Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG XXVI

146 6 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Pinagdikit ko nang mariin ang mga palad ko hanggang sa makatulog. Naalimpungatan ako sa huni ng mga dahon at insekto sa labas. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata.

Hala, nasaan ako?

Wala ako sa kwarto ni Ate Snow. Ang malala pa diyan ay tila wala ako sa akademiya dahil madaming kakahuyan sa paligid.

Manahimik ka, baka may nagpapatrol.

Pinuno, handa na ang lahat.

Mabuti, maghanda na kayo sa nalalapit nating paglusob sa akademiya.

May biglang dumakip sa akin at mabilis kaming napalayo sa lugar na iyon. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin kaya walang kwenta kahit magpumiglas ako. Nakatakip ang palad nito sa bibig ko kaya hindi ako makasigaw. Anong gagawin ko?

Dinilaan ko ang palad nito na napaluwang ang pagkakatakip sa bibig ko saka kinagat ang daliri niya. Sana madapa ka.

Nadapa ito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakas. Isang malaking bloke ng lupa ang humarang sa akin. Nagmamadali kong binigkas ang hiling ko, sana makaalis na ako dito.

Natumba ako sa malamig na sahig. Ano iyon? Nangangatog ang tuhod ko sa mga nangyari. Bumangon ako mula sa pagkakadapa at sa dinadami ba naman ng pupwede kong puntahan ay sa harap pa ng pinto ng headmaster's office ako napunta.

"Come in." Uhm, no thanks.

Tatakbo na sana ako nang magbukas ang pinto at nakatitig sa akin ang headmaster. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko at napaluha naman ako sa takot. Bakit kasi ang bilis kong maiyak? Pinunasan ko ang luha at nahihiya akong sumunod sa headmaster's office.

"Bakit ka nandito?" pagtatanong nito.

Nakayuko ako habang nilalaro ang mga daliri.

"Benevelle."

Hindi ako makapagsalita at lalo lang akong naiyak kas hindi ko maintindihan ang sarili. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Napahilot sa sentido ang headmaster na mukhang inaantok pa saka pinapasok ang sinumang kumatok.

Nakatingin sa akin ang lalaki na may dark brown na buhok. Halos magkasing edad sila ng headmaster.

"Greetings, headmaster," pagbati nito.

Napadako ang mga mata ko sa kamay niya na may bakas ng kagat. Lamunin na ako ng lupa. Ako ba ang may gawa nun? Naupo ang lalaki sa tapat na upuan at tumitig sa akin. Siya ata iyong nakagat ko.

"At bakit nandito ka din, Pandone?"

Patuloy akong pinagmamasdan nung Pandone na dumakip sa akin kanina.

"One of our students went outside the academy after curfew which is a clear violation of Rule number 14 in our student manual," madiing sabi nito habang nakatitig sa akin.

Bumaling sa akin ang headmaster kaya napayuko ako. Hay, may kasalanan nanaman ako.

"Greetings, headmaster. What's the urgent matter?" Pumasok sa opisina ang isang babae na sky blue ang buhok.

"Harper, take this kid under your wing." Nabaling sa akin ang pansin nung Harper na mukhang mas bata kumpara sa headmaster at sa dumakip sa akin kanina.

"Oh, okay. Why, may nangyari ba?"

Ramdam ko an bigat ng aura nilang tatlo kaya napasimangot ako. Mapipilitan nanaman akong magkwento.

"Benevelle," mapagbantang tono ng headmaster.

"Shhh, it's okay. You're safe here," pag-aalo sa akin ni Ms. Harper.

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon