Chapter 13: Jelousy

6.9K 225 2
                                    

Nang makita kami ni Jason sa loob ng CR kasama si Francis. Tumingin lang sya sakin ng matalim at kay Francis.

"Jason?!" Sabi ko pero hindi sya sumagot nagmadali syang lumabas ng CR.

Tumingin lang ako kay Francis at walang sinabi, nagdali-dali akong lumabas para sundan si Jason.

Nakita ko sya na naglalakad ng mabilis na parang may hinahabol kaya naman hinabol ko sya para maabutan.

"Uy Jason, magpapaliwanag ako... Yung nakita mo... Ki-nomfort lang a--"

Napahinto akong magsalita ng tumigilsa paglalakad si Jayson.

Humarap sya sakin.

"Anong ginagawa mo!?" Tanong nya, tumaas naman yung dalawa kong kilay kasi di ko alam kung ano yung gusto nyang sabihin.

"Wala kang dapat ipaliwang sakin, buhay mo yan, buhay ko to. Wala akong pakilam sayo kahit lumandi ka pa o kung kahit anong gawin mo sa buhay mo o kahit man lalaki kapa wala akong pakilam!" sabi nya at nagsimula ulit maglakad.

Di ko na sya sinundan kasi tama nga naman sya, sino ba ako para pagtuunan nya ng pansin.

Anlaki kong tanga para maniwala na naapektuhan sya sa nakita nya! Ano bang iniisip ko!?

Ang sakit ng pakiramdaman ko doble pa pala yung sakit na mararamdaman mo pag nanggaling pa yun sa taong gusto mo.

Huminga ako ng malalim at napaupo nalang sa kalsada habang pinipilit na maging matino ang pag iisip.

Nakapikit ako ng marinig ko ang boses ni Francis.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya sakin.

Tumingin ako kay Francis na naluluha luha pa.

Tinanong nya ulit ako kung okay lang ako, tumango nalang ako para hindi na sya mag alala sakin.

"Tara! Gusto mo punta tayong CV park? Kain tayo ng hotdog? Diba favorite mo yun?" Yaya sakin ni Francis.

Pero nagtaka ako pano nya nalaman na favorite ko yung hotdog?

Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa pagkakaupo.

Naglalakad kami papuntang CV park ng makasalubong namin si Jason at Hana na magkasama.

"Brent! Brent!" Sigaw ni Hana habang kumakaway sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot sa pagtawag nya.

Tumingin ako kay Jason at nagtama ang mga mata namin pero agad syang umiwas ng tingin. Tinignan nya rin si Francis na kasama ko.

"Oy sensya na ha, hiniram ko muna tong si Jason... Kala ko kasi absent ka, di kasi kayo magkasama. Okay lang ba?" Tanong sakin ni Hana.

Di pako nakakasagot ng biglang magsalita si Jason.

"Hindi mo na kailangan pang mag paalam Hana, nakita mo naman... (Ngumisi sya) mukang bising-busy oh!!"

Pagalit na sinabi ni Jason.

"Tara na Hana!" Sabi nya at umakmang maglalakad na.

Pagkarinig na pagkarinig ko nun agad kong hinawakan ang mga kamay nya na naging dahilan para mapigilan syang maglakad.

Huminto sya tulad ng inaasahan ko pero agad nyang binawi ang mga kamay nya sa pagkakahawak ko.

Parang bumagal ang paligid ko ng tanggalin nya ang mga kamay nya.
Di ko mapaliwanag yung sakit na naramdaman ko ngayon. Parang may mabigat na bagay sa puso ko na unti-unting tinutusok ang puso ko.

"Nag-away ba kayo?" Bulong ni Hana na halata mo sa boses ang pagka-alala.

Ngumiti lang ako sa kanya. Gusto ko ng sabihin kay Hana na nagseselos ako sa kanilang dalawa pero hindi pwede kasi mas lalo lang magagalit sakin si Jason.

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon