Tinawagan ko si Princess at Ramon para magpatulong sakanila pero di ko inaasahang darating din si Francis marahil nasabihan na sya ni Princess.
Maganda narin siguro to, tatlo silang tutulong sakin.Kinabukasan tinext ko si Hana na pumunta sa MSE restaurant ng 7pm ganun din naman si Jason tinext ko rin sya ng kaparehas kay Hana.
After lunch ng pumunta kaming apat sa restaurant para iset yung date nila Hana at Jason. Habang inaayos namin yun pumapasok sa isip ko na what if kung para samin to ni Jason? Ako na siguro yung pinaka masayang tao sa buong mundo.
"Friend sure kanaba sa gagawin mo?" Tanong ni Princess.
"Bakla lagi mong tatandaan na tong gagawin mo ang ikakamatay ng puso mo. Kung desidido kana talaga handa ka dapat mamatay sa makikita mo." Paalala sakin ni Ramom.
"Tama.. Friend may oras pa para magback out" dugtong ni Princess.
"Gawin na natin to para matapos na at para makalimutan ko narin na nangyari ang lahat ng to." Sagot ko sa kanila.
Nilalagyan ko ng mga bulaklak ang gilid ng upuan nila ng makita ko si Francis na inaayos yung daanan nilang dalawa.
Buti nalang may ganitong restaurant dito na pwedeng ikaw ang magdesign sa venue ng date na isusurprise nyo.
Kinuha ko sa bag ko yung 4k para ipambayad kay Francis.
"Nga pala Francis ito yung utang ko sayo, thank you ha." Sabi ko sabay abot ng pera sa kanya.
"Ha? Wag na! Okay lang yun!" Tanggi ni Francis.
"Hindi... Utang ko sayo to kaya babayaran ko. Tanggapin mo na." Sabi ko sabay siksik ng pera sa bulsa nya.
Ngumiti ako sakanya at nagpasalamat.
Aalis na sana ako ng bigla nyang hawakan yung kamay ko."Okay kalang ba?" Bulong nya sakin.
Ngumiti ako sakanya at sinabing okay lang ako.
"Alam kong hindi ka okay... Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako pag kailangan mo ng kausap at makakaramay." Sabi nya.
Ngumiti at tumango lang ako sakanya sabay nagpasalamat.
Mag aalas sais na ng matapos kami sa pag aayos 6:30 na ng hapon ng dumating si Hana.
Napakaganda ni Hana ngayon di mo akalaing sya yun. Pumwesto ako sa medyo madilim na lugar para di na nila ako makita pero agad akong hinanap ni Hana.
"Brent? Brent?!" Tawag ni Hana.
Naaninag parin ako ni Hana sa kabila ng nakatalikod pako sa kanya nung mga oras nayaon.
"Hana adyan kana pala! Grabe pasensya na katatapos lang namin idecorate tong venue para sa date nyo." Sabi ko habang papalapit sa kanya.
"Okay lang ang importate magkaayos kami ni Jason. Salamat Brent ha, salamat pinaintindi mo sakin yung sitwasyon ni Jason. Thank you talaga." Pasasalamat ni Hana.
"Ano kaba! Okay lang yun ang mahalaga magkaayos na kayo... Alagaan mo si Jason ha." Sabi ko sabay tawa.
Nagpasalamat si Hana at sinabi pa nya na kung hindi raw sakin baka pinag sisihan nya na raw na nagalit sya samin.
Ngayon mas naintindihan na ni Hana kung bakit nagawa ni Jason sa kanya yun.
"Brent!" Sigaw nila Francis."So pano bayan tinatawag na nila ako.. (Tumingin ako sa orasan ko) ilang minuto nalang 7pm na aalis na kami, para makapag usap kayo ng maayos...
Pano bayan... Enjoy the night." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Di pako nakakalayo mula kay Hana ng biglang dumating si Jason.
"Hana?" wika ni Jason na gulat na gulat.
"Jason....." Sabi ni Hana.
Nang marinig ko yung boses ni Jason napahinto ako sa paglalakad parang naging bato yung mga paa ko.
"I dont understand? Ang kala ko si Brent yu----"
"Dont worry Jason plan lahat to ni Brent... Thanks to him i finally understand everything..." Sabi ni Hana.
"Brent!?" Wik ni Jason sabay tingin sakin
"Ow Brent? Andito ka pa pala?" Sabi ni Hana.
"Brent let's go!" Yaya nila Francis sakin.
Di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko pati yung mga paa ko hindi ko magalaw.
"Brent?" Sabi ni Jason sabay lapit sakin. Habang papalapit si Jason biglang nanlamig ang buo kong katawan. Kaya naman tumalikod ako sa kanila.
"Hey Brent? What are you doing?" Sabi ni Jason mula sa likod ko, hindi ako humaharap sa kanya.
"Hey Brent, anong nangyayari? Totoo ba na plano mo ang lahat ng to?" Tanong ni Jason sabay hawak sa balikat ko.
Bigla kong naramdaman yung sakit na parang dinudurog yung puso ko.
Pero pinigilan kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako pinigilan kong tumulo ang mga luhang naiipon na sa mga mata ko na handa ng sumabog at tumulo.
"Brent what's happening?"
Humarap ako sa kanya ng nakangiti pero namumuo na yung luha sa mga mata ko.
"Im trying to fix everything..." Sagot ko sa kanya
"Why?"
"Because I love you... ayokong makitang nasasaktan ka dahil sakin. Masakit sakin pero mas pipiliin ko ng masaktan para maging masaya ka." Sabi ko sakanya.
Di ko na napigilan pa ang pagpapanggap ko na hindi nasasaktan at tumulo na yung luha ko mula saking mga mata na agad ko namang pinahid.
"O suot mo na pala yan! (Sabay pagpag sa bandang balikat nya) ikaw ha na-goyo mo'ko dyan ha! 44k ka pa! Wag mo ng uulitin yun ha!" Sabi ko sakanya sabay ngiti.
Ngumiti naman sya sa sinabi ko.
"Sorry... Yung mga oras nayun wala nakong choice eh kailangan na kailangan na kitang mapapayag." Sabi ni Jason.
Magsasalita pa sana ako ng biglang umubo si Hana.
Tumingin ako kay Hana na nakatingin saming dalawa.
"Sige na Jason, ito na yung matagal mo ng hinihintay ang makasama si Hana. This is your chance para maging girlfriend si Hana. Goodluck!" Sabi ko sakanya.
"Okay kalang ba?"
"Okay lang ako! Ako pa! Parang di mo naman ako kilala malakas kaya to. (Wika ko na medyo cheerful ang dating) sige na hinahantay kana ni Hana" sabi ko sabay talikod.
Habang naglalakad ako papalayo pinipigilan ko yung tunog ng pag iyak ko.
Ang sakit pala talaga pag kailangan mo ng palayain yung taong mahal mo, at ang pinaka masakit dun ay yung katotohanang kahit anong gawin mo hindi ikaw yung taong makaka-pagpasaya sa kanya.
Hindi na ako muling lumingon sa kanilang dalawa pag dating ko kila Francis agad akong napayakap sa kanya at napaluhod habang umiiyak.
"Kaya mo yan friend..." Sabi ni Princess.
Nakayakap lang ako ng mahigpit sa braso ni Francis habang umiiyak ng walang tunog.
Ang sakit sakit, pinagdarasal ko na sana matapos natong araw nato na sana pagtulog ko mamaya mawala na yung sakit na nararamdaman ko ngayon para pag gising ko bukas wala nakong mararamdamang sakit.
Ayoko yung ganitong pakiramdam na parang unti unting tinitusok ng karayom ang puso mo.
Sana pag gising ko manhid nako, sana hindi nako marunong magmahal para hindi ko nararamdaman yung sakit sa puso ko.
"Nandito lang kami Bakla.. Kaya mo yan!" Bulong ni Ramon.
Totoo pala na makakaya mo talagang mag-paubaya para sa taong mahal mo kung dun sya sasaya.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Romance(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...