Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG XXIV

164 5 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Challenge START!"

Nagbalik si Quinn sa pwesto ng mga ranker. Biglang nagliwanag ang mukha nito at napangisi na parang may masamang binabalak. Mukhang pamilyar.

"30K Somi," maikling sabi nito habang nilahad and ID niya na may blue border at kulay gintong lanyard. Pansin kong lahat ng ranker ay magkakapareho ng lanyard.

"30K Silver," kaswal na sabi ni Elmira. Hindi ko inasahang sasali ito sa pustahan. Normal ba sa rankers iyon?

"Ang play safe niyo naman, kulang pa iyan sa monthly rent natin sa rooms natin dito sa baba. Tss. 60K for Somi," mapanghamon na sabi ni Snow bago sila sabay-sabay na napatingin doon sa isa pang lalaking ranker, Bern ata ang pangalan.

"Too high," sabi nito.

Dahil tumanggi ito makipusta ay napatingin ang tatlong babaeng rankers sa akin.

"Hi-hindi pa ako enrolled," kinakabahang sabi ko.

Iyong mga tingin kasi nila para akong kakainin nang buhay.

"Fine, itataas ko sa 60K iyong akin," sabi ni Elmira.

Saglit, super big deal ba ng pustahan sa kanila? Hindi ba malaki iyong 60K?

"Hmm, 30K Silver," pagsunod nung si Bern.

"Yay! Thanks, Elmira. Now, let's watch. Siyempre mananalo ang pambato ko. Hahaha..." Patawa-tawa na sabi ni Snow.

"No, Silver will win this game."

"Seriously? Sa kabila ng lahat nang nangyari, Elmira?" may kakaibang kahulugan at tono sa pagbanggit ni Snow pero nanatiling tahimik ang katabi.

Hindi ko sila masundan pero tingin ko ay may mga bagay na sila-sila lang na magkakasama ang nakakaalam. Nanahimik na lamang ako at itinuon ang pansin sa arena.

Napakabilis ng galaw ni Silver pero ganun din ang mga vines ni Somi. Air vs. Plants. At kung hindi sanay ang mga mata mo ay hindi mo masusundan ang pangyayari, iyan ang pinagdadaanan ko ngayon. Mabuti na lang at may translator sa tabi ko.

"That's superspeed. What an annoying ability," kunot-noong banggit ni Snow. "Kung masustain niya ang pagpapalabas ng libu-libong air arrows at tuluyang makalapit kay Somi ay maaring manalo ito. Silver is best at close combat, but his power also has an advantage on long range attacks."

"Pero mukhang hindi iyon hahayaan ni Somi. I miscalculated. Hindi ko inaasahang napatibay niya ng ganito ang vines niya, air arrows won't even cut. His range was wider than last time too. Si Silver ang nasa opensa pero nasa control ni Somi ang arena. Annoying vines," komento naman ni Elmira.

Patuloy na nasa ganoong sitwasyon ang laban hanggang sa biglang tubuan ng pakpak si Silver at nakalipad pataas. Para itong anghel. Hinabol ito ng vines ni Somi.

"Woah."

Napasinghap ang lahat nang biglang mabitin ang vines ni Somi at nakaabang sa likod ni Silver ang libu-libong air arrows na pabulusok sa dako ni Somi.

"He can fly?" nagtatakang tanong ni Elmira na para bang ngayon lang nito nakita ang ability ni Silver.

"Holy freak, Somi!"

Sa pagkakataong ito ay wala nang matatakbuhan si Somi dahil parang meteorite na bumagsak ang mga air arrows sa gawi niya pero agad nitong binawi lahat ng vines na nakakalat sa arena at nagtayo ng matayog na vine tower, parang sa Jack and the beanstalk, habang may shield ito na humaharang sa mga arrows.

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon