Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
Wala sa sarili kong hinanap ang ingay. Mabuti na lamang at nahanap ko ang bata. Naiwan ito sa sahig at namumula na sa kaiiyak kaya binuhat ko siya para mapatahan. Ang liit niya. Hindi ko na mamataan sa palapag sila Fiona at Blue kung kaya't isinama ko na lang muna ang sanggol sa akin.
Palinga-linga pa ako sa gilid bago bumaba ng hagdan at tumungo sa headmaster's office. Bumungad sa akin ang mabigat at malalim na boses ng headmaster.
"Matagal mo kaming pinaghintay."
"Sorry po," sabi ko habang dali-dali umupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Thunder.
"Tsk, ang pangit mo," ingit nito sa akin sabay tapon ng panyo sa mukha ko.
Ang aga-aga nitong nakatingin ng matalim sa akin habang gusot ang mukha. Walang pinagbago.
"Mabilisan lamang ito dahil narining ko na ang kwento mula kay Snow," panimula ng headmaster.
Kinakabahan ako. Hindi pa natatanggal sa sistema ko ang nakita kanina at dadagdagan pa iyon ng aura ng headmaster. Ang sakit ng tiyan ko. Gusto kong magsumbong pero tila ba may nakabara sa lalamunan ko at gusto kong maduwal.
Padampi-dampi kong inalapat sa noo ang panyo ni Thunder. Naliliyo na ako.
"You don't look good," tumikhim ang headmaster bago nagsalita ulit. "Benevelle, at least show me your power," utos ng headmaster.
Hindi ko man gusto ang tono niya ay sumunod na lamang ako. Ibababa ko sana ang sanggol pero naramdaman niya iyon at bigla siyang umiyak nang malakas. Sa taranta ko ay napatayo ako at naiabot ko siya sa headmaster. Wrong move. Aabutin ko sana ulit si baby pero malalim ang tingin ng headmaster sa akin kaya napalunok ako bago ilahad ang palad at walang usok na lumabas kasi wala namang bad wish.
"Tunay ng ana nawalan kayo ng kapangyarihan ni Thunder," malalim ang pag-iisip nito sa sinambit.
Tumango na lamang ako.
"Seems like the Kromelian gods already served you your punishments. You may go."
Pabagsak akong umupo sa upuan at nang mag-angat ng tingin ay napansin ko ang mga mata ni Thunder na paluha na. Parang ang big deal sa kaniya na nawalan siya ng kapangyarihan. Kabaligtaran ng akin. May parte ng damdamin ko ang natutuwa na wala na akong kapangyarihan pero mas malalim ang panghihinayang ko sakali mang totoo iyon.
Ganunpaman, nararamdaman ko pa din ang init ng kapangyarihan ko na naglalaro sa loob ng katawan. Hindi ko nga lang mailabas.
"And, this baby, saan mo napulot ang sanggol?" mapanuring tanong ng headmaster sa akin at hindi ko naman alam ang isasagot. "I can feel that she's an Ignis."
Lalo akong kinabahan dahil naalala ko ang usapan nila Fiona at Blue kanina.
Hahabulin lamang ng mga Ignis ang sanggol na hawak mo.
Hindi ko hahayaang kitilin nila ang bata.
Hindi ko namalayang natumba na ako sa kinauupuan. Umiikot ang paningin ko.
Biglang bumukas ang pinto. Naramdaman ko namang may bumuhat sa akin at pinainom niya ako ng berdeng likido kaya mabilis na nawala ang sakit ng ulo ko. Nagpasalamat ako pero walang boses na lumabas.
"Troublemaker," bulong sa akin ni Thunder.
"Code Red, headmaster."
Sila Blue at Fiona. Mabilis akong napatayo at agad namang ipinakarga sa akin ng headmaster ang sanggol bago ito lumabas ng opisina. Nakarinig ako ng pagkabasag ng salamin at isa lamang ang naiisip kong lugar, sa dining hall kung saan may napakalaking chandelier sa gitna at may glass windows sa gilid.
BINABASA MO ANG
Bad Genie [Book 1 Completed]
FantasyBe careful what you wish for, you might just get it. At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa b...
![Bad Genie [Book 1 Completed]](https://img.wattpad.com/cover/132001838-64-k986576.jpg)