Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG XXV

151 5 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Sinundan ko siya palabas ng clinic pero dahil sa bilis nitong maglakad ay inabot ko ang pulsuhan nito para magtigil.

"Uy, ayos ka lang?" Tumingin lang ito sa akin at patuloy na naglakad palayo. "Sandali. Saan ka pupunta? Hindi mo ba bibisitahin din si Fiona?"

"What? Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Bakit hindi?"

"You're so clueless. Hindi mo ba alam na magkaaway ang grupo namin at grupo nila?"

"Magkaaway? Hindi ba't magkakakilala kayo?"

"Magkakakilala, hindi magkakaibigan. Stop following me unless you want to be my pet," sarkastiko nitong baling sa akin.

"Ang bastos mo magsalita ah."

Bakit sa akin niya ibinubunton ang pagseselos niya? Nakakainis naman itong tandang ito. Sabagay, kasalanan ko din naman dahil nangingialam ako, heto nanaman ako sa masama kong ugali na agad magtiwala ng tao kahit kaunting kabaitan lang ang ipinakita nila sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili.

Napabuntong-hininga na lang ako. Iintindihin ko na lang. Tumingin ako diretso sa mga mata niyang puno nanaman ng galit.

"Look," hinila ako nito sa braso at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "I don't know your intentions but let me tell these to you one last time. Hindi kita gusto at kailanman ay hindi kita magugustuhan. Hindi ko kailangan ng mahihinang nilalang gaya mo. So, fuck off!"

Nagtitimpi na ba siya sa lagay na iyan? Pabagsak niyang binitawan ang braso ko at saka nagmamadaling umalis. Anong problema niya? Ramdam ko ang pamamasa ng mga mata dahil sa inasal niya.

"I'm sorry. That was silly of him to make you cry," pakikisimpatsya ni Snow. "Here."

Inabutan ako nito ng panyo na ipinunas ko sa mga luha kong nag-unahan bumagsak.

"Huwag kang mag-alala. Hiling ko lang na mapatunayan niya sa sarili niya na hindi ka mahina, silly kid. Let's train soon," humakbang ito para sundan ang kambal. "Good luck, sister! See ya!"

Ikinaway pa nito ang kamay bago umalis.

Pagtingin ko sa palad ko ay may usok na lumalabas mula doon. Ano nanaman ang mangyayari nito? Bad wish ba iyong binanggit ni Snow para rumesponde ang kapangyarihan ko?

"Benevelle," may malalim pero malumanay na boses ang tumawag sa akin.

Dali-dali kong pinunasan ang luha bago humarap kay Silver.

"Don't get too close to Snow. She's dangerous," seryosong babala nito.

Tumitig lang ako nang diretso sa mga mata niya pero nagbawi ito ng tingin at pumasok muli sa clinic. Dahil wala akong magawa ay napagpasiyahan kong bumalik din para alamin ang kalagayan ni Fiona.

Hindi pa din siya nagigising.

Napakuyom ako ng kamao. Pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit nakahandusay pa din ang katawan nito sa kama kahit hindi naman ako ang gumawa ng masamang kahilingan. Sana talaga bumalik sa wishmaker iyong hiling niya.

"Kailangan niya lang ng pahinga, magigising din siya," malumanay na sabi ni Gen.

Nangiti na lang ako nang kaunti.

"Maaari bang dumito muna ako? Ah, nursing iyong course ko nung college, baka lang may maitulong ako sa paggagamot."

Tinanguan lamang ako nito pero sa totoo, wala naman masiyadong tao dito kundi iyong mga rankers.

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon