Kinabukasan nagising ako na para bang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kahit pa na marami akong sugat.
Nagmadali akong pumasok sa school hindi ko alam pero yung nararamdaman ko is gusto kong makita si mokong yung feeling na naeexcite ka.
Pag dating ko sa gate namin halos umabot ang ngiti ko sa tenga ng makita ko si Jason na nakatayo sa di kalayuan.
"Oy ngiting ngiti ka ha! Sino nginingitian mo dyan?!" Wika ni Princess sakin sabay akbay.
San ba galing tong babaeng to at biglang sumulpot sa kawalan.
"Hindi, ayun kasi si Jason oh!" Bulong ko sa kanya.
"Wow ha! Kalabasa lang si Jason?"
Tumaas ang dalawa kong kilay sabay tanong sa kanya bakit kalabasa.
"Ha? Bat kalabasa?""Eh kasi luminaw bigla mata mo ng makita mo si Jason eh, matanglawin karin eh no?. Tsk tsk tsk...
Ingat ka Brent baka mahulog ka, di lahat ng nahuhulog nasasalo."
Bulong sakin ni Princess na nagsilbing parang batong inihampas ng malakas sa ulo ko at nagising ako sa katotohanan.
Biglang bumalik sa ala-ala ko yung sinabi sakin dati ni Jason na bawal mainlove sakanya kasi ginagawa lang namin to dahil sa utang ko sa kanya at dahil sa pagmamahal nya kay Hana.
Ang ngiting dala dala ko kanina ay napalitan na ng lungkot sabi nga nila masakit ang katotohanan.
Posible kayang naiinlove nako kay Jason?
"Hoy! Bilisan mo maglakad dali!" Sigaw sakin ni Jason habang sinesenyas nya yung mga kamay nya.
Kaya naman pala nya ko pinamamadali kasi papalapit narin si Hana samin. Humiwalay na si Princess ng daan, pero bago sya umalis bumulong pa sya sakin.
"Wag mong kakalimutan sinabi ko sayo..."
Tumango lang ako sa kanya at naglakad na papunta kay Jason.
Agad nya kong hinila papalapit sa kanya at agad na inakbayan.
"Hi Brent! Kamusta kana? Okay kanaba?"
Bungad samin ni Hana.
"Hi Jason....?"
"Ha?... Ahhhh hi Hana" sagot ni Jason na may konting nginig ang boses.
Ngumiti samin si Hana at umalis. Di mo naman madescribe yung itchura nitong katabi ko masyadong kinilig.
Pagkatapos nun agad nagpaalam sakin si Jason para makipagkita sa mga kaibigan nya. Yung feeling na naiwan akong nakatayo dito. Oo nga... hanggang dito nalang siguro ako.
Habang nag iisip ako bigla kong naramdaman na may bumato sa ulo ko, binabato na pala ako ng itog. Sayang yung itlog.
Sinalag ko yung mga itlog na binabato nila sakin pero di ako nagtagumpay masyadong marami yung binabato nilang itlog sakin.
"Feeling ka masyado!"
"Bagay sayo yan! Akala mo kung sino ka!"
"Pwe! Ginayuma mo siguro si Jason!"
"Ang kapal ng muka mo!"
"Nakakadiri ka! Gumising ka na nga sa panaginip mo!"
"Kahit kailan di kayo bagay! Magsalamin ka! Ang pangit mo!"
Yan yung mga salitang naririnig ko habang binabato nila ako ng itlog, hinintay ko nalang sila matapos na batuhin ako bago ako umalis sa ganoong paraan alam ko kahit papano mababawasan din yung galit na nararamdaman nila sakin.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Romance(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...