Chapter 19: Let him go

6.3K 202 14
                                    

            Nang marinig ko lahat ng sinabi ni Philip hindi ko alam kung matutuwa ako kasi ngayon alam ko na na may nararamdam din pala sakin si Jason.

Pero alam ko na hindi pwede hindi lang nila alam kung gaano kabilis yung tibok ng puso ngayon! gusto kong magmadaling pumunta kila Jason at yakapin sya ng mahigpit pero kailangan ko syang bitawan para kay Hana, which is ayun naman talaga yung dapat mangyari.

Umuwi ako sa bahay na dala ang bigat at sayang nararamdaman ko.

Paulit ulit kong naalala yung mga sinabi ni Philip sakin na hanggang ngayon di parin ako makapaniwala.

Ano nga ba ang gagawin ko? Humiga ako sa kama at pumikit, biglang pumasok nanaman sa isip ko yung sinabi ni Philip na kung talaga bang mahal ko si Jason gagawin ko kung ano yung tama.

Nagpasya akong puntahan si Hana bukas para kausapin at magpaliwanag.

Nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging tama ang lahat.

* * *

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko 6:30 ng umaga hanggang ngayon di parin mawala sa isip ko ang mga nalaman ko pinatay ko yung alarm at sinubukan ulit matulog.

Wala na kasi kaming pasok ngayon dahil sembreak.

Mag te-10 na ng umaga ng bigla ulit mag ring yung cellphone ko, tumatawag si Francis. Di ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.

Pero wala ako sa mood makipag-usap gusto ko lang mag-isip at tumunganga.

Ng biglang pumasok si mama sa loob ng kwarto ko habang kumakain ng buko pie.

"Nak, andito yung kaibigan mo... Ang gwapo, parang artista." Bulong sakin ni Mama.

Nanlaki ang mga mata ko kasi wala naman akong masyadong kaibigan na nakakaalam ng bahay namin in fact ang nakakaalam lang ng bahay namin is si Ramon, Princess at..... Oh my god! Si Jason!!!

Agad akong nag-ayos ng muka ko at lumabas ng kwarto.

Paglabas ko bumungad sakin si Francis na nakaupo sa sala habang hawak hawak ang isang slice ng buko pie.

"Oh Brent! Good morning!" Bungad nya sakin.

Halata naman sa muka ko ang disappointment, ang kala ko talaga si Jason yung bisita yung pala si Francis.

Umupo ako sa tabi ni Francis at bumulong.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ano pa nga ba binibisita kita" bulong nya rin.

"Pano mo nalaman kung saan yung bahay namin ha?"

"Sinundan kita kagabi nakalimutan mo yung panyo mo na nilagay mo sa likuran ko, ibabalik ko sana kagabi kaya sinundan kita kaso parang pagod na pagod ka kaya hindi na kita inistorbo..."

Natigil kami sa bulungan namin ng marinig ko si mama na tumatawa.

"Ma, bakit?" Tanong ko na medyo natatawa rin kasi parang baliw si mama tumatawa mag isa.

"Wala... Ang cute nyo kasi tignan dalawa para kayong couple."

Nagulat ako sa sinabi ni Mama kaya naman napasigaw ako.

"Ma!!"

Natawa naman si Francis.

"Bagay ba kami Nay?" Banat pa niya.

"Francis!?" Sigaw ko rin sa kanya.

Sabay nagtawanan silang dalawa kailan pa naging close tong si mama at Francis, siguro nakuha nanaman tong si mama sa dala-dala ni Francis na buko pie eh teka ilang box bato? Anim na box ng buko pie!

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon