Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG XXIII

178 6 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"What?"

"Kidding, let me explain kasi baka kung ano pang sabihin mo kay sister," sabay turo sa akin.

"Tss."

"Ganito kasi iyan, sister. Bukod sa rankings ay may ibang individual levels ang bawat student sa academy," panimula ni Snow.

So parang honor roll or laude standing, ganoon?

"Sa year-end duel, nakadepende sa individual level mo kung maaari ka nang mag-advance ng classes, or kung maaari ka nang magtapos sa academy," dagdag niya kaya napatango ako para ipagpatuloy niya.

"May apat na classes tayo, from highest to lowest, namely: scholar, apprentice, novice, and recruit..."

S-Class: Breakthrough at Level 60

Scholar (Blue): Level 49-59

Apprentice (Red): Level 39-48

Novice (Yellow): Level 20-38

Recruit (White): Level 10-19

"Ang mga scholars and apprentices ang naglalaban para sa rankings, madalas para maging Hark Knights o mataas na kawani ng kani-kanilang territories. Kung makakapasa ang isang scholar sa year-end duel, maaari na siyang grumaduate sa academy but,

only the top seven rankers of the academy have the privilege to be Hark Knights, pinakamataas na karangalan para sa graduates ng academy."

"As for me, I only want to be the best Hark Knight in Kromelia," mahabang paliwanag ni Snow habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok.

"Tss."

"What?" maarteng tanong sa kaniya ni Snow. "Oh! Oo nga pala, you lost your powers. Holy freak! Paano ka niyan sa duel?"

"Tsk," iritang umismid si Thunder.

I don't know. Hindi ata niya namamalayan na gumagamit pa din siya ng telepathy sa akin. Napatingin ito sa akin habang kunot ang noo. Kasalanan mo toh, Tingting.

"Anong kasalanan ko, inagaw mo kasi iyong manika ko," baling ko sa kaniya hanggang sa maalala ko na hindi ko na nga pala mahanap iyong manika ko. Iyon na lang ang natitira kong gamit mula sa taas tsaka alaala kay Celine at sa pamilya ko doon.

Naalala ko ulit ang nangyari. Gusto kong maiyak. Kasi naman, bakit nawala ko pa.

"Stop that. You're leaving me out again."

Natauhan ako saka biglang napatingin kay Thunder. Tulala ito sa ibang direksyon. Nakita niya ba lahat ng inisip ko? Oh no. Did he see all of it? Nakakabagabag naman.

Hoy, tanda. Walang sumagot, sa tingin ko ay naputol niya ang telepathy bago ko binalikan ang nakaraan ko sa isip. Paano kung hindi?

"I'm annoyed," biglang sabi ni Thunder. "Pagkarating ko dito ay hindi ko na magamit ang kapangyarihan ko at kailangang balikan ang basics. I can use my special abilities, but that's it."

"Well, sabi sa akin ni Gen, nahulog daw kayo sa fountain," bigkas ni Ate Snow bago nahinto na parang may biglang naalala. "You know the legend."

"Ahm, anong lengend?" takang tanong ko dahil ilang araw pa lang naman ako dito sa academy at wala pa akong classes. Dapat ata inuna ko nang malaman ang kasaysayan ng lugar na ito.

"Sabi nila, sa fountain na iyon nakatira ang gods and goddesses ng Kromelia pero lahat ng mahuhulog doon ay mawawalan ng powers. Anyway, for the meantime, ako na lang muna magtre-train sa inyo, wala din naman akong gagawin pa bukod sa ilang maliliit na missions."

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon