Chapter 10: I will take care of you

7K 228 9
                                    

Pumasok ako ng school na dala parin yung guilt na nararamdaman ko kahapon pa. Di ko matiis yung sarili ko na hindi mag sorry kay Jason.

Alam ko nasaktan ko sya, gusto lang naman nya tulungan ako pero ganun pa yung sinukli ko sa pagtulong nya.

Pagdating ko sa gate ng school nagtaka ako at napakamot ng ulo, himala! Wala pa ata yung mokong nayun ha usually pag ganitong oras nakatambay nayun sa gate eh ano naman kaya yung nangyari dun.

Nakalagpas nako ng gate at papasok nako ng classroom namin pero hindi parin mawala sa isip ko ang mag alala at sisihin yung sarili ko.

Kahit naman ganun yung taong yun hindi naman sya mahilig mag absent at hinding hindi naman malalate yung dahil may sasakyan naman sya, minsan may naghahatid pa sa kanya.

O baka naman may nangyari sa kanyang masama!?

O dahil sa nangyari kagabi? Galit parin ata sya?

Nanginginig pa ang mga kamay ko habang kinukuha ko yung fone ko sa bag ko para tawagan yung lalaking yun. Lakas maka-guilty!

Nasa screen na yung number nya all i have to do is to click call. yeah click not tap pero somehow nag dadalawang isip ako pano kung late lang sya at nag oover react lang ako kasi hindi ako sanay na hindi na sya nakikita? Pano kung galit sya? Aaahhhhhh &%$# naman!!!

Pumikit ako at pinindot ang call...

Calling.......

Walang sumasagot ng fone nya pero nag riring to.

Ano bayan!!!!! Lakas makaguilty ang puta!

Nagmadali akong lumabas ng classroom at nagtungo sa mansion nila Jason.
Pagdating ko sa malaking gate nila kumatok ako sa kabilang gate malapit sa guard house.

"Ano po yun sir?" Tanong ng guard sakin.

"Andyan po ba si Jason? Kaibigan nya po ako, kakamustahin ko lang po sya. Di po kasi sya pumasok."

Paliwanag ko sa guard na nagbabantay ng gate pero hindi parin nya binubuksan yung gate.

"Wait lang po sir ha.."

Pagkatapos ng ilang segundo bumukas ang gate at sumalubong sakin si Aling Raquel.

"Hi te Raquel, kamustahin ko lang po si Jason..."

"Nako sir may sakit ngayon si sir Aw natuyuan ng tubig sa ulan sir, sakitin pa naman yun"

"Ahhh ganun po ba..." Nakahinga naman ako ng malalim kasi di ako yung dahilan kung bakit di sya pumasok. Teka nabasa sya ng ulan dahil sakin diba? Pambihira talaga!

Ng marinig ko yun ngumiti ako kay aling Raquel at tumalikod, aalis na sana ako ng...

"Teka lang sir! San po kayo pupunta? Dadalawin nyo po si sir diba?"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko yun.

Sige na nga tutal andito naman nako bibisitahin ko na nga lang sya.

Hinatid ako ni Aling Raquel sa kwarto ni Jason.

"Sir pilitin nyo pong kumain si sir Aw di pa po kumakain yan"

Tumango lang ako ng sagot kay aling Raquel at kumatok sa pinto ni Jason, alam ko naman na hindi nya mabubuksan yung pinto kaya ako nalang nagbukas.

"Sir ikaw na bahala kay sir Aw." Bilin skin ni aling Raquel. Teka? Nurse ba ako? Ipapaubaya na sakin tong mokong nato.

Pumasok ako sa loob ng kwarto nya nakita ko syang nakahiga at natutulog ng mahimbing sa malaki at napakalambot nyang kama.

Hindi ko alam kung pano ko sya haharapin dahil sa nagawa ko kahapon, umupo ako sa maliit ng sofa malapit sa kama nya at huminga ng malalim.

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon