Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BG XXI

157 5 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Hinigit ni Thunder ang braso ko paalis ng clinic at hinayaan ko na lang siya na dalhin ako sa kung saan. Ang bilis ng pintig na puso ko. Hindi ko naman aakalaing umakyat pala kami sa dormitoryo ng mga lalaki at dire-diretso siya ng lakad kaya napahigpit ang hawak ko sa baby hanggang sa ipasok niya kami sa loob ng kwarto niya.

"What do you think you're doing?" Inis na sabi ni Thunder.

Kinuha niya sa akin ang sanggol at maingat na kinarga.

"Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong niyan?"

"Earlier, ugh," reklamo nito.

Napasabunot ito sa buhok. Hinehele niya ang bata na humihina naman ang pag-iyak.

"You gave her a name," seryosong sabi nito na hindi ko naman maintindihan.

"Anong name?"

"Tinawag mo siyang Celine."

"Celine?" mahinang napatawa ang sanggol kaya napatingin si Thunder sa bata.

"Yes, Celine," sambit nito habang nakatingin kay baby.

Nakita ko na may pulang usok na lumabas sa katawan ng sanggol na pumasok sa noo ni Thunder. Malakas akong napasinghap sa nasaksihan. Ano iyon?

"Fuck!" mahinang mura ni Thunder. "What have you done?" inis itong bumaling sa akin.

Ano nanamang ginawa ko? Napapikit ito nang mariin habang tumingala sa kisame. Inhale. Exhale.

"Sa-saglit kasi, wala akong maintindihan. Hindi kita maintindihan," pagrereklamo ko sa kaniya.

"Dummy."

"Hoy, ayusin mo naman. Baka nakakalimutan mong hindi ako lumaki rito sa Kromelia. Wala akong alam sa mundo niyo."

"You gave her a name."

"Tapos?"

"It's a Kromelian thing," sabi nito habang nakakunot ang noo.

Pabagsak kong inupo ang katawan sa kama saka huminga nang malalim. May mainit na pwersa na naglalaro sa katawan ko. Okay lang iyan. You do not know yet pero malalaman mo din soon.

"Ano naman ngayon kung pinangalanan ko siya?"

Bakas din sa kaniya ang pagpipigil ng inis, mabuti na lang at wala pa kaming kapangyarihan ngayon at baka parehas na naming natusta ang isa't isa.

"The moment you gave that child a name, she's already bonded to you," mahina niyang sambit.

"Anong ibig sabihin ng bonded?"

Hindi makapaniwala niya akong tinignan saka nag-iwas ng tingin.

"Iisipin niya at mararamdaman niya na ikaw ang mom niya. Magkakaroon siya ng utang na loob sa iyo. She will do what pleases you. Habang ikaw naman, you will have a strong urge to take care of her."

"Pero hindi ako ang nanay niya."

"Ugh, I hate your guts," inis na sabi nito.

Napasuklay ito sa buhok niya saka naupo na din sa tabi ko. Nangawit na ata. Aabutin ko na sana iyong bata pero inilayo niya.

"Eh paano ka naman? Tinawag mo din siyang Celine."

"Same with you."

"Anong same with me?"

Tinitigan niya ako sa mata saka nagsalita nang hindi bumubuka ang bibig.

"You can hear me now?"

"O-oo, naririnig kita," sabi ko sa kaniya.

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon