Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
Hinayaan ko ang sarili na tumitig sa kaniyang mga mata. Kulay abo ang mga ito. Ang kulay na paborito ko. Habang walang malay, nagpatuloy ang mga imahe hanggang sa panaginip ko.
Alaala ng nakaraan
"Benevelle, laro tayo," pag-aaya sa kaniya ng batang lalaki na humigit kumulang tatlong talampakan lamang ang tangkad.
Nasa isang malawak na bakuran ang dalawang bata, nakaupo sila sa damuhan, sa ilalalim ng isang matayog na puno ng acacia.
"Silver, pagagalitan tayo." Nag-aalalang suway ng mas batang babae.
"Lagi naman tayong pinapagalitan eh."
"Ang kulit-kulit mo kasi."
"Dali na Benevelle, may ipapakita ako sa iyo." Walang nagawa ang batang babae nang hilain siya patayo ng kalaro kaya tahimik na lang itong sumunod.
"Tignan mo oh. Kaya kong paliparin ang mga dahon." Namamangha man ang babae ay nag-aalala pa din ito na baka mahuli sila.
"Ang galing Silver... pero halika na, matulog na tayo."
"Ayaw."
"Bahala ka diyan, matutulog na ako. Pagalitan ka sana ni sister."
Akmang aalis na ang babae nang may gawing nakakaloko ang kalaro kaya napasigaw ito.
"Sino iyan?" galit at maingay na sigaw ng isang madre.
Nakaramdam ng biglaang takot ang dalawang bata at nagyakapan. Si Sister. Pinaluhod ng madre ang dalawang bata sa asin bilang parusa. Tahimik na lumuluha ang batang babae dahil sa sakit ng mga tuhod at braso. Gusto niya nang matulog. Maaga pa silang maglilinis kinabukasan.
"Sorry, Benevelle," taos-pusong paghingi ng tawad nung batang lalaki. "Salamat kasi hindi mo ako iniwan."
Tikom lang ang mga bibig ng batang babae, pakiramdam niya ay matutumba siya anumang oras. Nang hindi na nito matiis ang katahimikan ay bigla itong nagsalita.
"Balak na kitang iwan kanina," inis pero mahinang sumbat niya sa kalaro.
"Pero hindi mo itinuloy."
"Ihinangin mo kasi iyong bestida ko!" Napataas ang boses ng bata nang maalala niya ang kapilyuhan ng kalaro.
"Tahimik!" Muli silang pinag-initan ng madre at pinalu-palo gamit ang manipis na kawayan. Napahilata ang batang babae dahil sa sakit ng katawan pero patuloy pa din ang pagpalo ng madre.
"Ako na lang, ako na lang po. Kasalanan ko po, huwag niyo na pong idamay si Benevelle." Tumigil sa pagpalo sa batang babae ang madre pero dinig sa kuwarto ang mas maingay na pagdaing ng kalaro nito na si Silver.
Napahigpit ang hawak ko sa ulo sa tindi ng sakit nito. Para itong mabibiyak. Habol-habol ko ang hininga pagkagising. Pansin kong binabalot ako ng usok. Nag-iinit ang katawan ko na para bang inaatake ako ng sarili kong kapangyarihan. Ang init. Para akong sinusunog nang buhay.
"Benevelle," bati sa akin ni Silver. "Shit, you're still hot." Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala.
"Sa akademiya na natin siya gamutin. Kailangan na nating bumalik, Silver." Kunot ang noo na sabi sa kaniya ni Fiona.
Itinaas ni Blue ang isang maliit na papel at bumigkas ng kakaibang lenggwahe. Isang portal ang humarap sa amin.
Nangungunang lumusot doon si Fiona. Buhat-buhat naman ako ni Silver na parang isang lantang gulay na pasyente saka siya pumasok doon. Huling lumusot sa portal si Blue.
BINABASA MO ANG
Bad Genie [Book 1 Completed]
FantasiaBe careful what you wish for, you might just get it. At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa b...
![Bad Genie [Book 1 Completed]](https://img.wattpad.com/cover/132001838-64-k986576.jpg)