CHAPTER 15

13 3 0
                                        

Panay agos lang ng luha sa mga mata ni Abre, ramdam nya rin ang hapdi nito sa katawan nya pero hindi sya tumatayo at nakaupo lang. Napatingin sya sa katawan nya na puno ng dugo at sugat saka napadako ang tingin sa binti nyang may nakatusok na pana.

Napangiti sya saka mahinang humikbi.

Rinig nyang bumukas ang pinto ng storage room kung asan sya kaya tumigil ito at nakaramdam na naman ng takot sa sarili na baka ang ama na naman nito ang pumasok.

Nakita nya ang sapatos sa harapan nito pero hindi nya magawang i-angat ang ulo nya para tingnan kung sino yon pero base sa amoy ng lalake alam nya na agad kung sino ito.

"A-anong ginagawa mo rito?" matigas na tanong nya at halata sa boses nitong nahihirapan na sya.

"Let's go to the hospital."

"Fuck you Dom!" tumingin sya rito na may luha sa mga mata. "Fuck you fuck you fuck you! Bakit nyo ginawa yon? Alam mo ba lahat ng ito?" tumalikod si Dominik sa kanya at maya maya pa ay sinuntok nito ang pader ng ilang beses na naging dahilan para dumugo ang mga kamay nito.

Napasabunot ito sa sariling buhok at sumandal sa pader at napaupo.

"Naipit din ako Abre eh, nung malaman kong ginahasa mo si Adriana galit na galit ako sayo kaya ang sabi ko kay Christos na pwede naman nilang sampahan ka ng kaso. Ang problema pinigilan ako ni Dad." napakuyom ang kamao nya at nakikinig lamang si Abre sa kwento nito.

"Naiipit ako sa sitwasyong gusto kong magdusa ka sa ginawa mo kay Adriana pero ayokong madamay at masira ang reputasyon ni Dad. And then I remain silent, nalaman ko nalang na binayaran ng Papa mo ang pamilya ni Adriana. Then I heard Dad talking to your father on the phone, he is asking for help na patayin sila Adriana at ang pamilya nito saka ko kinausap si Christos para i-set up ang lahat." tumulo ang mga luha nito sa mga mata nya.

"That's the only thing I can do, keeping them alive from your father and my father darkest plan."

Tumingin si Abre sa kanya at bakas sa mga mukha nito ang pagkalito.

"Yes, Adriana's parents are alive. Nang maidala namin sila sa Luxembourg kinontact namin ang parents ni Yvo to help us at saka namin napag-alaman na buntis si Adriana." tumingin sya sa banda ni Abre.

"Nag bunga ang pagagahasa mo Abre at si Autumn yon. Alam kong alam mo ng anak mo si Autumn, I saw the file that Yvo sent to you sa email. Remember? We are sharing one email."

Natawa ng mapakla si Abre dahil sa mga narinig nya.

"Bakit ang paniniwala ni Adriana na patay na ang mga magulang nya?"

"Tito Andrew said na mas makakabuti kung hindi na muna sila magpakita kay Adriana at isipin nalang nito na patay na sila. Hindi nya matanggap ang nangyari sa anak nya, nahihiya syang humarap kay Adriana."

Tumayo sya at naglakad papunta kay Abre.

"How about you? What are you doing here?" tanong ni Abre na sinusubukang tumayo.

"Because I think you need my help." inalalayan nya itong tumayo pero inalis lang ni Abre ang kamay ng kaibigan.

"Cut the crap, andito kaba kasi guilty ka? Ikaw ang taga sumbong kay Papa diba? You shouldn't be here dapat nagsasaya kana ngayon." hinawakan ni Dominik ang balikat nito.

"Yeah fuck it. Oo ako na nagsusumbong and yes andito ako kasi guilty ako! Galit ako sayo puta pero tangina na realize ko na sa tuwing naiisip ko na may kinalaman din ako and wala akong karapatang magalit sayo! Selfish na kung selfish, mahal ko si Adriana bata palang tayo alam mo yan Abre. Remember that night we went out saka tayo nag inom kasama mga kaibigan natin. I supposed to ask her out pero bigla mo syang ginahasa. You can't blame me, nagmahal lang din ako gaya mo. Swerte mo lang kasi mahal ka rin ako  kasi hindi eh."

