APAT na araw ang nakalipas simula nung lumitaw si Abre sa bahay ni Adriana. Hanggang ngayon hindi maalis sa isip ni Adriana si Abre. Ipinilig nya ang ulo nya pagkatapos ay tinulak ang cart na dala nito.
"Baka may kailangan kapa na wala rito sa listahan bilhin mo na." Binalingan nya ang kasamang lalake, andito sila ngayon sa Supermarket para mag grocery, hindi nya naman kabisado ang lugar dahil bagong salta pa sya dito kaya rito sa nagpasama.
"I'm all set, medyo marami na ang mga yan." walang emosyong sabi nya sa binata.
"How's Autumn? Hinahanap nya ba ako?" tumango si Adriana.
"Well oo, miss nya ang pancakes mo. Kaya if you have some spare time, lend it to Autumn. Too bad, mas masarap ka raw magluto ng pancakes compare sakin." she chuckled, naalala nya kasi kung paano mag reklamo ang anak every time na sinusubukan nyang gumawa ng pancakes. Kung hindi ito sunog, minsan naman walang lasa.
"There you are." Sabay silang napatigil ng kasama nya nang may biglang magsalita. Kunot noo syang napatingin sa lalake at laking gulat nya nang makita kung sino yon. It was the man who came to their house recently. As usual, wala man lang ka emosyon ang mukha nito but she couldn't stop to admire the handsome face of Abre.
"Pre anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ng binata at ganon na rin si Adriana.
"Kilala mo ba sya? Oh god, sya ang yung tinutukoy ko sayo na pumunta sa bahay!" nakangiting sabi ni Adriana pero wala sa kanilang dalawa ni Abre at sa kasama ni Adriana ang nakangiti. Masama ang tinginan nila sa isat-isa.
Abre still hasn't forgotten what his friend said on the phone a few days ago. Pinipigilan sya nitong kausapin ng harap harapan ang babae and ngayon makikita nya ang kaibigan na kasama si Adriana?
Nagtagis ang bagang nito hindi nya alam kung matutuwa sya sa nakikita nya. May halong inis syang nararamdaman at hindi nya alam kung bakit. Hinawakan nya ang pulsuhan ng babae pero bago nya mahila yon pinigilan na sya ni Dominik.
"Saan mo sya dadalhin?" Inalis nya ang kamay ng kaibigan nito na nakahawak din sa kamay ni Adriana.
"Let go of her hand if you don't want me to break the bones of your fingers." seryosong sabi nito. Nakinig din kaagad sa kanya ang kaibigan nito at tuluyan nyang nahila si Adriana sa parking lot. Hindi maisip ni Adriana kung bakit sya nagpapahila rito pero bago ito dumiretso sa sasakyan binawi nito ang kamay nya sa lalake.
"Sino kaba? At bakit mo ako hinila papalayo kay Dom?" inis nitong tanong sa lalake. Rinig nya ang buntong hininga ng lalake at humarap sa kanya.
"I'm Duke Abrehem Contreras. You can call me Abre, as you used to call me when we're still young."
'as you used to call me when we're still young'
"What do you mean?" kunot noong tanong nya sa lalake.
"Wala." sumandal sya sa pinto ng kotse nya, kitang-kita nya sa peripheral view nya na nakatingin si Adriana sa kanya. She looks so pissed.
"Okay, so bakit mo nga ako hinila rito hindi naman kita kilala e!" inis na sambit nito sa lalake.
"Hindi mo ako kilala pero nagpahila ka" he grins. "Do you miss me?" sunod nitong tanong kay Adriana. Ganito sya noon makitungo sa dalaga at ngayon hindi nya maitatanggi sa sarili nya kung gaano nya ka miss ang dalaga.
Ramdam ni Adriana ang malalakas na tibok ng puso nya. Makita lang ang lalakeng ito na nakangiti sa kanya pakiramdam nya ang saya ng puso nya. Pamilyar ang mukha nito sa kanya pero pilit nyang inaalala kung saan nya ito nakita pero wala syang napala. Ipinilig nya ang ulo nya at bumuntong hininga.
Fuck amnesia!
Oo, alam nyang may amnesia sya. Kaya kung sino mang tao na lumalapit sa kanya at pakiramdam nyang parte ito ng nakaraan nya ay hindi nya tinutulak palayo kahit paman inutusan sya ng pinsan nya umiwas at huwag makipag usap ng kung sino.
Kinuwento ito sa kanya ng tito nya habang nabubuhay pa ito. Kasama ng pagkawala ng alaala nya ang pagkawala ng mga magulang nito at ang asawa dahil sa isang aksidente. Himala nga raw na nakaligtas ang bata sa sinapupunan nya at nagpapasalamat sya roon kahit papano may natira pa sa kanya.
Walang tigil syang umiyak non nang ipagtapat iyon ng kanyang tito pero paunti-unti dahil sa tulong ng kanyang anak, natanggap nya rin ang nangyari sa kanyang nakaraan.
Ilang beses na rin silang nagpa check up dahil sa nangyari nito pero ang sabi ng doctor sa kanya possible na hindi na raw nya maalala ang nangyari sa past nya pero kaya nitong mag recall kapag may mga bagay o tao itong nakakausap na naging parte sa past nya bago sya ma aksidente.
At ngayon kaharap nya si Abre, hindi nito kayang itulak palayo kaya basta nalang sya nagpahila. May parte sa puso nya na gusto nyang kausapin ang binata at tanungin kung gaano sya nito kakilala.
"You're spacing out. Are you okay?" he looks so worried. Nag init ang katawan nya nang maramdaman nyang dumampi ang palad nito sa noo nya. Agad syang lumayo sa binata.
"O-okay lang ako." kitang-kita ni Abre ang takot sa mga mata ni Adriana nang idampi nya ang palad nito sa noo. Nakaramdam sya ng kaba at disappointment sa sarili nya.
Fuck! Fuck! Fuck! Bakit ko ginawa yon?!
"S-sorry I didn't mean to do th—" she smiled.
"No worries, kinabahan lang ako. I'm Adriana Antoinette Escander, you can call me Adriana." nakangiting sabi nito sa binata, tiningnan nya kamay nitong nakikipag shakehands sa kanya tinanggap nya ito at tumingin sa mga mata ng babae.
"I'll call you Adi and ako lang tatawag sayo ng ganon." inagaw ng babae ang kamay nito sa kanya. Pakiramdam nya kasi bigla syang nakuryente dahil dun sa kamay nilang dalawa and aside dun biglang may kung anong insekto ang gumalaw sa tyan nya nang marinig iyon sa binata. 'Adi.'
"Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sayo." she smiled to Abre. "I know you're kind and ngayon palang humihingi ako ng tawad. I can't remember you but I know you've been part of my life. And trust me gusto kong maalala yon kasi gusto kong malaman kung ano kita sa buhay ko."
He sees the sadness in Adriana's eyes and it hurts him. Mapakla syang ngumiti at ginulo ang buhok ni Adriana.
"You don't have to do that. Don't pressure yourself para lang maalala mo lahat. It will take a long time Adi."
Naramdaman nyang nag vibrate ang cellphone nito kaya agad nya itong sinagot. Hindi pa sya naka imik nang magsalita na ito sa kabilang linya.
"What the fuck do you want Contreras!? Leave Adriana alone!"
Pinatay nya agad ito saka ngumiti. Tumingin sya kay Adriana na ngayon ay nakangiting nakatingin sa kanya.
"Expect my Adi na magpapakita ako sayo pag hindi ako busy. Baka kasi magulat ka nalang bigla na nasa labas na ako ng gate mo." he said with a smile at binuksan ang pinto ng sasakyan.
Adriana could not speak, she was stunned sa kinatatayuan nya. Masaya ito na may halong lungkot sa mukha pero ayaw nya itong ipakita sa binata. Tumango lang ito at ngumiti kay Abre.
"See you again Adi." kasabay ang pagharurot nito sa kotse nya. He can't stay long kasi alam nyang makakarating ito sa kanyang ama knowing that Christos will report it to his father. Ayaw nyang pati si Adriana ay madamay, ngayong malapit na sila sa isat-isa at sa kagustuhan nyang makita ang dalaga baka ito pa ang dahilan na bumalik ito sa ibang bansa. At ayaw nyang mangyari iyon.
YOU ARE READING
Whispers Of Past
RomanceHe is Duke Abrehem Contreras, the inheritor of Contreras Group; a financial services that provides a lot of sectors. Trading, Real Estate, Reinsurers and etc. He is a brave man when it comes to the woman he loves pero pagdating sa kanyang ama kaya n...