Jason!"

Hala baliw na ata ako, posible kayang inlove nako kay Jason? Ow no!!!!!

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon