CHAPTER 24

20 1 0
                                    

Dali-daling hinila ni Autumn ang Mommy nya palabas ng hospital. May maliit na stage na naka pwesto sa bandang garden ng hospital, may mga ilaw na nakalagay sa bawat palagid. Napapa-ikutan din ng mga lights ang mga puno rito, may ilang upuan din na nakalagay at may ilang pasyente rin ng hospital ang nakaupo sa monobloc at ang iba pa ay nakasakay sa wheel chair habang may mga ngiti sa mga labi.

Kanina pa sya nagtataka kung anong meron pero ang sabi sa kanya ng isang nurse may event daw ang hospital, may free live band din. At dahil gusto manood ni Autumn wala na syang nagawa kundi ang magpahila, naiwan nya si Abre sa kwarto nito na tulog.

Naupo sila sa harap ng stage at katabi nito ang anak nyang may malalapad na ngiti.

"Gusto mo ba ng mga ganito nak?" tumango si Autumn ng pagkalaki-laki kaya ginulo lang nito ang buhok ng anak nya at ibinalik ang tingin sa stage.

Napakunot ang noo nya nang makita si Yvo na nakatayo habang may dalang mic. Meron din itong mga kasama sa stage at hindi yon pamilyar sa kanya.

"Look mommy si Tito Yvo!" sigaw ng anak nya habang turo-turo ang stage.

"Hello everyone!" masiglang bati nito. "Pasensya na po sa mga gusto ng matulog, mga lolo at lola pasensya na po talaga! Huwag ho kayong mag alala may free food po tayo ngayon at free concert." naghiyawan naman ang mga nanonood na kadalasan ay mga matatanda at ilang bata.

"I just want to thank my Mom, Doc. Mikka Heilsman for helping me here." nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa isang magandang Doctor na nakatayo sa gilid.

"Gusto ko rin mag thank you sa mga ka banda ko, ang East 4 Blues! Thank you for being here bros!" nagpalak-pakan ang mga taong nandoon habang nanonood sa harap ng stage.

"And today, I have a special song for a a special woman.." sabi ni Yvo habang nakatingin sa bandang upuan ni Adriana kaya nagsimulang mag kantyawan ang mga nanonood. Pinanlakihan nya ito ng mga mata nya hudyat na huwag syng tumingin sa pwesto ni Adriana.

"Ni request ito ng mabait kong kaibigan para sa kanyang pinakamamahal na girlfriend. And this song is for you Adriana.."

Music Played: Buko
by Jireh Lim

Nagsimulang tumugtog ang intro ng kanta habang ginagamitan ito ng mga instrumento na hawak hawak ng mga kabanda ni Yvo.

Lahat ng mga nanonood ay nakatitig sa mga lalakeng kumakanta sa harapan. Hindi maintindihan ni Adriana kung ano ang nangyayari pero hindi naman sya manhid, alam nyang si Abre ang may pakulo nito.

"Dadalaw tuwing gabi, masilayan lamang ang 'yong mga ngiti.." habang kumakanta si Yvo hindi mapigilan ni Adriana ang ngumiti.

Isang litrato ang biglang lumitaw sa projector, litrato iyon ng batang mataba na may suot na salamin habang nakatingin sa isang batang maganda na nakasuot ng isang magandang dress.

Unti-unting humihina ang tugtog nang may biglang magsalita.

"Hindi ko man makwekwento sayo lahat kung paano kita nagustuhan pero sa pamamagitan ng mga litrato nato, gusto ko ipaalam sayo kung gaano kita kamahal."

"Abre.." nanlaki ang mga mata nya nang makita si Abre na nakatayo sa gilid ng screen habang may hawak na mic. Nakangiti ito habang nakatitig sa kanya ng diretso.

Whispers Of PastWhere stories live. Discover now