Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
~ Thunder ~
Kailangan ko nang bumangon dito. Mukha akong tanga na nakadapa sa sahig pero mas mukhang tanga iyong babaeng tanaw ko sa hindi kalayuan, kalong-kalong iyong sinira kong manika habang umiiyak. Ano siya, bata?
"Tss. Ang ingay!" napasigaw na ako dahil nakakairita ang mahina niyang iyak.
Masama niya akong binalingan ng tingin at nakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa gulugod. Bakit ako kinabahan?
Hindi. Hindi ako kinabahan, nagulat lang ako dahil ngayon lang may tumingin sa akin gaya ng sa mga tingin niya. Mas malakas ako sa kaniya. Sisiw lang siya. There's something so off about her. I am sure I will never like her.
Iginala ko ang paningin at nakitang nasa loob pa din kami ng akademiya. Tss. Nandito din pala sila Silver at Elmira, siyempre magkasama nanaman sila. Inayos ko ang upo at doon ko lang napansin ang kanina ko pang nakakuyom na mga kamay.
Kakaibang inis ang sumisilay sa dibdib ko tuwing nakikita silang magkasama. Gusto kong manuntok ng lalaking mahangin. Ang yabang. Ang laki-laki pa ng ngiti kay Elmira.
"Tinitingin-tingin mo?" sigaw ko nang maramdam ang titig nung patpating babae.
"Selos ka?" walang pagaalinlangang tanong nito.
"WHAT?" Halos maputol ang litid ko sa pagkasigaw.
Ang tapang naman niyang magtanong. Hindi niya ba ko kilala? Ibinaling niya ang tingin mula sa akin sa direksyon nila Elmira at Silver.
"Sa kanila, selos ka."
Aba'y inuubos niya nga ang pasensiya ko. Sino ba ang tingting na ito? Hindi ko maiwasang magpalabas muli ng kuryente tungo sa gawi niya. Hindi ko nga lang tuluyang matusta dahil kahawig niya ang kambal ko at mapapagalitan ako ni ate kung isinama ko ang damit niya. Tss.
"Hindi," asar kong tugon sa tanong niya.
"Kailangang nasigaw?"
"Oo!" Hindi ko naman alam na sumisigaw pala ako. Bakit ko ba kinakausap ito.
"Noisy," sabi nito bago ako irapan.
Oh dear gods and goddesses ng Kromelia. Nadinig ko ang kulog at tila nagbabago ang anyo ng langit at dumidilim sa labas. Natatanaw ko mula sa pwesto ang open field ng academy na walang katao-tao.
Maya-maya ay may naramdaman akong bagay na palapit sa akin. Wala sa sarili kong sinalo ang manikang ibinato niya. Magkahiwalay na ang ulo at katawan nito, nakakadiring tingnan.
"Ayusin mo," giit nito habang masama pa din ang tingin nito sa akin.
Nagpupuyos sa galit. May kakaiba sa mga titig na iyon na para bang ibabaon ka sa lupa anumang oras. Hindi ko maiwasang matahimik sa ganoong pagtitig niya. Nakakairita.
"What!" Pero siyempre hindi ako padadaig, sino ba siya?
"Ayusin mo, ikaw ang nanira hindi ba, ikaw ang mag-ayos."
"Pwede ba tingting, kumukulo ang dugo ko sa iyo."
Itinapon ko ang manika niya at bakas sa galaw niyang nagpipigil ito ng galit. Nakatingala ito sa taas at napapikit ng mariin habang kuyom ang kamao. May usok na lumalabas sa mga kamay nito pero unti-unti din itong nawala.
Nakangisi itong bumaling sa akin, "Sana..."
Ano? Ano! Bakit ako kinakabahan sa sunod niyang sasabihin. Siyempre kinakabahan ako dahil wala naming lumabas sa bunganga niya na maganda.
BINABASA MO ANG
Bad Genie [Book 1 Completed]
FantasíaBe careful what you wish for, you might just get it. At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa b...
![Bad Genie [Book 1 Completed]](https://img.wattpad.com/cover/132001838-64-k986576.jpg)