Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
~ Blue ~
Lalaban o susuko. Iyan lang naman ang pagpipilian.
Inilabas ko ang spear dahil hindi ako tinitigilan ng mga kawal ni ama. Napag-usapan naman namin noon na hindi nila ako gagambalain habang nasa akademiya pero heto pa din sila at palagi akong pinapabalik sa kingdom para sa succession lessons. Ipinahiwatig ko na noon na hindi ko gusto ang trono at isinuko ko na ang karapatan ko dito pero bad timing iyang paglabas ng heir's signature.
Inilabas din ng mga kawal ang kanilang mga sandata kaya hindi ko mapigilang mapangisi. Hinigpitan ko ang hawak sa spear bago sumugod sabay ng paglabas ng tubig sa kabila kong kamay. Sabay-sabay silang sumugod kaya naman gumawa ako ng wave para mapatumba silang lahat pero dahil sanay sila sa pakikipagbakbakan ay halos walang bisa ito at nagawa pa din nilang umabante dahilan para magkiskisan ang apat na sandata nila sa sandata ko. Saglit akong napaluhod pero agad ding nakabawi kaya nasalag at nahagis ko palayo sa akin ang mga sandata nila.
Mabilis ang isa at muntik nang masugatan ang kanang tagiliran ko kung nasaan ang signo na patunay na ako nga ang susunod na uupo sa trono ng Aqua Kingdom. Nasa kaliwang dibdib naman ni Fiona ang kaniya. Huwag niyo nang alamin kung paano ko nalaman.
Tut-tut-tut
Tunog iyan ng ID ko na pabawas nang pabawas ang puntos. Aish. Wala nanaman akong pambili niyan ng kung anu-ano.
"Kamahalan," bati sa akin ng captain na kadarating lang.
Itinigil ko na ang pagmamatigas ng ulo. Bakit kasi isa pa akong nakatakdang tagapagmana? Wala sa mood akong sumunod papunta sa karwahe, sigurado akong ibabalita nanaman nila lahat kay ama.
Tiniis ko ang kalahating oras ng tahimik at nakakaburyong biyahe at mukhang made-delay pa kami. Personal kaming binati ni Lord Elven nang bumaba kami sa South territory (Terra) dahil naabutan namin ito sa daan. Ganoon pa din ang itsura ng mga kastilyo at bahay na gawa sa luwad (clay). Malamig ang paligid kahit medyo tirik ang araw. Napahaba ang kaniyang pagkukwento at inanyayahan pa kami sa isang piging na siyang mariin kong tinanggihan.
Pansamantala lamang kaming huminto sa Terra para kumain bago ipagpatuloy ang mahabang biyahe. Kung bakit ba kasi kailangan kong umuwi. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Fiona.
Palaisipan ko ang huling sinabi ng kapatid ni Elmira, si Lord Elven,
"Binabati ko ang prinsipe sa nalalapit nitong pag-upo sa trono." Walang dahilan upang magmadali ang mga magulang ko na ipasa sa akin ang mga responsibilidad nila.
Hinayaan ko na lamang ang sarili na makatulog sa biyahe. Biro lang, hindi ako makatulog.
Blue will provide a little background on Kromelia caste system.
Habang nasa loob ng karwahe ay nakatitig lang ako sa labas. May mga elementians na ginagawa ang kanilang mga araw-araw na tungkulin.
Sa kabilang banda, elementalists naman ang tawag sa mga dugong-bughaw na may hawak sa iisang element. At may mga elementalists na nakatakdang magmana ng trono, sila ang mga susunod na Lord/Lady na may pinakamataas na hierarchy dito sa Kromelia.
Mabagal na lumipas ang isang oras. Tanaw ko sa labas ang maliliwanag na mga halaman. Sa wakas, nasa Aqua-Terra na kami. Ilang oras na lamang ay makakarating na kami sa Aqua.
"Nais niyo bang kumain muna, Leandro?" Isa siya sa mga kawal na ipinadala ni ama. Apat na ang ipinapadala niya ngayon na sumundo sa akin sa akademiya, at isama mo pa ang captain na si Leandro. Natatakasan ko kasi kapag dalawa lang sila.
BINABASA MO ANG
Bad Genie [Book 1 Completed]
FantasyBe careful what you wish for, you might just get it. At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa b...
![Bad Genie [Book 1 Completed]](https://img.wattpad.com/cover/132001838-64-k986576.jpg)