Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
"Transfer," nakangusong sabi ni Blue bago mag-ilaw ang mga ID nila ni Fiona.
"May pupuntahan lang ako," sambit ni Silver.
"Yeah, right. Nakita na namin," kaswal na sabi ni Fiona.
"Tatanggapin mo ba iyong challenge ni Somi? Isa't kalahating buwan na lang ang natira, bakit hindi na lang kayo maglaban sa year-end duel?" tanong naman ni Blue.
Tumango lang si Silver sa kanilang dalawa bago niya kami iwan. Nagtungo kaming tatlo sa dining hall dahil lunch time na pala. Inutusan ni Fiona si Blue na umorder ng pagkain dahil daw natalo siya sa pustahan nila. Iyong pusta? Kung gaano kabilis mapupunta ng detention room sinuman sa kanilang tatlo (Silver, Blue, at Fiona) pagkabalik nila sa academy.
Si Fiona iyong pumusta na within 24 hours may madedetention sa kanilang tatlo tapos si Blue naman iyong pumusta na after one day. Gaano ba sila kadalas madetention? Hindi ba demerits iyon?
Dumating si Blue na may food for three. Pare-pareho kami ng ulam na sisig, may tig-iisang kanin, at iced tea. Bago pa man ako makasubo ay naiilang na ako sa tingin ng magjowa. Puno ng kuryosidad ang tingin ng dalawa.
Nakahalukipkip pero makulit na nagtanong si Fiona. "So, what happened?"
At, ikinuwento ko sa kanila lahat.
Daldal-subo lang ang ginawa ko at nang matapos ako magkuwento ay naabutan ko si Fiona na nakayuko habang nakatingin sa platong walang laman at si Blue naman ay mahigpit ang hawak sa kutsara habang umiinom ng iced tea.
"Ta-tapos na iyong kwento ko, pwede na kayong tumawa."
Naibuga ni Blue ang inumin at napahawak sa ilong dahil may iced tea din na lumabas doon. Humahampas naman sa mesa ang mga palad ni Fiona habang humagalpak sa tawa.
Napapunas na lang ako sa mukha. Nagsisisi ako sa pagkuwento.
"Babe, ahahaha 'Anong course mo?'"
Pulang-pula na si Fiona. Nakakapagpalabas na ito ng bolang apoy sa sobrang pagtawa.
"I'm fine, thank you," tugon sa kaniya ni Blue.
Napahilamos ako ng mukha. Isang salita lang. LUTANG. Napatanong tuloy ako sa sarili kung nasa Earth pa ba ko. Magic school nga pala ito kaya walang mga kurso, hindi tulad sa university.
"Mukha mo, Asul." Napabato si Fiona sa kaniya ng bolang apoy.
Tumayo si Blue nang nakapamewang.
"Poe, as in, P-O or P-O-E?" Napatawa na din ako kasi exagerated ang pagkakasabi niya. "Shit, hindi ko ma-imagine, ang arte pa naman nun."
Halos limang minuto pa bago sila magtigil kakatawa.
"Silly girl, you made my day," pigil tawang sabi ni Fiona. Pumapaypay pa gamit ang mga kamay si Fiona sa mukha. "Treat kita for a week."
Nauna nang nagpaalam si Blue kanina dahil ang sakit daw ng ilong nito.
"Wanna join my next class? Combat."
"Ahh, hindi na muna," nahihiya kong sabi kasi hindi ko naman alam kung anong gagawin doon at hindi pa naman ako officially enrolled.
"Okay. Mauna na ako, Beny. Bye!" Masiglang paalam nito habang kumakaway.
"Bye." Hindi ko na din napigilan ang sarili na kumaway pabalik. Siguro ay magaan ang loob ko sa kaniya dahil masiyahin siya at cute.
Hindi ko naman alam kung saan ako sunod na pupunta, sana pala sumama na lang ako sa klase ni Fiona. Dire-diretso lamang akong naglalakad at tumungo sa kabilang dako ng dining hall. Binuksan ko ang double door hanggang sa mapaupo ako sa sahig.
BINABASA MO ANG
Bad Genie [Book 1 Completed]
FantasíaBe careful what you wish for, you might just get it. At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa b...
![Bad Genie [Book 1 Completed]](https://img.wattpad.com/cover/132001838-64-k986576.jpg)