Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG XXVII

133 6 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Please help," awtomatikong na-activate ang heightened sense of hearing ko sa babaeng kararating ng clinic habang pinipigil ang tawa sa nasaksihang kaguluhan nila Snow at Silver.

"Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi na talaga siya nagigising. Akala ko pagod lang siya sa praktis para sa year-end duel kaya lagi siyang tulog but she's missing most of our classes kaya I did what I can to wake her up. Hindi ko po siya magising," paiyak na sabi nito.

"Sister? Sister, help," pagmamakaawa ni Snow.

"Ahahaha..." Hindi ko na napigilang mapahalakhak. Epic!

Mababasa sa mukha nilang dalawa ang pagkataranta. Inis na inabot ni Snow kay Silver iyong bote at nag-aalangang isinubo ulit iyon ni Silver sa baby. Napagod na siguro si baby Celine kaya hindi na ito umiiyak at umiinom na ng gatas. Nakanguso habang nakasimangot si Ate Snow na tumabi sa akin sa kama.

Pansin ko namang may pares ng mga matang nakatitig sa akin kaya napalingon ako sa gawi niya. Pamilyar ang kaniyang mukha. Siya iyong kaibigan nung babaeng blue ang buhok na humiling ng masama para kay Fiona.

Be careful what you wish for, you might just get it. Hala, ako ba ang may gawa nun? Napatingin ako sa mga palad ko. Kusa kong nilingon ang gawi ni Fiona. Gising na siya.

Nakatakip ang palad niya sa mga mata.

"Contact lenses, please," nanghihinang sambit ni Fiona at dinaluhan siya ni Gen.

Nakaramdam ako ng mga kamay na umabot sa palad ko.

"Sister, let's eat? Mamaya na natin siya bisitahin," malambing na banggit ni Snow habang may maliit na ngiti sa labi.

Tumango ako sa kaniya kasi gutom na din ako.

"Yay! Paano ba iyan Silver, sa iyo muna si Celine ha. Kakain lang kami. Bye!" pang-aasar ni Snow kay Silver.

Hinila niya ako patungo sa dining hall at simple lang ang pagkain naming ngayon. Tumingin ito diretso sa aking mga mata bago nagsalita.

"Sis, you didn't break the seal but that's okay. Kusa naman iyang matatanggal. Umpisahan na lang natin ang training mo at power control ASAP."

Ngumunguya lang ako pero mahaba pa ang kwento niya.

"Nga pala, I'm sad. Hindi na kita makakasama sa room pero panatag naman ako kasi mga masters ang makakasama mo. Ihatid kita mamaya. Also, kailangan ka din sa headmaster's office for some briefing."

Mabilis ang mga pangyayari at narito na kami ngayon sa tapat ng isang wooden door na may mga ginintuang sulat na nakaukit.

Shamcey and Sapphire

"You're here!" magiliw na bati nito.

Namumukhaan ko siya, siyang iyong guro na nasa headmaster's office kagabi. Teka, mga guro ang makakasama ko? Paano na ako nito?

Hindi gaya ng room nila Snow na may dalawang kama, ang lugar ay may tatlong magkakahiwalay na kwarto, common kitchen, at common bathroom. Ang disensyo ay makaluma tulad ng ilang makasaysayang mansyon sa mga probinsya.

"You, ano bang kapangyarihan mo at kailangan mo ng month-long intensive training?" tanong sa akin nung isa pang guro na mala-diwata ang ganda. Puti at maalon ang mahaba nitong buhok, isa siyang Albino.

"Saph!"

"Tss, what?"

"Lady Saph," bati ni Snow. "Iiwan ko muna sa pangagalaga niyo si Benevelle. Mukhang ihinatid na din ni Silver dito ang baby, salamat po sa pag-aalaga niyo."

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon