Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
"Holy freak! My dress, bakit naman pati ako?" maarteng ingit nung kapatid ni Thunder habang pinapagpag ang puting bestida.
"YOU!" sigaw nung bully sabay duro sa akin. "Kasalanan mo ito, Tingting," madiing wika niya bago ko tampalin ang nang-aakusa niyang kamay at daliri.
Padabog ito na umalis.
"So," may pagkamaarteng bati ng ate ni Thunder. "Ikaw iyong nakaaway ng kambal ko, you are?"
May kakaibang lamig akong naramdaman sa paligid ko. Maamo ang mukha niya pero nakakakilabot ang aura nito, singbigat ng sa headmaster.
"Benevelle, interesting," pinasadahan ako nito ng tingin. "You're wearing my dress. Bagay mo. You're forgiven," sabi nito sa akin saka ngumiti nang matamis.
Napalunok naman ako sa malalim na titig niya, hindi ko alam kung sinsero ang pagngiti nito pero nagpasalamat na lang ako.
"Pagpasensiyahan mo na iyong kambal ko, it's not your fault," saglit itong natigilan at inipit muna ang buhok sa tainga bago muling nagsalita.
"Well, may pagkakasala ka dahil hindi mo nakontrol ang kapangyarihan mo o ang emosyon mo but you do not have to live in shame, or in fear. You'll overcome it," malumanay na sabi nito kaya napanatag ang puso ko.
Pamilyar ang mga linya. Parang narinig ko na ang mga sinabi niya pero hindi ko maalala kung kanino nanggaling o kung saan. Napahawak ako sa noo dahil parang pumipitik ito. Sinusubukan kong umalala.
Napakapa ako sa bulsa ng damit. Wala doon ang manika. Saan ko nanaman ba iyon nailagay, mukha hindi ko na iyon makikita kahit kailan.
Bumukas ang pinto ng clinic. Wala sa sarili akong napaatras nang lumabas si Gen.
"A-ate Snow, I'm sorry," pagpapaumanhin nito habang nakayuko.
"Lalong lumakas ang kapangyarihan mo simula noong huli tayong nagkita ah. That's good," tumango na lamang ang bata kay Ate Snow.
"Pwede na kayong bumisita kay Ate Elmira pero huwag sana kayong magulo," malumanay at mahinhing sabi ni Gen.
"Yeah, right. Pagpasensiyahan mo na iyong kambal ko, haha," sinuklian lamang siya ng maliit na ngiti ni Gen.
Naabutan namin sa isang higaan si Silver. Tulog na ito. Pinagmasdan ko ang mukha niya na parang hapong-hapo mula sa bakbakan. Napakadami kong gustong itanong dahil sa kuryosidad.
"Anong nangyari sa kaniya?" Napatingin sa akin si Gen saka ito bumaling kay Snow.
"Battle, sa taas. Ugh. I don't know," wala sa mood na sagot ni Snow.
"Supposedly, kayong apat ang tatanungin namin dahil kayo iyong involved pero ayun si Elmira, in critical condition, si Silver, walang maalala, si Thunder, wala sa mood. That leaves you," saglit ako nitong itinuro bago humalukipkip.
"So Benevelle, what happened?" parehong nakatingin sa akin sila ate Snow at Gen.
Napalunok ako. Nilalaro-laro ko ang daliri ng kamay kong nakatago sa likod. Naging mabigat ang pakiramdam ko at dinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko. May sakit na ata ako sa puso. Hindi ko na kinaya ang mga titig nila kaya napakuwento na ako.
"So, nawala mo iyong manika mo --- hinanap mo iyong manika mo --- nakita mong hawak ni Thunder iyong manika mo --- nagalit ka sa kambal ko."
"Ginalit niya ako," mahinang sumbat ko.
"Yes, ginalit ka niya dahil sinira niya iyong manika mo, tama?"
Napatango ako sa pagkakasabi niya.
"Nawalan ka ng kontrol sa kapangyarihan mo --- napunta kayo sa mundo ng mga tao --- sa abandonadong mansiyon na natupok ng sunog --- iyong dati mong tirahan. Nag-away ulit kayo ng kambal ko at paggising mo nasa hardin ka na ulit ng Kromelia."
BINABASA MO ANG
Bad Genie [Book 1 Completed]
FantasiaBe careful what you wish for, you might just get it. At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa b...
![Bad Genie [Book 1 Completed]](https://img.wattpad.com/cover/132001838-64-k986576.jpg)