Chapter 24: Close your eyes

6.3K 202 3
                                    

Ng sinigaw ni Francis na may gusto sya sakin bigla akong napatigil sa paglalakad, nabigla ako, di ko ineexpect na sasabihin nya sakin yun sakabila ng pagtanggi ko na mag-usap kami.

Pero siguro maganda narin to para naman magkaayos na kaming dalawa, ayoko rin kasi na may tinatago pa si Francis sakin at para masabi ko narin na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya...

Humarap ako at lumapit kay Francis.

"tara mag usap tayo duon" niyaya ko sya malapit sa bahay para makapag usap kami ng maayos.

Ng makarating kami sa park malapit sa bahay agad kong hinarap si Francis...

"Francis...." sabi ko sa malungkot na tono.

Hindi sumagot si Francis na para bang nakuha na nya agad yung gusto kong iparating sa kanya.

"pasensya kana kung nabigla kita... Pero matagal nakong may gusto sayo Brent... Natatakot lang akong sabihin sayo kung ano tong nararamdaman ko."

Pagkarinig ko nun napatingin lang ako sa kanya at yumuko. Naguguluhan ako kung pano ko sasabihin sa kanya na hanggang ngayon si Jason parin ang laman ng puso ko.

Pero pag sinabi ko yun masasaktan ko sya... at ayokong makita syang nasasaktan. ayokong saktan yung taong walang ibang ginawa kundi pasayahin at intindihin ako. Mabait si Francis at hindi ko matatagong malapit na sya sa puso ko.

kung hindi ko lang nakilala si Jason malamang si Francis yung taong gusto ko ngayon.

"yung araw na nagkakilala kayo ni Jason... Nung araw na natapunan mo sya ng mayonaise sa CV park... Ayun din dapat yung araw na magpapakilala ako sayo after ng praktis namin sa gym..."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng sabibin ni Francis yun. Ibig sabihin una palang alam na ni Francis ang lahat? Ni hindi ko man lang sya napansin nung araw nayun.

"kaso huli na ang lahat lalapitan ko sana kayo para ipagtanggol ka pero bigla kang hinila ni Jason... Dun rin kami nagkakilala ni Princess..."

Teka.... Ano ba tong nalalaman ko? Naguguluhan nako.

"bakit di ka nagsabi? Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin to Francis..." tanong ko sa kanya habang naiiyak na sa pagkabigla at pagkalito.

Alam ko wala akong karapatan na umiyak dahil hindi naman ako ang nasasaktan dito pero sa mga nalalaman ko... Parang ang bigat sa dibdib hindi ko alam na may nasasaktan na pala akong tao.

"kasi nararamdaman ko na nahuhulog kana kay Jason.. The way na tignan mo sya ibang iba kapag tumitingin ka sakin..."

wika niya sabay tulo ng mga luha.
ayokong makitang umiiyak si Francis kaya
napatingin ako sa gawing kanan ko upang hindi ko makita ang pagluha ng aking kaibigan.

"please Francis.... tama na.. ayokong makita kang ganyan..." pakiusap ko sa kanya.

"kung ayaw mo kong makitang nasasaktan pumikit kanalang...hayaan mo akong magsalita." sabi nya.

agad naman akong pumikit para di sya makitang nasasaktan.

"Francis... sorry... pero si Jason parin yung laman ng puso ko at kahit paulit ulit nya kong iwan sya parin yung pipiliin ko.. im sorry Francis..."

nagsimula narin akong lumuha.

kahit nakapikit ako nararamdaman ko na, na pinipigilan nalang ni Francis ang pag iyak nya.

"Francis... im sorry..." pahingi ko ng tawad.

sa mga oras nato wala nakong ibang masabi kundi sorry, sorry. Gusto ko syang yakapin at magsorry ng magsorry kung pwede lang sanang sa pagyakap ko mawala na ang sakit at ang nararamdaman ni Francis ngayon, gagawin ko yun.

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon