BG VIII

297 11 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Tahimik ko na lamang siyang sinundan pero dahil sa bilis niyang maglakad ay hinihingal na ako.

"Dalian mo," cold na sabi nito.

"Sorry," halos lakad-takbo ang ginawa ko para maglapit ang pagitan naming dalawa.

Masiyado akong malayo sa kaniya. Hindi ako sigurado pero mukhang lumambot ang ekspresiyon niya noong marinig ang sorry ko. Iniklian niya din ang mga hakbang para masabayan ako sa paglakad.

Hindi nagtagal ay narating namin ang isang pintong gawa sa metal. Kumatok muna si Silver ng tatlong beses bago tuluyang buksan ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Heto namaman. Bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba at gustuhin ko mang tumakbo palayo ay tila nabato ako sa kinatatayuan ko.

"Greetings headmaster," bati sa kaniya ni Silver saka yumuko.

Lumingon naman ito sa akin saka ako pinanigkitan at inayang pumasok. Huminga ako nang malalim saka isinarado ang pinto.

"He-hello po." Napapunas ako sa noo dahil dama ko ang pagpapawis. Nilaro-laro ko na lamang ang mga daliri na itinatago sa likod ko.

"Natutuwa ako at nadala mo na siya dito Silver. Good morning, young lady," kaswal na sabi ng headmaster.

Sa pandinig ko naman ay parang nage-echo ang malalim at mababa nitong boses. Natutuwa daw siya niyan? Titig na titig ito sa akin at lalong akong kinabahan. Parang bumabaliktad ang sikmura ko at nais kong dumuwal. Hindi ko alam kung ilang beses na akong lumunok.

"Maupo kayong dalawa," utos ng headmaster. Hindi naman siya nananakot pero punong-puno ito ng awtoridad.

"You are?" Napatingin ako a headmaster nang tanungin niya ako. Pinakiramdaman ko ang sarili na parang dinadaganan nang mabigat na aura. Batid kong napakalakas ng nanggagaling sa kaniya na kapangyarihan.

"Benevelle Quentin, headmaster."

Tumikhim ito nang si Silver ang sumagot para sa akin. Bumaling itong muli sa akin, parang desidido na mapagsalita ako. Natatakot ako sa kaniya. Makapal ang mga salamin na suot niya at mayroon siya balblas tulad ni --- ayoko nang maalala. Lumingon na lamang ako kay Silver na taimtim na nakatitig sa akin kaya napanatag ang loob ko. Wala naman sigurong mangyayaring masama.

"How are you, Benevelle Quentin?"

"Ah-I'm fine, thank you," mahina at may pag-aalinlangan kong sagot.

Pfft. Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Silver at nang lingunin ko ay hirap na hirap itong nagpipigil ng tawa. Nagtama ang paningin namin at kumawala muli sa kaniya ang isang maliit na tawa kaya kinagat nito ang labi at nag-iwas ng tingin.

Tumikhim ang headmaster kaya agad binawi ni Silver ang postura. Nanumbalik ang blangko niyang mukha. Para siyang biglang may naalala na kasalanan kaya ito tumino agad. Bakit kailangan niyang pahirapan ang sarili?

"O siya, Benevelle Quentin, welcome to our Academy."

Napalunok akong muli, pwede pa bang magback-out?

Nakakabinging katahimikan ang pumuno sa kwarto kaya naman nag-thank you na lang ako. Nang tumingin ako kay Silver ay may kinang sa abo niyang mga mata, parang aliw na aliw sa mga pangyayari. Inis ko siyang tinapunan ng tingin. Nanatili pa ring blangko ang mukha nito. Mukha siyang natatae.

Tumikhim ang headmaster saka inayos ang salamin.

"I suppose you are not against my decisions," Saglit na tumingin sa akin ang headmaster saka kay Silver. "Ang totoo niyan, masiyado nang late upang mag-enroll ka sa academy. Isa't kalahating buwan na lamang nag natitira para sa current academic year. You will enroll next year, Benevelle."

Bad Genie [Book 1 Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon