Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG XIX

184 6 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Ngayon ay parehas na kaming nakatingin ni Snow sa salamin. Kumuha siyang muli nung likidong nagpapalit ng kulay ng buhok at saka may hinanap sa tokador. Contact lenses.

Bumalik siya sa tabi ko na kulay itim na ang buhok at mga mata. Inaaninag ng salamin ang aming mga pigura na halos magkaparehas mula ulo hanggang paa. Kahit ako ay hindi makapaniwala.

"Holy freak," bulong nito sa sarili.

Parehong unat ang mahaba at itim naming buhok na kabaliktaran ng malaporselana naming balat. Magkakorte ang maliit naming mukha. May napakaliit lamang na pagkakaiba ang aming mga mata dahil may kaunting kasingkitan ang akin. Pagdating naman sa labi ay mas matambok ang ibabang labi ni Snow kumpara sa akin.

Para kaming bersyon ng princess and the pauper. Siya iyong princess, ako iyong pauper.

"Tanggalin mo iyong facemask mo, dali," mangha at excited na sabi nito.

"Wow," inilapit niya ang mga mukha namin sa salamin. "Hmm, no. Hindi pala eksaktong kamukha pero sobrang laki ng pagkakahawig natin. Parang doppleganger."

Napatango ako sa kaniya dahil kita ko din iyon sa salamin.

"Ibalik mo ulit iyong facemask," utos nito nang may mahinang pagtapik sa braso ko. "We really look alike."

Tama siya. Ganoon ang dating sa unang tingin. Mas matangkad nga lang siya kaunti at mas malaman din kaunti. Ako kasi, parang buto't balat na ewan eh.

"Kyaaaa!" Nabigla ako sa pagtili niya na sinabayan niya pa ng maliliit na talon. "Do you know what this means?"

Titig ito sa akin habang hawak ang dalawang kamay ko pero pagtataka lamang ang bakas sa much ako habang titig sa kaniya.

"We're going shopping! Tapos bibili tayo ng matching outfits tapos magtetake tayo ng madaming pictures. Kyaaa! I've always wanted a sister, hindi ko naman maaya si Thunder sa shopping eh," mabilis at matinis ang pagkakasabi nito bago sumimangot.

Nanumbalik ang kinang sa kaniyang mga mata sa ilang saglit at tila ba tuwang-tuwa sa mga pangyayari.

"Ugh! But not today, wala na akong lakas today. Bukas, bukas na lang tayo magshopping. Pretty please," sabi nito habang naka-doe eyes.

"Si-sige," sabi ko dahil hindi ko matanggihan ang pagka-cute niya.

"Yay! Babalikan kita dito. Magpahinga ka na din muna."

Tumango na lamang ako. Nagpaalam na ito kaya humiga ako sa kama niya matapos maghugas, maghilamos, at magpalit bago hinayaan ang sarili na daluhan ng antok.

Naalimpungatan ako nang may yumuyugyog sa mga braso ko. Doon ko lamang naramdaman na para akong sinusunog nang buhay. Ang init. Uhaw na uhaw ako. Kailangan ko ng tubig.

"Benevelle... Benevelle. Holy Freak, BENEVELLE!"

"HAH!" Isang malalim na hininga ang hinabol ko sa paggising. Ramdam ko ang pagkirot ng batok ko, parang nasusunog ang balat ko doon.

"Oh no, ang init mo," may pag-aalalang banggit ni Snow.

Ramdam ko ang pagkabasa ng kama at para bang pinaliguan ako habang nakahiga. Maya-maya ay naramdaman ko ang lamig ng kapangyarihan ni Snow na siyang unti-unti pumapawi sa lagnat ko.

"Let's go sa clinic. Kaya mo bang tumayo?"

Sinubukan kong ilapat ang mga paa sa sahig pero halos naduduling ang paningin ko kaya hindi ako makahakbang.

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon