Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG II

584 12 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Lahat ng pagmamay-ari ng Don ay sa iyo niya ipinangalan." Bakas sa mukha ng tiyahin ang inggit at poot. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na halos mapunit ang aking anit sa pagsabunot niya.

"Ampon ka! Sana mamatay ka na. Mamamatay tao, pinatay mo ang pamangkin ko. Magnanakaw!" Sana nga, sana mamatay na din ako kaso hindi iyon natupad. Para bang pinoprotektahan ako ng sariling kapangyarihan.

Madami pa siyang dinakdak hanggang sa kaladkarin siya ng mga pulis palayo. Siya ngayon ang dadalhin sa presinto.

"Iha, ayos ka lang ba?"

"A-ayos lang po. Salamat attorney."

"Mukhang hindi makatutulong kung dito ka pa lalagi, iha, wala ka ding babalikan sa mansiyon." Ipinatong nito ang palad sa ulo ko na para bang isa akong bata.

"Naipaalam ko naman na sa misis ko ang lagay mo, titira ka muna sa amin pansamantala, okay lang ba sa iyo?" Pinagmasdan ko ang lalaki. May katangkaran siya, medyo singkit ang mga mata, moreno at may balbas.

"Matalik na kaibigan ng misis ko ang donya. Ligtas ka roon."

"Si-sige po. Okay lang po, attorney."

"May natitira ka pa bang gamit sa loob? Kung meron, pakikuha na lang nang mabilisan at ihahatid na muna kita sa misis ko. Makakaasa kang matatapos din ang gulong ito."

Walang pag-aalinlangan kong sinunod si attorney at pumanhik sa pansamantalang kuwarto namin ni Celine. Agad kong binalot ang mga damit niya at damit ko, lahat ng gamit, kasama ang picture frame na may family picture namin, at ang manika na ginawa niya para sa akin. Pinagbuksan ako ng pinto ni attorney at tuluyan akong sumakay sa kotse niya.

Nakatitig lamang ako sa labas ng bintana. Naalala ko ang mga tingin ng kapitbahay kanina na puno ng panghuhusga, naalala ko iyong pagtupok ng apoy sa mansiyon, naalala ko ang pagbagsak ng katawan ni Celine.

Namamanhid ako. Kahapon ay halu-halo ang naramdaman ko sa mga pangyayari pero halos wala na akong maramdaman ngayon dahil sa sakit. Birthday ko pala? Hah, happy birthday to me, mapait kong banggit sa sarili.

Tahimik ang buong biyahe. Pamilyar ang bahay na dinatnan namin. Paminsan-minsan kaming sinasama ni mama sa bahay nila Tita Grace.

"Benyyy!" Masiglang bati sa akin ni tita. "Kumusta ka na 'nak?" Niyakap ako nito saka hinaplos ang buhok.

"Love," mahinang banggit ni attorney at bumaling naman sa kaniya si tita at binigyan ito nang mabilis na halik sa labi. "Mauna na ako, dito muna lalagi si Benevelle."

"Sure, love. Halika 'nak. Kain muna tayo, kumain ka na ba?" Umiling ako sa tanong niya.

Nagsandok si tita ng kanin at ng ulam - sinigang na baboy, paborito ni Celine. Tila may nabara sa lalamunan ko at kinagat ko ang ibabang labi para pigilin ang iyak.

"Nak, it's okay, you can cry." At dito na nga nag-unahang maglabasan ang mga luha ko. Hindi ko maipaliwanang kung gaano kasakit na sumubo ng kanin habang umiiyak. Lalo namang uminit sa pakiramdam ang sabaw ng sinigang.

"I'll visit your mom later, sasama ka ba?" Pinatahan ko ang sarili at sasagot na sana nang magsalita ulit ito. "It would be better though if you stay here. I'm just concerned of you, mukhang wala ka pang tulog 'nak. Magpahinga ka muna."

"O-okay po. I'll stay here tita."

"That's good." Tumayo si tita para kumuha ng juice at inabutan din ako.

"What are your plans pala, 'nak? Magsisimula na ang semestre sa sunod na buwan."

"Hindi ko pa po sigurado kung mag-e-enroll ako tita."

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon