CHAPTER 13

17 3 0
                                    

Napagdesisyonan ni Abre na dalhin si Adriana sa condo nito dahil gumagabi na rin. Tinawagan nya naman ang kaibigan nito na nagbabantay ngayon kay Autumn na papatulugin na ang bata at uuwi rin sila kinabukasan.

Naglalakad na sila sa hallway at nang makarating na sila sa tamang unit ay tinype na ni Abre ang code hindi pa nya natatapos nang bigla itong bumukas.

"Why?" tanong ni Adriana nang mapansin ang iritasyon sa mukha ni Abre.

Hinila sya nito papasok at tumambad sa kanila ang babaeng blonde ang buhok. Kurbada ang katawan nito at halos makita ang daanan ng s-so nito. Mukha itong isang modelo bukod sa maganda mukha nito maganda rin ang damit na suot nito.

"Hey baby, i missed you."

Nakataas ang kilay ni Adriana habang nakatingin sa babaeng humalik sa pisngi ng kanyang boyfriend.

"What the hell are you doing here?"

"Diba sabi ko sayo magkikita tayo after ko sa fashion show? Namimiss na rin kita." sabi nito sa malambing na boses at tuloy ang kapit nito sa leeg ng kanyang boyfriend hanggang sa mapansin sya nito at bumitaw.

"I remember you, are you that amnesia girl?" ayaw nyang mairita sa babae pero dahil sa sinabi nito parang gusto nya itong kaladkarin palabas.

Nang iinis ba to? kasi kung oo, inis na inis ako.

"Do I have to answer that?" nakataas na kilay na tanong ni Adriana.

Ayaw na ayaw nitong nakikipag away lalo na sa kapwa babae but since it is talking about her boyfriend, hindi sya makakapayag.

"Well yes kasi I'm asking?" pagtataray nito.

"Well I don't want to answer." matigas nitong sagot.

"Oh I see what's going on here, are you here to make Abre punished?"

"Leave now Heidi." ani ni Abre.

"Why are you with her? Hindi kana talaga nadala no? That's why Dom is mad at you, may katigasan talaga yung ul—"

"Why is Dom involved in this? At ano yung pinag uusapan nyong dalawa?"

Hindi nya na mapigilang magsalita dahil sa kung ano ano na naririnig nya sa dalawang ito, it left confusion to her.

"Hayaan mo na sya Adi, she is just being like this because she can't accept the fact na ikaw ang kasama ko at hindi sya." diing sabi ni Abre at humarap kay Heidi, "You're being trespassing, if you don't want me to call the guards and let them drag you out here then leave."

Hindi mapigilang mapa indak ni Heidi sa inis at tumingin kay Abre, "I'll make sure na makakarating ito sa Papa mo." sunod syang bumaling kay Adriana, "—and you! We're not over."

Nakataas lang ang kilay ni Adriana at humakbang papalapit sa kanya habang nakahalukipkip.

"Yes sure and the next time we meet I promise that I will slap you." ngiting sabi nito sa babae, dahil sa inis nito ay nagdabog ito paalis at iniwan sila sa loob ng condo dalawa.

Ilang minuto na ang nakalipas simula nung umalis si Heidi pero ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Tumikhim si Abre at tumabi kay Adriana na ngayon ay nagkakape.

"Are you not going to ask me kung sino sya?" rinig nya ang buntong hininga ni Adriana.

"I hate asking you know that. If you have something to confess go on, ayokong ako pa yung makahuli Abre."

He hugged Adriana from behind at nilock ito gamit ang mga daliri nya saka sya nagsalita, "She's Heidi, anak sya ng business partner ng Daddy ko." nagsimulang pumiglas si Adriana sa mga yakap nya pero mas lalo itong hinigpitan ni Abre at parang batang nag t-tantrums.

Whispers Of PastWhere stories live. Discover now