Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG XVII

212 9 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Wala din siyang ideya sa nangyari?" tanong ng isang matangkad na babae kay Thunder habang nakaturo sa akin. Nakapusod ang puting buhok nito at singkit ang mga mata niyang kulay abo.

"Tss," pag-ismid ng kasama ko.

Nasa hardin kami ngayon ng Kromelia at ramdam kong parang may mali sa memorya ko. Hati-hati ito. Para bang naka-timelapse na sa sobrang bilis ay may maga parte kang hindi lubusang matutuunan ng pansin kahit sigurado kang kasama iyon.

"Look Thunder, you brought absolute chaos. Pwede bang makipag-cooperate ka sa imbestigasyon at huwag mo akong bigyan ng rason na hindi mo alam kung anong nangyari. You're so immature, grow up," iritang baling sa kaniya ng babae.

Hindi naman siya tinapunan ng pansin ni Thunder. Ang sama talaga ng ugali. Pero kung tutuusin, hindi ko din magustuhan ang pagtatanong nung babae dahil may paninisi sa tono nito at totoo namang hindi namin maalala kung anong nangyari. Ang alam ko lang, mula sa luma naming mansyon na tinupok ng apoy ay napadpad kami bigla sa hardin ng academy.

"Tara, Tingting."

Hinawakan ako nito sa pulsuhan pero agad kong binawi ang kamay bago naglakad palayo.

"Where do you think you're going?" sabay na tanong ni Thunder at nung binibini.

Kruug. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ng tiyan ko. Napangisi ang binata dahil doon.

"Whatever, magtungo na lang kayo sa headmaster's office. Sasakit lang ang ulo ko sa inyo," sabi ng babae habang nakahalukipkip. "Also, Snow is back. We'll have a meeting tonight."

"Got this, Quinn," sagot ni Thunder na may pagkamagalang. Magalang? May ganoon pala sa bocabularyo niya.

Kinaladkad ako ng binata patungo sa dining hall. Natuon ang pansin ng lahat sa amin nang makapasok kami doon. Ipinagsawalang bahala ko ang mga tingin at bulong nila dahil gutom na talaga ako.

"Upo," utos sa akin ni Tanda.

Iniwan niya ako doon bago pumunta sa harap ng counter. Bumalik si Thunder sa table namin na may hawak na tray.

"Eat," utos niya ulit.

Susubo na sana ako nang biglang yumanig ang lupa. Nabitawan ko ang kutsara sa gulat.

"SILVER!"

Nadinig ang malalim at malamig na boses ng headmaster sa buong akademiya. Awtomatikong sinundan ng pandinig ko iyon.

"Hindi pinaghihintay ang pagkain," iritang sabi ni Thunder. "Sumubo ka na o gusto mong subuan pa kita?"

Nakakabanas. Makautos, wagas. Kung hindi lang ako gutom ay naitusok ko na ang tinidor sa mga mata niya na nakatitig lang sa akin habang nilalantakan ko ang pagkain. Nakangisi lamang ito at para bang may kalokohan nanamang iniisip. Ibinaba ko ang tingin dahil hindi ko matiis ang tindi ng focus niya. Itinuon ko na lang ang pandinig ko sa headmaster's office.

"Where's Benevelle?" tanong ni Silver na hinahanap ako.

"She's not a student of the academy and she is not my concern," mababa ang tono ng headmaster.

May pagkadismayang sumilay sa dibdib ko dahil doon.

"Kung wala na kayong ibang sasabihin, pakinggan niyo na ang magiging desisyon ko. Silver, suspendido ka sa isang buong buwan. At ikaw, Snow, your position as first ranker will be revoked."

"WHAT!" Kambal siguro ito ni Thunder, parehong na-what eh.

Napahawak ako sa mga tainga ko dahil matinis at malakas ang pagkasigaw nung babae.

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon