Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG III

484 12 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Gusto kong isipin na wala na akong kapangyarihan. Sana hindi na ako tumupad ng bad wishes. Bago magpaalam ay nagsabi si Tita Grace na tawagan ko na lamang siya kung magpapasundo ako.

Natapos ang isang buong araw. Puro lamang pagpapakilala ang ginawa namin. Tinawagan ko ang numero ni Tita Grace habang naglalakad nang bigla na lamang akong mapaupo sa sahig.

"Hey, nerd, watch where you're going. Tss." Isang matangkad na lalaki ang nabangga ko. Iritable ito at gusot ang mukha sa inis.

"Sor-" Tumayo ako at pinampag ang sarili nang may biglang dumating at umakbay sa kaniya.

"Woy, bro! Easy." Awat sa kaniya ng ka-team niya sa varsity. Manlalaro pala sila kaya magaganda ang katawan.

Yumuko na lang ako sa kanila at tumakbo paalis doon. Tumatak sa isip ko ang bulong nung happy-go-lucky guy kay grumpy guy.

Thunder, I think she's one of us.

Bago pa man ako makalabas ng building ay bigla nang bumagsak ang malakas na ulan. Inabot ko ang cellphone para tawagan muli si Tita Grace nang mabasa ko ang message niya.

[I'm sorry, Beny. Still in a meeting, can you commute from there?]

[Yes, tita. Kaya ko po. Thank you po.]

Walang awa ang ulan at mukhang wala pang balak tumigil. Isang malalim na buntong-hininga.

Hoy Asul, pahinaan mo.
Wait, baby Fiona, I don't know how.
Oh shit. Iyong ulan pahinaan mo, hindi siya maaabutan ni Silver.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga naririnig ko. Tama ang hinuha ko na nagkaroon ako ng heightened sense of hearing. Kung hindi ko makontrol, hinihiling ko na lang na sana wala akong marinig. Gumagana naman. Tuloy ko lamang na binagtas ang daan kahit basa na sa ulan. Wala akong payong.

Patawid na ako ng kalsada habang nasa pedestrian lane nang may motor na bumusina nang malakas kaya napaluhod ako sa sakit. May kung anong basang likido ako na naramdaman sa mga tainga ko at dahil sa pagkagulantang ay napako ako sa pwesto habang papalapit na ang motor.

Ramdam ko ang pagbigat ng katawan at talukap ng aking mga mata. Sa hindi inaasahan at napakabilis na pangyayari ay mga biglang pumulupot sa baywang ko at binuhat ako palayo sa kalsada. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang makita na wala naman ibang naroon kundi ako. Nagha-hallucinate na ba ko?

Hindi lingid sa kaalaman ko ang kalagayan ng utak dahil sa mga pangyayari sa buhay ko at sigurado ako na seryosong problema na kung nag-uumpisa na akong makakita ng kung anu-ano. Paano pala kung pati ang mga naririnig ko ay guni-guni ko lang. Napahawak ako sa sentido dahil hindi pa din nababawasan ang sakit ng ulo ko.

Dali-dali na lamang akong sumakay sa isang jeep at bumaba sa paradahan ng tricycle. Nagtricycle na lang ako papunta sa bahay nila tita. Pagkababa ko ay tumingin ako saglit sa kalangitan na kulay kahel at pula. Mag-gagabi na pala.

"Oh, iha."

"Good evening po tito. Ma-magpapalit po muna ako."

Nanghihina akong tumungo sa kuwarto, pinihit ko ang doorknob saka ako pumasok. Bago ko pa man isara ay may nagtulak nito pabukas kaya gulat akong napaatras.

"Ti-tito Martin." Sumisilip ang kalahating katawan nito sa kuwarto. Nakahawak ito sa doorknob habang titig sa kalagayan ko.

"Ang Tita Grace mo?"

"Na-nasa meeting pa daw po." Tuluyan itong pumasok, isinara ang pinto saka ito ni-lock.

Mabibingi na ata ako – dinig ko ang bawat pagtambol ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib dahil sa bigat ng paghinga.

Napaupo ako sa kama nang wala na akong maatrasan. Naninigas ang bawat daliri ko at parang tinutusok ng daan-daang karayom. Sinundan ko ang mga tingin niya at nakitang bakat pala ang mga panloob ko sa nabasang puting damit. Napaigtad ako nang ipatong niya ang palad sa ulo. Ang isa niyang kamay ay humahaplos sa kaniyang balbas.

"Benevelle, be a good girl. Wala naman akong ginagawang masama," may pagnanasang wika nito.

Tila binuhusan ako ng nagyeyelong tubig nang gumala ang kamay niya sa balikat ko at dahan-dahan akong itinutulak pahiga.

"Ti-tito," mahinang kong sambit. Halos magmakaawa na huwag niyang ituloy ang nasa isip.

"Shhh," idiniin niya ang hinlalaki sa aking mga labi. Nakita ko kung paano mamilog ang kaniyang mga mata at mandilim ang paningin.

I AM A BAD GENIE

Nadama ko ang bigat ng kaniyang katawan nang dumagan ito sa akin. Gusto kong sumigaw, gustong-gusto. Pero may nabarang kung ano sa lalamunan ko. Napipipi ako sa takot. Nag-iinit ang mga mata ko sa mga luhang kusang pumapatak. Hinanap ng mga kamay ko ang manika sa kama saka ito mahigpit na hinawakan.

Unang beses ko ito pero alam kong madaming beses nang pinagtaksilan ni Tito Martin si Tita Grace. Kaya malakas ang loob nung maid nila na humiling ng masama, dahil iyon sa kababuyan ng hayop na ito.

Ang kaninang takot ko ay napalitan ng galit. Sana sinabi ko nang maaga kay Tita Grace. Sana nagsumbong ako. Kinakain ako ng konsensiya ko ngayong pakiramdam ko ay niloloko ko lang din si tita. Nagkaroon ako ng lakas na itulak siya palayo pero isang malakas na sampal lamang ang inabot ko.

Nahirapan akong lumunok nang sakalin ako nito sa leeg.

"Papalag ka?" may paghahamong sigaw nito.

Nalasahan ko ang sarili kong dugo dahil sa diin ng kagat ko sa labi habang nilalabanan ang luha nang marahas nitong hinila ang blusa kaya nagsitanggal ang mga butones nito. Wala akong maigalaw na kamay o binti. Hindi ko ito napigilan nang itinaas niya ang natitirang saplot sa dibdib ko.

"Sinisingil ko lang ang bayad sa pagtulong ko sa iyo." Sinalubong ng dila niya ang buto ko sa dibdib.

Nagpantig ang mga tainga ko sa nadinig. Anong kagaguhan ito? Sana hindi niyo na lang ako tinulungan.

Diring-diri ako. Ang hirap pala talagang magtiwala sa ibang tao. Naiinis ako sa sariling katangahan. Lalo kong kinamuhian ang sarili nang makaramdam nang maginhawang kiliti habang inaabangan ang sunod niyang mga gagawin. Wala akong magawa. Tulala na lamang ako sa kisame.

Shit. I'm late.

Isang malakas na hangin ang nagbukas sa sarado kong bintana, sa sobrang lakas ay tumilapon pababa ng kama ang lalaki.

"FUCK! May sa-demonyo ka talagang bata ka, ano." Mapanghusga akong tinignan ni Tito Martin habang siya nga itong may kademonyohang ginawa. Sana makaalis na ako dito.

Akmang pagbubuhatan niya akong muli ng kamay nang dalhin ako ng kapangyarihan ko sa ibang lugar. Tumambad ang likod ko sa malamig na sahig. Halos hindi ko maigalaw ang katawan pero naramdaman ko ang ginaw kaya agad kong inayos ang sarili. Ipinatong ko ang ulo sa magkadikit na tuhod bago tuluyang maiyak.

Mahigpit kong niyakap ang regalong manika ni Celine, mabuti na lamang at nadala ko ito. Awtomatikong inalala ng utak ko ang mga pangyayari. Minolestya ba ako? Pangmo-molestya bang matatawag doon kung hindi naman niya naipasok?

Nalunod ako sa mga tanong hinihiling na sana'y makalimutan ko na lahat ng nangyari.

Ilang araw din ang lumipas bago ako mahimasmasan. Dinala ako ng mga paa sa iba-ibang lugar. Nakapagnakaw ako sa mga kapitbahay ng ilang sampay na damit para matakpan ang katawan ko. Sa hindi kalayuan ay nadinig ko ang balita sa telebisyon. Dala ng kuryosidad ay pinuntahan ko ang ingay.

Nakita kong nakapaskil ang mukha ko doon. WANTED. Isang kriminal na pinagnakawan ang isang mayamang attorney at isang mamamatay tao na nagsagawa ng arson sa isang malaking pamilya ng mga haciendero.

Yumuko ako at lakad-takbong umalis doon.

"Miss, mag-isa ka ata." Nagtatago ako sa isang maliit na eskinita, hindi alam kung saan ako pupunta.

"Gusto mo samahan kita?" Malisyoso ang pagtanong nito at kita ko ng pagsenyas niya sa ibang kasamahan. Inilibot ko ang mga mata sa lugar pero wala akong makitang lagusan.

"Uy, pre. Halika, may kuting dito."

Gusto kong tumakbo pero tila napako ako sa sahig. Putangina, hindi nanaman ako makagalaw.

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon