Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.
Be careful what you wish for, you might just get it.
At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa b...
Nakalimutan kong dalhin ang espada ko. Nanatili ang opensa kay Silver na siyang dahilan kung bakit wala akong ibang magawa kundi salagin ang mga suntok at sipa na binibitawan niya. Isang pulgada lang ang pagitan at tatama na ang binti nito sa mukha ko. Mabuti na lang at nakatalon ako nang malayo pero hindi ko naiwasan ang suntok nito sa aking tiyan.
"Aah," ingit ko nang maramdaman ang sakit ng matinding pwersa galing doon.
Patuloy na mabigat ang pwersa na inilalabas ni Silver sa bawat galaw. Itinaas ko ang mga braso upang iwasan ang sipa niya na dumapo sa aking leeg saka ko itnaas ang binti na siyang tumama naman sa kaniyang tagiliran. Saglit lamang ang gulat nito na agad din naman niyang binawi.
Sa hindi kalayuan ay nadama ko na ang presensiya ng kambal ko. Tsk. Ang tigas ng ulo. Sino nanaman ba ang nakaaway niya? Siya na lang ang dahilan kung bakit ako nakakaipon ng madaming points.
Bagamat mabilis pa din ang galaw ng second ranker ay kapansin-pansin na ang pagkahapo nito. Hindi ko sinayang nag pagkakataon at agad siyang sinampal sa tainga dahilan upang saglit siyang mawalan ng balanse saka ko pinatamaan sa batok upang tuluyan siyang mawalan ng malay.
One down. Pagod kong hinahabol ang hininga bago igala muli ang paningin sa paligid. Napatingin ako sa white dress ko na nagkaroon na ng madaming punit. Isama ko pa ang alikabok at abo na dumikit dito, mukha na itong basahan. Holy freak. Hindi ko palalampasin ang kasalanan mong ito, Silver.
Nang inakala kong ang bakbakan na iyon na ang pinakamalalang maaabutan ko ay namataan ko sa hindi kalayuan si Elmira. Paano nangyari ito? Holy freak. Naliligo ito sa sariling dugo!
Napaubo ako at napahawak sa tiyan. Masakit pa din ito. Hindi ko lubos maisip kung anong pinagdaanan niya upang magkaroon ng malaking hiwa sa kaniyang sikmura. Nagbunuan ba sila ni Silver? Kung babalikan ko ay tila ba wala sa sarili ang second ranker habang nakikipaglaban pero may parte ng utak ko na nangungumbinsi sa akin na hindi ito gagawin ni Silver, lalo na kay Elmira.
Ipinikit kong mariin ang mga mata. Think Snow, think.
"I'm sorry headmaster," bulong ko sa sarili.
Napilitan akong gamitin ang kapangyarihan ko. Pareho silang nasa kritikal na kondisyon. Dinama ko sa mga palad ang malamig na buhos ng yelo bago balutin sila Silver at Elmira ng frost. Mapapanatili nito ang init sa kanilang mga katawan at magsisilbing protective layer upang hindi sila masugatan pa o mainpeksyon.
Maya-maya lamang at may isang malaking poste na pabagsak sa gawi ni Elmira na siyang binalot ko agad ng yelo. Naramdaman ko ang paghigop sa kapangyarihan ko sa bawat segundong lumilipas na parang inuubos ang yelo at lamig sa katawan ko. Agad kong itinapon sa tabi ang poste at binawi ang kapangyarihan.
Mukhang naghihingalo na si Elmira at nangangailangan ng agarang lunas. Gustuhin ko pa man na manatili para iligtas ang kambal ko ay kinakailangan ko nang bumalik agad sa Kromelia, kasama ang dalawang ito.
"Freeze."
Napansin ko na gumalaw nang kaunti si Silver tila ba magigising muli. Pinaralisa ko sa yelo pansamantala ang second ranker dahil naiinis pa din ako sa kaniya.
Tinignan ko ang walang malay na estado niya. Mukhang nakabalik ito sa tulog. Tsk. He ruined my dress. Hmm, may itsura naman nga siya pero hindi ko pa din maintindihan anong nagustuhan sa kaniya ni Elmira.
I must stop being childish. Tinanggal ko na ang freeze. Sumilay ang ngiti ko sa labi dahil nakabawi na ako sa pagpapahirap niya sa akin.
Biro lang, no sweat. Hindi naman ako nahirapan. Inayos ko ang sarili at pinagpag muli ang damit. Inilabas ko ang kapirasong papel ng transcript para pagbukas ng portal.
Eidi nem mil eu, Kromelia
Inisip ko ang akademiya upang doon ako dalhin ng portal. Nagpadala ako ng signal sa baba na kailangan namin agad ng mga healers. Ginamit ko ang kapangyarihan upang mabuhat si Elmira at inakay ko na lamang ang katawan ni Silver para tipidin ang nauubos kong mana.
Pagkatapak ko ng hardin ng Kromelia ay agad kong naramdaman ang panunumbalik ng aking lakas. Subalit hindi tulad ko, nanatiling walang malay ang dalawa, hindi naghihilom anumang sugat nila galing sa taas. Mabilis na pinangunahan ni Gen ang mga healer hanggang sa nawala sila sa paningin ko.
Matapos ang ilang sandali ay sinubukan kong muli na bumalik sa taas ngunit nakaramdam ako ng biglang paninikip ng dibdib. Nawawalan ng balanse ang kapangyarihan ko. Ang katawan ko ay nanlalamig.
Ipinagsawalang-bahala ko ang sakit at bumalik na muna sa room namin ni Elmira. Hinubad ko ang damit. Napagpasiyahan ko ding linisin na muna ang katawan kaya hinanap ko ang paborito kong sabon. Holy freak. Ubos na. I need to buy another one.
Namili na lang ako ng kahit ano doon saka ibinalabal ang tuwalya sa katawan pagkatapos. Kabukas ko ng aparador ay maingat akong namili ng bestida. Ito bang knee-length with laces ang isusuot ko? Kaso hindi ko gusto ng long sleeves. Isa-isa kong inililipat ang hanger hanggang sa may mapagtanto.
"Where's that dress?"
Hinanap ko sa kama, sa bag, sa laundry, pero kulang ng isang bestida iyong aparador ko. Nawawala din iyong isa kong panty. Saan ko ba inilagay? Naiwan ko ba sa kingdom? Tsk. Isipin ko na lang mamaya. Pupunta muna ako sa clinic.
Habang papunta sa clinic ay nadatnan ko sa pasilyo si Blue at ilang kawal ng Aqua kingdom.
"Mahal na prinsipe, ipinapatawag kayo ng inyong ama. Narito kami upang sunduin kayo."
"Hindi ako sasama, may klase pa ako."
"Kinakailangan ang presensiya niyo sa palasyo, mahal na prinsipe."
Naglabas ng spear ang labing-anim na taong gulang na ranker saka hinamon ang mga kawal. Napahilot na lang ako sa sentido, ang tigas ng ulo ng mga tagapagmana. Which reminds me, ang kambal ko! Kailangan kong bumalik sa taas.
Perong ilang minuto na din ang nasayang ko dito at baka may isang araw na ang lumipas doon sa mundo ng mga tao. My twin can take care of himself.
Sinunod ko na lamang ang orihinal na plano at nagtungo sa clinic.
"Gen!" malakas na tawag ko sa pangalan niya. "Kumusta si Elmira?"
Saglit na napatingin sa akin ang batang healer at umiling. Inanyahan niya ako na sumunod sa kaniya bago binuksan ang special room kung saan ko nadatnan ang headmaster. Kuyom ang kamao nito pero nanatiling hindi nagsasalita.
Mabigat ang hangin sa kwarto at walang pasabi na lumabas ang headmaster. This doesn't feel good. Mukhang mapapahamak kaming lahat na nasangkot sa insidenteng ito.
Madaming aparato ang kasalukuyang nakakabit sa kaibigan ko. Lumulubog ang loob ko habang nakikita ang kaniyang kalagayan. Dapat ay naghihilom na ang mga sugat nila kadating namin sa Kromelia. Naubos na ba ang kanilang mana? Pisikal na katawan na ba nila ang naapektuhan? Anong nangyari?
My twin is in trouble.
Sinigurado kong dala ko ang espada at ilang healing vials. Bumalik ako sa mundo ng mga tao dahil sa pagkabahala pero hindi ko na maramdaman ang presensiya ng kambal ko doon. Siniyasat kong muli ang sira-sirang gusali hanggang sa makakita ng ebidensiya na mayroon ngang naninirahan dito. May traces ng ilang basic spells sa lugar.
At may isa pang bagay na hindi ko inaasahang makita doon – hunter's arrow. Anong misyon nila dito? Sinubukan kong pagtagpi-tagpiin ang mga nangyari. Kailangan kong makita si Elmira.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.