Nang makayanan na ni Abre ang tumayo, dahan-dahan itong naglakad patungong pinto pero bago pa ito maka alis ay binalingan nya ang kaibigan nito.

"Ikaw na bahala kay Adriana, I'll turn myself in and please tell them I'm sorry."

"Abre.."

"Thanks for telling me the truth bud."

Ngumiti ito ng mapakla at lumabas ng storage room. Napapikit si Dominik at inuntog ang sarili nitong ulo sa pader dala ng galit at pagkadismaya sa sarili. Alam nya kung gaano naghihirap si Abre pero mas pinalala nya pa. Hindi nya namalayan ang sarili nya na umiiyak.

It hurts to think that your loved ones are suffering while you are mercilessly retaliating just to be happy with your own.

"Sorry pre..sorry sorry.." sapo nya ang mukha nya habang umiiyak.




Isang linggo na ang nakalipas simula nung magpaalam si Abre kay Adriana, ang sabi nito babalik din agad pero wala naman. Isang linggo rin nawalan ng gana si Adriana pero hindi nya pinapakita iyon sa anak nya.

Sa loob ng isang linggo walang araw na hindi sya umiiyak lagi nya itong tinatawagan at iniiwanan ng mensahe pero ni sagot o reply walang nangyari. Kinakabahan sya baka may kung ano ng nangyari sa kanya pero kahit sabihin nyang mali ang isipin yon, wala talaga syang magawa bukod sa maghintay nalang itong magparamdam.

"Mommy, you're crying again." lumapit si Autumn sa kanya saka sya niyakap kaya niyakap nya naman ito pabalik.

Namimiss na rin ng anak nya si Abre pero wala syang ibang rason kundi ang busy ito sa trabaho kahit ang totoo hindi nya alam kung nasan na ito ngayon.

Bumukas ang pinto ng bahay nila kaya sabay silang napatingin kung sino yon. Kumalas sa pagkakayakap ang anak nito sa kanya at tumakbo sa lalakeng nakatayo sa pinto.

"Uncleee!"

Tumayo sya at lumapit sa may pinto saka nilayo si Autumn sa kanya.

"What are you doing here?"

"To pick you up, we're going back to Luxembourg. Pack your things." napataas ang kilay nya sa sinabi ng pinsan nito. Hindi nya naman alam ang rason kung bakit pinapauwi sila nito.

"No, ano ba ginagawa mo rito?"

"Para kunin kayo ni Autumn at iuwi. You're not safe here, both of you."

"At paano mo nasabi yon? May nalalaman ka bang hindi ko alam? Sabihin mo naman sakin Christos—" naalala nya ang sinabi ni Abre na kay Christos magtanong. "Right, sabi ni Abre sayo ko itanong eh. Kung kami ni Abre dati bakit hindi ako pinuntahan ni Abre?"

Nag iwas ng tingin si Christos at bumuntong hininga. Sinara nya ang pinto at iginaya si Adriana paupo sa couch kasama sya.

"Wala ka namang dapat malaman, wala rin akong sasabihin sayo. Abre lied to you okay? Hindi ka nya pinuntahan kasi hindi naman kayo dati."

Lies.

Napatingin si Christos sa labas ng bintana at nakita ron ang kotse ng kaibigan nyang si Abre.

"Ilang araw ng nakaparada ang kotse ni Abre dyan?"

Pinunasan nya ang luha nya at yumuko.

"It's been 1 week." 

Mas lalo syang nalungkot ng sabihin nya yon. Humagulgol ito sa iyak at niyakap ang pinsan nito. Para sa kanya grabe ang epekto sa kanya ang pagkawala ni Abre, hindi nya alam kung ayaw lang ba nitong makipag kita or may ibang nangyari sa kanya.

Mababaliw na sya sa kakaisip gusto nyang puntahan ang condo nito pero hindi nya kaya. Ayaw nyang madismaya sa sarili nya na pagdating nya roon wala pala syang madadatnan.

I really miss you Abre, I love you. Please, magpakita kana sa akin, magparamdam kana please lang honey.

Whispers Of PastWhere stories live. Discover now