Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Panimula

1.6K 19 0
                                        

Paunang salita: Ang mga sumusunod ay kathang isip lamang. Anumang pagkakapareha ng istoryang ito sa reyalidad at iba pang mga kuwento ay hindi sinasadiya ng may akda.

No to plagiarism. Maligayang pagbabasa.

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Sa malayong akademiya ng Kromelia

Takipsilim. Nag-aagaw sa kalangitan ang liwanag at dilim bago sumilip ang kambal na buwan. Lumakas ang hiyaw sa paligid nang matapos ang huling laban.

Habul-habol ang hininga, tumayo nang tuwid ang babaeng manlalaro bago pinampag ang kaniyang puting kasuotan na may bahid na ng alikabok at dugo. Ibinaba nito ang espada na nakadampi sa leeg ng binatang kalaban. Tila kristal ang mahaba at tuwid nitong buhok na kumikinang. Ang mga mata niya ay kulay puting yelo.

"Snow," mahinang sambit ng binata.

May pagngi-ngitngit man ay itinatago iyon ng blanko niyang mukha. Bakas ang matipunong hubog ng katawan nito na hinulma ng pakikipagbakbakan. Sa wakas ay nakatayo na ito mula sa pagkakaluhod nang bawiin ng dilag ang kapangyarihang yelo sa paligid. Sinalubong ng natatangi niyang kulay abo na mga mata ang tingin ng dalaga.

"Nice try, Silver," bati sa kaniya ni Snow.

Sinuklian niya ng katahimikan ang kalaban at nanatiling nakatayo ang dalawa sa malawak at bilog na arena. Sumilaw ang gintong liwanag sa apat na pillar ng arena nang matamaan ng repleksyon ng dalawang buwan. Nagkamayan ang dalawang manlalaro at nag-umpisang kumulay ang apat na pillar sa arena.

Bumukas ang kalangitan at kumislap ang mga bituin bago bumagsak ang apat na sinag ng liwanag. Ang hilagang pillar (north) ay nagkulay puti habang pinapalibutan ng buhawi. Ang kanlurang pillar (west) ay nagkulay asul na pinalibutan ng bumubugsong agos ng tubig. Ang pillar sa timog (south) ay naging kulay lupa habang pinapalibutan ng mga nakalutang na luwad, bato, at mga hiyas. At ang pillar sa silangan (east) ay nagkulay pula habang pinapalibutan ng nagliliyab na apoy.

May saglit na katahimikan sa paligid. Ang ilang estudyante ay napasinghap sa nasaksihan. May paghanga sa kanilang mga mata para sa dalawang kapwa estudyante sa arena habang may pagkamangha naman sa mahiwagang pagbabago ng anyo ng paligid.

Hindi nagtagal ay napahiyaw ang ibang estudyante nang biglang yumanig ang lupa. Napatayo sila sa pagkakaupo dahil nagsimulang gumalaw ang mga bangko (bench) na pumapatag sa bilog na arena sa gitna ng lugar. Nagdikit-dikit ang mga lupa at tuluyang pumatag ang sahig.

Sa hindi kalayuan ay maririnig ang yapak ng mga kabayo at ang lupon ng mga estudyante ay kusang nahati upang magbigay-daan sa mga marangal na kawal.

"Wow." Malalakas na bugso ng hangin ang sumalubong sa mga elementian dahil sa bagwis ng mga Pegasus. Lulan nito ang mga kinatawan ng bawat elemental kingdom sa Kromelia na bumaba mula sa mataas na palapag upang batiin ang mga nagwagi.

"Headmaster," sabay na sabi nila Snow at Silver.

Tumikhim muna ang headmaster bago tuluyang magsalita.

"Elementians, muli ay binabati ko kayo sa matagumpay na pagtatapos ng academic year..." ipinagpatuloy nito ang talumpati at inatasan ang masters ng bawat element sa akademiya na tipunin ang kanilang mga pulutong.

Dinaluhan ng kaniyang kaibigan si Snow.

"Pinahirapan mo naman," bulong nito sa dalaga.

"Tss, he ruined my dress," tugon nito kaya napabuntong-hininga na lang ang kaibigan.

Habang papalapit sa kanila ay namataan ni Snow ang lalaking kambal niya na nakatingin sa kaibigan niya. Lukot ang ekspresiyon nito at mukhang sira ang araw. Hindi man lang siya batiin. May kasama siyang tropa na may hangin ng yabang at bumulong ito sa kambal. Saglit lamang ay tumakbo ito patungo sa direksyon niya upang mag-abot ng rosas. Umaray na lamang ang binata dahil piningot ito ng kambal niya.

