2 wiks ago. Ching!
Lunch na! Grabe, bakit sobrang init ngayon sa pilipinas? Sa bagay may bago paba dun?
Umupo kami sa pinaka gilid ng SX canteen sa loob ng school syempre wala ng choice punuan na eh walang may gustong umupo sa dulo kasi medyo malayo na sa order-an, since na gutom na kami dun na kami umupo.
Nag iisip nako kung ano yung o-orderin ko ng bigla akong hampasin ni Ramon.
"Hoy Brent! ayun yung sinasabi ko sayong hearthrob ng 4th year oh, si Jason!"
Bulong sakin ni Ramon sabay turo dun sa lalaking nagtatanggal ng jacket. Lintek tong si Ramon halatang halata na kinikilig.
"May chika ako sainyo tungkol dyan kay Jason!" Singit ni Princess ito talagang babaeng to laging updated sa mga nangyayari dito sa school.
"Alam nyo ba na niligawan nyan si Hana?"
Gulat na gulat naman si Ramon sa nalaman nya.
Ako? Maniwala kayo o hindi medyo wala pakong pakelam sa kanya dahil di ko naman sya masyadong kilala. Pero alam ko na sikat sya sa school.
Minasdan ko sya kung totoo nga ba talaga yung balita na Hot at artistahin sya.
Mukang mabango? Check!
Makinis ang balat na parang pang artista? Check!
Matangos ang ilong at red lips? Check!
Maganda katawan? Hmmm di ko masyadong makita kasi naka longsleeve sya pero makikita mo n bakat yung chest nya sa medyo fitted nyang long sleeve.*batok!
"Hoy! May gusto ka dyan no? Bakit titig na titig ka!" Sambit ni Princess sabay tingin kay Ramon.
"Sinasabi ko sayo Brent ha, akin yan haha.
Anyway ano nangyari sa panliligaw nya kay Hana? sila naba?"Sabi ni Ramon sabay tapik sakin bago kausapin si Princess, sinagot naman agad sya ni Princess na kala mo masaya pa sa nangyari.
"Basted sya!"
Para namang boses ng anghel ang narinig nitong si Ramon tuwang tuwa ng malaman na single parin si Jason.
Kung ako tatanungin di ako makapaniwala na binasted sya ni Hana. kasi sa pagkakaalam ko maraming babae at bading na nagakakarandapa sa kanya.
Hindi talaga lahat ng tao ma pi-please mo.
"Bakit?! Bakit sya nabasted?!" Galak na galak na tanong ni Ramon.
"Ito palang si Hana may kakaibang taste!"
Nagtataka ako at napataas ang kilay ng marinig ko yung sinabi ni Princess. Lumingon ako kay Jason habang nagkwe-kwento si Princess muka namang okay sya parang hindi nabasted.
"Si Hana, kakaiba ang taste. Di sya na a-atract sa mga straight na lalaki!"
"Ha! Tibo sya?!"
Sigaw ni Ramon, nakatanggap naman sya ng batok mula kay Princess. Natawa ako sa muka ni Ramon ng batukan sya ni Princess."Tanga! Hindi sya tibo... Ito ha makinig kayo mabuti"
Nako para kaming mga chismoso't chismosa haha nakayuko pa kami at magkakalapit ang mga ulo.
"Si Hana na aatract sya sa mga lalaking bisexual o dun sa mga bading talaga!"
Halos mahulog ako sa upuan ko ng marinig ko yun . &%$# naman! Ang weird nya, seryeso? ang ganda ganda panaman ni Hana tas ganun trip nya no wonder kung bakit di parin sya nagkaka boyfriend hanggang ngayon.
"Kaya kayong dalawa, mag iingat kayo sa kanya. Baka mamaya mainlove sainyo yan hahaha"
Pagbibiro ni Princess saming dalawa, halos masuka naman si Ramon sa narinig.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Storie d'amore(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...