Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
~ Benevelle ~
Napahawak ako sa sabitan ng bestida na pinatamaan niya ng kuryente hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang nagpanumbalik ng mga alaala ko sa nakaraan.
Alam kong hindi ko makontrol ang galit ko at patuloy ang pagbuhos ng usok mula sa aking mga palad sabay ng pagbuhos ng memorya ko ng aking mga tunay na magulang. Napahawak ako sa batok ko na napapaso. Naglalaro ang init sa katawan ko at parang sinusunog ang aking dibdib at mga lamang-loob.
Ilang taon na ang nakalipas
"Vel, maintindihan mo sana na hindi ko kayo kayang isuko sa kanila," nagmamakaawang sambit ng daddy niya sa kaniyang ina. Ang mahina at mababang tono ng lalaki ay naririnig niya sa isip na para bang napakalapit nito sa kaniya.
"Iwan mo na kami dito ng anak mo, Ben, bumalik ka na sa Kromelia," mariing panunuyo ng mommy niya.
Isang maliit na bata, halos edad tatlong gulang ang lumapit sa mag-asawa at yumakap ito sa ama.
"Daddy, aalis ulit kayo ni mommy?"
"No Beny, dito lang kami anak, kasama mo."
"Iiwan niyo ba si Beny?" nag-aalalang tanong ng bata.
"Hindi ka namin iiwan anak," pag-aalo sa kaniya ng ina.
"Liars go to hell, mommy. Iiwan niyo nanaman ako."
Tumakbo ang bata papalayo at hinabol naman siya ng mga magulang.
"Benevelle!"
Napaluhod ako at napatakip sa mga tainga dahil sa sakit na nararamdaman.
Maya-maya ay nag-ibang muli ang eksena.
"Mommy, daddy," pag-iyak ng bata.
Halos wala na siyang maaninag sa dinaraanan dahil puno na ng luha ang mga mata niya. Ako siya, siya ay ako. Ito ang mga memorya ko noong bata pa ako na pilit kong ibinaon sa pinakailalim ng isip.
"Beny, makikinig ka kay daddy. Maglalaro tayo ng takbuhan," kumikinang ang mga mata ng bata nang marinig ang salitang laro. "Run, run and don't look back. Kapag tumingin ka pabalik sa akin, ikaw na ang taya."
"Opo!" masiglang sagot ng bata.
Ginulo ng ama ang buhok nito.
"Okay, handa ka na? Takbo!"
Masiyang tumakbo ang bata hanggang sa magkakahalong ingay na ang nadinig nito sa kalayuan. Natanaw naman nito ang kaniyang ina kaya lalo nitong binilisan ang pagtakbo.
Sa isipan niya'y iyon na siguro ang finish line.
"Mommy!" Napayakap ito sa ina. "Hihi, wala pa si daddy."
"Oo nga, mabagal si daddy. Buti pa si Beny, mabilis tumakbo."
Inabot niya sa bata ang berdeng likido pero umiling ito.
"Gusto mo ba ikaw na ang taya, tapos ako ang hahabulin mo?" Napipilitang ininom ng bata ang likido at nanumbalik ang lakas nito.
May inilabas ang ina na itim na kwaderno, humawak ito sa batok ng bata, bumigkas ng ibang salita saka humalik sa noo.
"Mommy, umiiyak ka po ba? Gusto mo ba ako na lang ang taya?"
"No, Beny. Si Mommy ang taya. Naalala mo pa iyong sinabi ni daddy?"
Yumakap nang mahigpit ang bata sa ina, "Mommy ako na lang ang taya, umiiyak ka naman eh."
Dahil sa pagpapaubaya niya ay tinawanan lamang siya ng ina.
BINABASA MO ANG
Bad Genie [Book 1 Completed]
FantasyBe careful what you wish for, you might just get it. At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa b...
![Bad Genie [Book 1 Completed]](https://img.wattpad.com/cover/132001838-64-k986576.jpg)