Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
Ang sakit. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ay iba-ibang imahe ang naglalaro sa isip. Sumilip ako sa bintana at nakitang madilim pa din ang langit. Gusto ko pang magpahinga pero mukhang hindi na ako makakatulog muli.
Kalaunan ay huminahon na ang init ng katawan ko. Nga lang, nanlalagkit ako dahil sa pawis at gusto kong maligo. Pakiramdam ko ay isang oras ang lumipas. Mabuti naman at nanumbalik na sa normal ang tibok ng puso ko at nakakahinga na akong muli nang maluwag.
Nagkaroon ako ng lakas na tumayo. Pinihit ko ang shower. Nakaramdam ako ng ginhawa nang pumatak sa balat ko ang tubig galing doon subalit malayo pa pala bago manumbalik nang tuluyan ang lakas kaya sumalampak muna ako sa sahig. Hinayaan ko ang sarili na aluin ng tubig.
Hindi ko maabot ang pihitan ng shower. Basang-basa na ako. Basa na din ako aking pantaas at pajamas. Pinilit kong muli na tumayo habang nakahawak sa dingding upang suportahan ang sarili. Iginala ko ang paningin. Sa gilid ay may iba't ibang maliliit na bote, mga shampoo at sabon ata. Pinili ko ang may pinaka-kaunting laman.
Ibinuhos ko ang pulang likido sa aking mga palad at ipinahid sa mahaba at unat kong buhok. Amoy strawberry. Iyon na din ang ginamit ko para sa buong katawan, hinaplos ko sa leeg paibaba hanggang talampakan. Inubos ko na ang laman nung bote.
Gusto ko mang magbabad doon ay madami na akong nasayang na tubig. Ipinulupot ko sa katawan ang puting tuwalya na nasa banyo bago lumabas at tumungo sa harap ng aparador. Kabukas ko nito ay madaming damit ang laman.
Sa kaliwa ay puro earthy and natural colors na mga tshirt, blouse, at suot pambaba. Sa kanan ay puro puting dress, iba-iba lang ng hubog o style. Mas lapat sa pangangatawan ko ang mga dress na nasa kanan. Naghanap ako ng isang dress na may bulsa at nanghiram na din ako ng mga underwear. Ibabalik ko naman. Hindi na ako magnanakaw, bad iyon. Napilitan lang ako nung mga nakaraang araw dahil sa mga pangyayari.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Nakapatay ako ng tao, mga tao. Bukod sa tumupad ng masasamang hiling ay natuto na din akong humiling ng masasamang bagay para sa iba. Tila kapiraso ng kaluluwa ko ang naaagnas sa tuwing nagagawa ko iyon. May malabong linya ako ng moralidad, siyang napipilitan kong apakan upang protektahan ang sarili.
Inakala ko noon na gusto ko nang sumunod kila mama, papa, at Celine. Pero hindi. Gusto kong mabuhay at wala akong lakas ng loob na bitawan ang ipinagkaloob na buhay sa akin. Madami pa akong gustong gawin ngunit hindi ko alam kung saan mag-uumpisa, inaakala ko'y makababawi ako sa unang hakbang na tumulong sa iba sa pamamagitan ng paggamot pero malayo pa talaga ako. Para akong hinahabol ng matitinding mga problema tuwing nanaisin na gumawa ng mabuti.
Humarap ako sa salamin. Dahil ampon ako ay hindi ako nagtanong ni minsan kung bakit kakaiba ang itsura ko. Mata sa mata, bumalik ako sa alaala namin ng kapatid kong si Celine.
"I love you, Beny!" masigla niyang bati, araw-araw. Ito ay habang nakaharap kami sa salamin bago niya suklayin ang mahaba kong buhok.
Naramdaman ko ang init sa mata. Kinagat ko ang ibabang labi para iwasan ang pagluha pero traydor and mga hikbing lumabas sa aking bibig. Naaalala kong pagkatapos niya akong suklayin ay siya naman ang pahaharapin ko sa salamin bago ko tirintasin ang kaniyang buhok.
Nagpunas ako ng luha bago ilapat ang spaghetti straps ng dress sa hubog ng aking katawan. Ang laylayan nito ay lampas lamang ng kaunti sa tuhod ko. Tinirintas ko ang harap na parte ng buhok habang iniwang nakalugay ang iba sa likod.
Kinuha ko ang manika at ibinulsa. Masiyadong mabigat ang pakiramdam ko sa mga alaala na agarang bumalik sa akin kaya kinakailangan kong igalaw ang katawan. Kung hindi, lalamunin lang ako ng lungkot. Pinihit ko ang doorknob para lumabas. Kung gaano kadilim ang buhok ko ay siya namang liwanag ng paligid.
BINABASA MO ANG
Bad Genie [Book 1 Completed]
FantasyBe careful what you wish for, you might just get it. At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa b...
![Bad Genie [Book 1 Completed]](https://img.wattpad.com/cover/132001838-64-k986576.jpg)