Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG VI

366 10 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Bakit ang cold mo?" 

Tumitig lamang ito sa akin nang blangko. "Kakilala mo ba ako para maging malapit ang loob ko sa iyo?"

Umiwas na lang ako ng tingin. Mabuti na lang at binasag ni Gen ang katahimikan nang sabihin nito na pwede na akong umuwi o umalis sa pagamutan. Saan naman kasi ako uuwi, hindi ba? Naunang lumabas si Silver at hindi ko naman alam kung saan ako pupunta, nagugutom na din ako.

Paglabas ko ay hindi ko na makita si Silver. Naagaw naman ng malaki at maliwanag na buwan ang paningin ko. Sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa isang open field mung saan pwede kong makita ito nang mas malapitan.

Sa hindi kalayuan ay may dalawang tao akong nakita na naglalaro ng tubig at apoy. Sila Fiona at Blue ata ito eh, hindi pa tapos magbangayan. Ibinaba ko ang depensa at hinayan ang sarili na pakinggan ang kalikasan. Nga lang, mas maingay sila Blue at Fiona kesa sa malambing na ihip ng hangin, sa tubig na mukhang galing sa fountain, sa huni ng maliliit na insekto sa paligid. Hindi ko tuloy maiiwasan na ituon ang pansin sa usapan nila.

"CHIX! Chix pala ha."

"Fiona!"

Mula sa malayo ay matatanaw ang transparent or clear color na tubig ni Blue habang puting-puti naman ang apoy ni Fiona. Para lang silang sumasayaw. Sa bawat pagtapon ni Fiona ng apoy kay Blue ay iilag lamang ito at sa bawat hampas ng alon ni Blue kay Fiona ay mabilis itong nakakagalaw palayo.

"Oh shit, you're hot babe."

"Manahimik ka."

"You know who else is hot?"

"Ah, at talagang may iba pa."

"Tanong mo si Silver."

"Bwiset. Humanda ka talaga sa aking Asul ka."

Pfft. Weird. Ang kulit at ang gulo nila. Sa hinuha ko ay mas bata sila sa akin nang isa o dalawang taon. Kahit hindi ko tanaw ang mukha nila sa gawi ko sigurado akong nakakunot ang noo ni Fiona at patawa-tawa si Blue.

"Sabi ni Silver kanina, 'Bevel, shit, you're still hot.'" Mapaglarong turan ni Blue kaya sinigawan lang siya ulit ni Fiona.

Nag-init ang mukha ko nang hindi inaasahan.

"Lutong ng mura niya, noon ko lang siya nakitang may emosyon, babe."

"Okay na sana kwento mo, kaso mali iyong pangalan. Engot."

Hindi namalayan ni Fiona ang alon sa likod niya dahil sa bilis ng galaw ni Blue.

"Lampa. Hahaha Ayoko na, napakawalang-kwenta mong kalaban."

"Humanda ka sa akin sa duel, Asul!"

"Nyenyenye nyenye, pikon ka na niyan?"

Biglang nag-apoy ang buong katawan ni Fiona.

"Saan ka tatakbo, hindi pa tayo tapos."

"Kung tatakbuhan man kita, tatakbo ako palapit sa iyo."

"Tigilan mo ako, Prince Blue."

Pfft. Napatakip ako ng bibig. Seryoso bang pangalan iyon, Prince Blue? Ang sagwa namang pakinggan. Hindi ko mapigilan na matuwa sa kanila. Pakiramdam ko, kahit papaano ay ligtas ako sa lugar na ito.

"Sorry na Fiona ko, honeybunch, sugarpie, babe. Huwag kang mag-alala..."

"Huwag mo nang ituloy an sasabihin mo."

"Kinikilig ka lang eh."

"Hindi ako kinikilig."

Hindi ko na maitindihan ang ilan pang pinag-uusapan o pinagbabangayan nilang dalawa dahil parang si Fiona na lang iyong sumasagot habang patawa-tawa si Blue.

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon