Sana naman dumating yung time na maging okay na ulit kami ni Francis, na matutuhan nya kong mapatawad at sana dumating narin yung tamang tao para sa kanya.
naglakad nako pauwi samin pero bago yun dumaan muna ako sa mall para bumili ng paborito kong pabango. Syempre kahit papano nagpapabango rin naman ako, maselan nga lang ako sa pabango.
umakyat ako sa second floor para bumili ng pabango pero may biglang pumukaw sakin ng pansin, ang isang familiar na damit, ito yung longsleeve na gamit ni Jason ng matapunan ko sya ng mayonaise nuon, ito rin yung dahilan kung bakit narito ako ngayon sa kinakatayuan ko.
lumapit ako sa damit na nakadisplay sa store at inalala yung panahon na una kaming nagkakilala ni Jason, iniisip ko tuloy pano kaya kung hindi ko sya natapunan ng mayonaise nun magkakakilala kaya kami o hindi?
malalaman nya kaya na may Brent pala na nabubuhay sa mundo?sumagi narin sa isip ko na ano ba? magpapasalamat ba ako dahil nakilala ko si Jason? or sana hindi nalang? pano kung binigyan ako ng chance na bumalik sa time na bago palang kami magkakilala ni Jason, itutuloy ko parin ba? o hindi na?
ang daming pumapasok sa utak ko ngayon pero isa lang ang alam ko... naging masaya ako simula ng makilala ko si Jason.
ang sarap isip isipin at balik balikan yung mga nangyari samin ni Jason, iniisip ko lang abot langit na ang sayang nararamdaman ko.
kaso pawang bakas nalang ng kahapon ang lahat kaya naman kailangan ko narin kalimutan yun para makapag simula ulit ako ng bago.
mag sisimula na sana akong maglakad ng makita ko si Jason kasama si Philip na nakatayo sa harap ko, bakit ba sa dinami-rami ng araw ngayon ko pa makakasalubong tong mokong nato! may dala-dala syang maraming paper bag na may tatak ng ibat ibang kilalang brand ng damit.
nagtama ang aming mga mata pero agad nyang iniwas ang tingin nya. pakiramdam ko tuloy iniiwas nya na yung sarili nya sakin na alam ko sa kaibutaran ng aking puso na wag naman sana.
tumingin nalang ako kay Philip pagkatapos akong iwasan ng tingin ni Jason. agad naman akong pinansin ni Philip habang sumisipsip sa dala-dala niyang shake.
"oh Brent! anong ginagawa mo rito?" tanong ni Philip.
"ahh.. (tumingin ako kay Jason)
ano lang.. ahhh... may tinitignan lang akong damit..."
"ganun ba? sakto pala eh bumibili rin si Jason ng mga damit baka gusto mong sumabay samin?" alok ng binata sabay higop sa dalang shake.
"ahhhh...."
"tara na Philip baka maabala pa natin sya!" biglang sinabi ni Jason sabay lakad.
"oy! saglit lang!" sabi ni Philip kay Jason nagmadali kasing naglakad si Jason.
"sige pala Brent una na kami (naglakad na si Philip pero bigla itong himinto)
nga pala Brent aalis na si Jason 2 days from now! mag aaral na sya sa UK, kung ako sayo kausapin mo sya wag mong sayangin yung chance"napatango nalang ako sa sinabi ni Philip, pero teka? diba nasa school si Jason nung enrollment? kung sa UK sya mag aaral bakit pumunta pa sya nung enrollment?
ano ba tong nararamdaman ko parang tinutusok yung puso ko. nakatayo lang ako sa gitna ng hallway ng mall na para bang inaabsorb yung mga sinabi ni Philip kanina.
inabot pako ng ilang minuto para marealized ko na kausapin ko na si Jason para magkaayos na kaming dalawa.
agad akong tumakbo kung saan dako sila naglakad, alam ko sa UK na mag aaral si Jason kaya naman gusto kong ipaalam sakanya kung ano yung nararamdman ko ayokong dumating yung time na pag sisisihan ko na hindi ko nasabi yung narardaman ko sakanya.
hinanap ko sila kung saan saan ako nagpunta sa loob ng mall umaasa na mahanap ko pa sila pero wala, nabigo ako hindi ko na sila naabutan.
nang nasuyod ko na yung buong mall naisip ko na baka naman nakauwi na si Jason? agad akong pumunta sa mansion nila para makita at makausap si Jason.
sinalubong ako ni aling Raquel sa gate palang ng mansion.
"oh! sir Brent! kumusta na! long time no see ha!" bati ni aling Raquel.
"aling Raquel andyan na po ba si Jason?" bungad ko sa tanong niya.
"nako sir, wala hindi ata dito tutuloy si sir Aw eh."
ng marinig ko yun parang may umuntog sa ulo ko at nanghina ang mga tuhod ko, nanghinayang ako na sana pala hindi ko hinayaang palagpasin yung chance na makausap sya.
bakit hinintay ko pa kasing malaman na aalis na si Jason bago ko to maramdaman eh.
"ahh, te Raquel may number po ba kayo ni Jason?"
nagtaka naman si aling Raquel sa tanong ko, malamang siguro hindi nya alam yung nangyari samin ni Jason.
kinuha ng kasambahay yung cellphone nya sa kaliwang bahagi ng bulsa nya at hinanap yung number ni Jason habang nakatingin si aling Raquel sa cellphone nya hindi ko mapigilang kabahan.
pagkabigay ng number ni Jason agad ko tong tinawagan at tinext pero hindi nya sinasagot yung tawag ko o kahit yung mga text ko sa kanya. Ang sakit ng nararamdaman ko, iniisip ko tuloy kung nababasa nya ba yung mga text ko o hindi?
bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit pero ang bilis ng tibok ng puso ko.
nagtanung-tanong ako sa mga kakilala nya kung alam ba nila kung saan tumuloy si Jason pero walang may alam maliban kay Philip.
lumipas ang minuto at oras di ko namalayan na madilim na pala ang paligid, ganito pala pag may hinahanap ka di mo namamalayan ang oras.
mawawalan nako ng pag-asa na maka usap pa si Jason ng bigla kong makita si Philip sa labas ng convenient store.
biglang nag liwanag ang paligid ko at nakahinga ng maluwag dahil sa nakita ko kaya naman agad ko syang pinuntahan.
"Philip! asan si Jason?!" bungad ko sakanya.
tumingin lang sakin si Philip na malungkot ang mukha.
"si... Jason...." malungkot nyang sinabi.
"bakit? anong problema Philip? anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
tinakpan ni Philip ang mukha nya gamit ang kanang palad nya at nagsimulang huminga ng malalim na para bang problemado.
"Brent... ang bilis ng pangyayari...." sabi nya at nagsimula na syang maluha.
nagsimula nakong magduda sa kalagayan ni Jason, sa pinapakita ni Philip parang nasa masamang kalagayan si Jason.
niyaya ko sya sa loob ng convenient store para bumili ng tubig at hot noodles para naman mapakalma sya.
umupo sya at nag simulang magkwento sa nangyari.
nabitawan ko yung hawak kong bottled water ng magsimulang magkwento si Philip.
dali-daling lumabas ang luha saking mga mata na parang tubig na hindi mo kayang pigilan ang pag agos, nanlamig ang buo kong katawan at nanlambot ang aking mga tuhod.
totoo batong naririnig ko? totoo ba to?!
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Romance(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...