Takot na takot nako sa mga oras nato isama pa yung init na nararamdaman ko, naisip ko kung dito matatapos yung buhay ko sayang naman marami pa kong gustong gawin.
Bakit ba may mga ganitong tao? Taong handang pumatay para sa taong gusto nila natanong naba nila yung sarili nila kung kilala ba sila ng taong gusto nila?
Mahapdi na ang mga kamay ko dahil narin siguro sa pilit kong pagpupumiglas. Nakahiga ako sa sahig.
Hindi ko na alam kung ilang oras naba ako nandun sa kwartong yun.
Tinangka ko ulit sumigaw at humingi ng tulong kahit alam ko na di ako makakasigaw pero nagbakasakali ako na baka may makarinig sa labas.
Maya maya napahinto ako sa pagsigaw ko nakarinig ako ng ingay sa labas. Tunog na parang sinisira ang locked sa pintuan.
Nang marinig ko yun nabuhayan ako ng loob at nagsisigaw kahit na ang telang nakalagay sa bibig ko ay basang basa na ng laway.
Naramdaman ko naman na parang narinig nya ko kasi biglang bumilis yung tunog ng paghampas ng locked sa labas.
Mga ilang minuto, narinig ko na yung yapak ng lakad nung taong sumira ng locked sa pintuan napaiyak nako sa mga oras nayun na parang batang nag susumbong sa magulang.
Napatigil ako sa pag hinga ko sandali ng marinig ko ang boses ng lalaki.
"Brent! Brent! Okay kalang ba!"
Kahit nakapiring ang mga mata ko, alam ko na agad kung kanino galing yung boses na narinig ko.
Dali-dali nyang kinalag yung tali sa kamay ko na nasa likod ko, pagkaalis ng tali agad ko namang tinanggal yung telang nakalagay sa bibig ko at yung piring sa mga mata ko.
Bumungad sakin ang muka ni Jason pag mulat ng aking mga mata.
Ng makita ko sya agad akong napayakap sa kanya na walang ibang iniisip kundi salamat, salamat kasi andun sya para iligtas ako.
Nagsimula akong umiyak ng malakas na parang batang nawawala na natagpuan ng magulang.
Napakapit ako ng mahigpit sa mga brusko nyang braso wala nakong pakilam kahit na tumulo pa yung sipon ko basta ang mahalaga okay nako.
Maya-maya bigla kong naramdaman yung mga kamay nya sa ulo ko dahan dahan nyang hinimas-himas ang ulo ko na para bang tatay na pinapatahan ang anak.
"Tama na, safe ka na Brent.." Malambing nyang pagkasabi habang patuloy na hinahawakan ang ulo ko.
* * *
Inalalayan ako ni Jason paupo sa upuan sa loob ng 7-11 malapit sa labas ng school. Dun ko lang napansin na madilim na pala ang paligid ibig sabihin matagal akong nakulong dun.
Nang makahinga nako at makarelax, dun ko lang naramdaman yung mga sakit at hapdi ng sugat ko, ang dami ko palang sugat sa kamay at tuhod.
Napahawak naman ako sa mga sugat ko sa sobrang hapdi, napapikit nalang ako para matiis ko yung sakit na nararandaman ko.
Napamulat ako ng biglang hawakan ni Jason ang mga kamay ko at dahan dahang nilinisan ang mga sugat at gasgas ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit ka ginanon?"
Tanong ni Jason habang nililinisan yung iba ko pang sugat hindi ko masabi sa kanya na dahil sa kanya, kaya nangyari sakin to.
Nakatingin lang ako kay Jason habang nililinisan yung sugat ko ng biglang nagtama ang mga mata namin.
Dun ko lang napansin na kulay brown pala yung mga mata nya at may mahahabang pilik mata.
Habang nakatingin ako sa mga mata nya dun ko naisip na may konti rin palang kabaitan tong si Jason, maalaga at napaka gentleman dati kala ko puro yabang lang ang laman ng ulo nito hindi pala.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Roman d'amour(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...