Chapter 18: After

6.1K 205 3
                                    

           Parang lasing na naglakad papalayo si Jason dahil siguro sa sakit na nararamdaman nya, he just lost his dream girl.

Gusto ko syang habulin, yakapin at humingi ng tawad pero para akong bato na hindi makagalaw. Paulit ulit na umiikot sa isip ko yung sinabi nya.

Ako ba talaga ang dahilan? Sinira ko ba talaga ang lahat? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad akong napaiyak at humagulgol.

Buti nalang andun si Francis na agad na sumalo sakin bago pa ako mapaupo sa lupa.

"Brent!" Wika ni Francis sabay hawak sakin.

Wala akong nagawa kundi yumakap sa mga bisig ni Francis at umiyak.

Pagkatapos, hindi ko na nakita si Jason sa venue kahit saan ko ibaling ang tingin ko wala na sya.

That time wala narin ako sa sarili ko masyadong nakaapekto samin yung nangyari kanina.

Buti na nga lang nakikisama tong sina Princess at Ramon hinayaan muna nila akong mag isa sa loob ng tent para mailabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako habang umiiyak.

Kinabukasan...

"Brent... Brent!" Sabi ni Francis. Pero wala akong naririnig hanggang tapikin nya ko.

"Brent!"

"Ahh.. Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Tapos na yung activity uwi na tayo.." Yaya ni Francis.

Di ko namalayan na umaga na pala at tapos na yung activity namin. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko na nakita sila Princess kaya naman tinanong ko sila kay Francis.

Sabi ni Francis nasa sasakyan na raw silang dalawa ni Ramon hinihintay na kami. Pero pinapauna nako ni Francis sa sasakyan since na ka-kalagin nya pa yung tent namin.

Tumanggi ako na mauna na sa sasakyan nya kung saan andun na sila Ramon na nag aantay samin. Sabi ko sabay nalang kaming dalawa. Konti nalang yung tao sa camp halos lahat nag uuwian na.

Mukang maagang umalis sila Jason wala na kasi yung tent nila.

Agad akong humingi ng sorry kay Francis habang kinakalas yung mga bakal ng tent na gamit namin.

"Wala ka dapat ipag-sorry sakin... Wala ka namang ginawang masama sakin." Wika nya.

Yumuko ako at hinintay na matapos sya.
Tumulong narin ako sa pag aayos sa ginamit naming tent, yung dalawang yun pumunta na agad ng sasakyan hindi pa nga ayos dito. Di naman sila masyadong tamad no?

Pagdating namin ni Francis sa sasakyan nakita ko yung dalawang kumag nayun na nasa loob na sosyal ha nakabukas pa yung aircon di na nahiya kay Francis.

Pumasok kaming dalawa sa sasakyan syemore likod ako, asa pa si Princess nasa harap na agad.

Ang tahimik namin, parang walang gustong magsalita. Parang nagpa pakiramdaman kaming apat kung sino ang unang magsasalita.

"Guys sorry sa nagawa ko!" Basag ko sa katahimikan.

Agad tumingin sakin si Ramon at Princess.

"Ano kaba friend wala kang kasalanan sa nangyari..." Sabi ni Princess.

"Baliw! May kasalanan din sya kasi pumayag syang magpanggap na jowa sya ni boy!" Sigaw ni Ramon.hayup nato! Di nalan umo-o haha tunay ka talagang kaibigan!.

"Basta kahit anong mangyari we got your back bakla!" Pagpapalakas ng loob sakin ni Ramon.

Para namang gumaan ang pakiramdam ko ng sabihin sakin ni Ramon yun kahit papano naramdaman ko na hindi ako nag iisa.

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon