EPILOGUE

28 3 0
                                        

Dalawang taon na ang nakalipas simula ng ikasal si Abre at Adriana. May dalawang taong gulang na rin silang anak at pangatlong anak na nasa sinapupunan ni Adriana. Babae ang naging sunod kay Autumn at ngayon hindi nila balak magpa ultrasound para ma surpresa sila.

"Put that down baby." utos ni Adriana sa anak nito karga karga nya. Hawak nito ang kandila kay kinuha nya ito baka mabali.

"Dada..dada"

"She's with Ate baby, halika." umupo sila sa blanket na nilapag ni Adriana sa tapat ng lapida saka sila umupo dalawa. Kasabay non ang pagdating ni Abre at Autumn na may dalang bulaklak at isang basket na may lamang pagkain.

"Dada..dada"

Dalawang taon pa lamang ang anak nila ni Adriana at Abre na pinangalanan nilang Amari Kavin. Ngayon andito sila sa sementeryo para bisitahin dito ang ama ni Abre na isang taon ng namayapa.

"Hi pa, pasensya na po at ngayon lang ulit kami nakadalaw. Yung mood swings kasi ni misis eh paiba-iba."

"Ako pa sinisi mo ha." kurot ni Adriana sa kanya.

"Alang naman ako e hindi naman ako yung buntis." napa irap si Adriana sa sagot ni Abre.

Inayos ni Abre ang mga bulaklak na nasa lapida nito at muling nagsalita.

"Anyway pa, two years old na si Kav. Si Autumn naman malapit ng mag 13, jusko may dalaga na akong anak. At may magiging bunso pa, nasa tyan ni Adi. Tingin mo ba Pa, lalake na yan? What do you think angel?"

"Hmm, I think it's a boy Dad."

"Why do you say so?"

"Because Mommy is so grumpy."

"Talagang pinagtutulungan nyo ako rito."

Nag apir lang ang dalawa saka nagpatuloy sa kwento si Abre. He used to tell a story in regards of all the story that happened to them. Nasanay na rin ang anak nito pati si Adriana na makinig at pagmasdan si Abre habang nag kkwento.

"It's been 1 year since you left us Pa, ang dami mo na tuloy na missed. Pero okay lang kasi pumupunta naman ako rito kasama mga anak ko at asawa ko para ikwento sayo." Bumuntong hininga sya saka lumingon sa katabing lapida ng ama nya.

"Hey Ma, magkasama naba kayo ni Papa? Bantayan nyo po kami ah? Lalo na mga anak ko, mahal na mahal ko kayo ni Papa."

Tumayo naman si Abre at pumunta sa kabilang lapida na malapit sa lapida ng ama at ina nya. Tumulo ang mga luha sa mga mata nya saka pabirong sinuntok iyon.

"Daya mo ah. Iniwan mo kami rito eh pero ano masaya kaba dyan? Sana masaya ka, bantayan mo kami rito."

Naramdaman nyang hinagod ni Adriana ang likod nya kaya mas lalo syang naiyak. Tatlong taong importante ang nawala na sa buhay nya, hindi nya kayang may isa pa o may susunod pa ang mawala. Niyakap nya ng mahigpit si Adriana saka hinalikan ang noo nito.

It was sad for them pero wala silang magagawa kasi nangyare na eh. Ang tanging magagawa lang nila ay bigyan ng halaga ang bawat memories nila habang nabubuhay pa ang mga ito.

Sa ngayon, may mga anak sya na kailangan nyang bigyan ng atensyon at dapat nyang alagaan. At ang asawa nya, ibibigay nya lahat pati ang mundo nya maging maayos at maganda lang ang pagsasama nila ni Adriana.








(A/n: Sa wakas natapos na rin ang storya sa pagmamahalan ni Abre at Adriana. I just to thank sa mga nagbasa, sana buhay pa kayo sa susunod na isusulat ko. God bless.

WOP SOUNDTRACK
Miss miss by Rob Daniel
Do you Remember by Phil Collins
Buko by Jireh Lim
Dating tayo by TJ Monterde
YMCA by Village People
I swear by All-4-one

(A/n: Thank you mga music nato haha, iba talaga kapag may na iimagine ka habang nakikinig ka ng music. Naging motivation ko ang mga music na ito eh grabe ang gaganda.




  All Right Reserved.
aikockipp

Whispers Of PastWhere stories live. Discover now