"What?" Asar na tugon ng kambal kay Snow bago tumingin sa rosas na hawak niya.

Wala sa sariling itinago ito ni Snow sa likod at agad namang umalis sa harapan niya ang kakambal. Maya-maya ay dinaluhan sila sa entablado ng iba pang bagong rankers hanggang sa makumpleto ang sampu.

"Congratulations to our new batch of rankers!" Huling bati ng headmaster. Muli, isang bagong batch ng rankers ang magpapatuloy ng kapayapaan sa akademiya.

I AM A BAD GENIE

Ang duel arena ay tuluyan nang nanumbalik sa dating anyo. Nagsitubuan muli ang mga damo at bulaklak sa lupa habang umusli ang mahiwagang fountain sa gitna. Nawala nang tuluyan ang apat na pillar na lumalabas lamang sa tuwing nagpapakita ang kambal na buwan. Maghihintay silang muli ng isang taon bago ito mangyari.

Nang matapos ang parangal, sinamahan ng headmaster ang mga bagong rankers patungo sa ranker's suite. Binagtas ng mga rankers ang gintong pasilyo ng akademiya. Ang mga dingding na gawa sa obsidian ay napupuno ng naggagandahang mga hiyas na hindi nauubusan ng liwanag. Bawat haligi na madaanan nila ay nagkakaroon ng puting apoy.

"Nandito na tayo."

Tumambad sa kanila ang isang malaking manor na nakatago sa silangang bahagi ng akademiya, pero hindi ito ang ikinamangha o ikinagulat nila.

"Walang ibang daan papasok at palabas kundi itong mga hagdan."

Napanganga ang mga bagong rankers habang napailing at napabuntong-hininga na lamang ang mga dating rankers dahil higit-kumulang isang libong baitang ang hagdan.

"Gagamit na lang ako ng waves at sasakay sa water dolphin!" Sigaw ng bagong ranker na kulay asul ang buhok at mga mata.

"Pfft," mahinang pigil ng tawa ni Silver.

Pero nabasag ang postura nito at ang katahimikan ng lahat nang may malakas na humalakhak sa kanilang pangkat. Nakakadala ang tawa ng bagong ranker na kulay scarlet ang buhok. Matingkad ngunit magkakatugmang kulay ang tila bukang-liwayway na kasuotan nito.

Napahilot na lamang sa sentido ang headmaster bago nito ipaliwanag na hindi sila makakagamit ng kapangyarihan sa hagdan hanggang sa loob ng manor.

"This is where your special training starts," paliwanag nito sa huli.

Nanguna na ang 1st and 2nd ranker na sila Snow at Silver, kasama ang mga dating rankers habang kalahati ng mga rankers ang naiwan sa baba.

"Psst, paunahan tayo sa taas," hamon nung lalaking ranker na kulay asul ang buhok doon sa babaeng ranker na scarlet ang buhok.

"Asa ka, 4th ranker," tugon ng babaeng 3rd ranker bago ito matulin na umakyat sa taas.

"Madaya!" Naghabulan sa hagdan ang dalawa at walang nakakaalam kung sino ang nanalo.

Sumunod na din ang iba pang rankers sa pag-akyat sa nakakalulang hagdan.

Mabilis ang mga araw at lumipas ang dalawang buwan ng pag-eensayo nila sa loob ng akademiya. Nag-umpisang muli ang academic year kaya pinatawag ang mga rankers sa headmaster's office. Mag-uumpisa na sila sa kani-kanilang secret investigations at recruitment.

"Nawa'y alam niyong lahat na may hinaharap tayong pagsubok gawa ng digmaang naganap dalawampung taon na ang nakalipas..." panimula ng headmaster.

"Kinakailangan niyong bumalik ng Kromelia sa tuwing isang buwan na ilalagi niyo sa mundo ng mga tao. Iligtas niyo ang ibang kapwang elementian..." Nagtinginan ang mga rankers at nagpangkat.

"Ibalik niyo sila sa Kromelia."

Nagsitanguan ang mga ranker at tumungo na sa kani-kanilang imbestigasyon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isa sa mga pangkat ang makakatagpo ng pambihirang elementian na may kakaibang kapangyarihan.

Kaya niyang isakatuparan anumang masamang kahilingan, siya ay isang bad genie.

Kaya niyang isakatuparan anumang masamang kahilingan, siya ay isang bad genie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon