Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

XI | 2nd Rank: Silver

252 9 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Silver ~

Sa Kromelia Academy

Kailangan kong makita si Elmira upang ipaalam na hinahanap siya ng headmaster kaya iiwan ko muna si Benevelle kila Fiona at Blue.

"Tatanggapin mo ba iyong challenge ni Somi? Isa't kalahating buwan na lang ang natira, bakit hindi na lang kayo maglaban sa year-end duel?"

Mas mainam na tanggapin ko ang hamon ng seventh ranker bago ang duel ban na ipapatupad sa susunod na dalawang lingo, isang buwan bago ang year-end duel. Pagkakataon ko din ito na malaman kung gaano humusay si Somi mula sa nagdaang pagsasanay.

Napatingin ako sa watch at mainit na pinag-uusapan ang detention ko at ang duel challenge na natanggap. Hay. Inakala siguro ni Somi na si Snow ang kasama ko. Mabuti na lang at lagi akong may dalang facemask. Napaismid ako sa gulong ginawa ko. This is fun.

Nagtungo ako sa challenge office at kinumpirma na makakarating ako sa duel arena dalawang araw mula ngayon. Katapos nun ay naglalakad-lakad na muna ako upang matapos ang rounds bilang isang air elementian.

Silver will give a quick background on student roles.

May limang role types ang mga student elementians: two attacker teams, two defender teams, and healers.

Ang mga Ignis ang nakatoka sa external attack range which means, in case of battle, sila ang frontline outside the academy. Madalas ay rumoronda sila sa boundaries ng academy. Si Master Tyrol Cray ang director ng mga fire elementians at siya din ang nagsasanay sa mga piling fire elementians na pumasa bilang frontline attackers ng academy.

Ang mga Aqua ang naatasan para sa internal attack range which means they battle inside the academy. Si Master Shamcey Harper ang director nila. Aero-Aqua elementians with offensive battle techniques also belong here.

Ang responsibilidad naman ng mga Aero defenders ay sa internal security system habang ang Terra defenders ang nagbabantay ng seguridad sa labas. The security system include background checks, alarms and barriers installation, patrols/rounds, and more.

Ang malaking pinagkaiba ng dalawang defender types ay ang area of focus nila. Aero defenders focus on students and personnel inside the academy while Terra defenders focus on troubles brewing outside the academy. Si Master Carolina Dampshire ang director ng air elementians at si Master Ric Pandone naman ang director ng earth elementians.

For emergency care and assistance, we have the Aqua-Terra elementians. Pinangungunaha ito ni Genevieve Ynui, or Gen, for short. Sila ang naatasan sa healing and disaster prevention.

Sa tagal ng paglalakad-lakad ko ay hindi ko man lang namataan si Elmira kaya nagsend na lang ako ng message. Siguro ay binuro nanaman niya ang sarili sa library.

Ilang minuto din ang lumipas at halos makabalik na ako sa pwesto kanina kung saan ako nagsimula. This time, some trouble is brewing. Nakita ko sa malayuan si Thunder, isa sa mga rankers na madalas mambuyo ng kapawa estudyante. Nang makalapit ay nakita ko din ang namumuong usok sa paligid. Benevelle. Wala masiyadong naglalakas-loob na lumapit sa ranker na si Thunder dahil sa ugali niya kaya may hinuha ako na si Beny ang dahilan nitong makapal na usok.

Tinakbo ko ang pagitan namin bago nagmadaling gumawa ng air force field para hindi ito kumalat.

Sakto naman na kalalabas ni Elmira ng Headmaster's office kaya naabutan niya din ang gulong iyon. Habang wala pang gaanong estudyante sa hallway ay inilubog niya ang parte kung saan nakatayo ang dalawa. Mas dumali sa akin na kontrolin ang usok kaso naging concentrated ito sa dent na ginawa ni Elmira.

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon