"Sa wakas nandito na tayo!" Masayang sabi ni Princess.
Lumabas sya ng sasakyan bitbit-bitbit ang bag nya sabay inat.
Nakatingin lang ako kay Francis habang niyayaya sya ni Princess na pumunta na sa camp, pero tumanggi si Francis sabi nya bubuhatin nya paraw yung iba naming gamit.oo nga naman.
Niyaya rin ako ni Ramon na kalalabas lang ng sasakyan pero tumanggi rin ako sabi ko sa kanila una na sila para iset-up yung tent namin tutal silang dalawa naman nakakaalam nun.
At isa pa ito na ang pagkakataon kong makausap si Francis.
Umalis na silang dalawa, kami nalang ni Francis ang naiwan sa loob ng sasakyan hindi ko alam kung pano ko sisimulan yung tanong ko sa kanya.ahhhh!!!!
Biglang lumabas ng sasakyan si Francis at nagtungo sa likod ng kotse, sa compartment.
Lumabas din ako pero bigla akong napabalik dahil sa bag ko, nakalimutan kong bitbitin.
"Ahmm.. Uhmmm Francis..." Nahihiya kong sabi kay Francis habang pa-isa isa nyang binababa yung mga gamit namin sa compartment.
Bigla syang huminto sa ginagawa nya ng marinig nya ko.
"Oh bakit Brent?" Tanong nya.
"May nakwento ba sayo sila Princess tungkol samin ni Jason?" Tanong ko sa kanya sa mahinahong boses.
"Ahhh... Ayun ba.. Oo meron..." Tumingin sya sakin.
Nanlaki nalang yung mga mata ko sa sobrang gulat, hindi ko alam kung ano yung pakiramdam basta kinakabahan ako na sobrang natatakot.
"You should see your self! Hahahaha" sabi ni Francis sabay tawa ng malakas.
"Ha?" Tanong ko medyo naguguluhan ako.
"Im just kidding! Wala silang kinwento sakin binibiro lang kita, ikaw naman napakaseryoso mo" paliwanag nya sabay tawa ng tawa.&%$# mo ka!!!!! Halos mamatay ako sa kaba!!!! Grrrrr!!!!
"Ewan ko sayo!!!" Sigaw ko sakanya sabay talikod.
"Oy Brent uy! San ka pupunta?! Joke lang yun huy! Hindi mo ba ako tutulungan dito?" Sigaw ni Francis.
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.
"Hindi! Bala ka dyan!" Sabi ko sabay nagpatuloy na ulit maglakad.
"Oh wait lang pala! Brent! Uy" habol nya habang bitbit bitbit ang maraming bag.
Malapit nako sa camp ng lingunin ko si Francis, grabe tagatak na sa pawis yung lalaking yun kawawa naman naguilty tuloy ako.
Tumigil muna ako sa paglalakad tutal malapit nako, nilabas ko yung bottled water ko at isang towel para kay Francis.
Habang hinihintay ko sya tumingin ako sa venue ang dami nang mga estudyanteng nag se-set up ng tent nila.
Buti nalang kumaway si Princess, di nako nahirapan pang hanapin yung tent namin. Syempre hinanap ko rin kung san banda nagtayo ng tent si Jason.
Sa di kalayuan bandang kanan mula sa tent namin nakita ko si Philip isa sa mga kaibigan ni Jason.Malamang kung andun yung kaibigan nya, andun din si Jason.
Di nga ako nagkamali nakita ko si Jason papalapit sa tent kung saan ko nakita si Philip, may hila-hila syang malaking sanga ng puno. Ano naman kaya gagawin nya dun?.
Nakahubad na ng damit pantaas si Jason at nakapalupot yung damit sa ulo nya, pawisan na ang buo nyang katawan pero pag tinitignan mo sya muka parin syang mabango.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Roman d'amour(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...