CHAPTER 14

18 3 0
                                    

Pasado alas otso na sila nakarating sa bahay ni Adriana, wala syang ibang naramdaman kundi yung saya na bumabalot sa buong pagkatao nya. Kagabi palang nalaman nyang anak nya pala si Autumn kaya tama ang hinala nito. Para sa kanya nagsisimula na ang lahat para ayusin yung gusot na ginawa nya dati at nagsimula na yon sa pagpapa DNA test kay Autumn.

Naka park na ang kotse nito sa garahe nila at nang maiparada nito ay bumaba na silang dalawa. Ayaw nyang sabihin muna kay Adriana kailangan nya munang makausap ang pinsan nitong si Christos bago malaman ni Adriana.

Nakita nyang tumakbo papalapit sa kanila ang bata at doon nya naramdamang may para pumiga sa puso nya.

She's my daughter but I never get a chance para subaybayan ang paglaki nya.

"Mommmyy! Tito!" lumapit ito sa kanila at niyakap silang dalawa, bagong ligo ito at naka jumper na blue na may yellow t-shirt sa loob nito. Napangiwi si Abre nang makita ang suot nito.

"Minions."

"Hi Tito! Look mo binihisan ako ni Ate Casey oh."

Napatingin sya sa housekeeper nito na nakatayo sa may pinto at ang kaibigan nitong si Yvo na nakangiti sa kanya.

"Let's go inside baby." iginaya nila ito papasok sa loob ang bata at naiwan si Abre sa labas pati ang kaibigan nito.

"Anak mo no?"

Bahagyang tumango si Abre at sumandal sa sasakyan nya.

"Hindi ko alam kung paano nangyari yon eh, alam kaya ni Christos ito? Kaya ba sya galit? Si Dom ba may alam dito? Bakit nila tinago sakin?"

Hindi na nya alam kung sino sasagot sa lahat ng tanong nya. Gusto nya makakuha ng sagot, gusto nya makausap ang mga ito tungkol kay Autumn.

"Gulat din naman ako bud eh pero masasagot lang naman lahat ng tanong mo kung mag uusap kayo ng masinsinan lahat."

Tama naman si Yvo, wala syang magagawa sa ngayon ang tanging magagawa lang naman nya ay ihanda ang sarili nya at makipag usap sa mga ito ng masinsinan. Bumuntong hininga nalang si Abre at tumingin sa kalangitan.

"Bud?"

"Oh?"

"Yung housekeeper nila ni Adriana, sino yon?"

Napataas ang kilay ni Abre sa tanong ni Yvo.

"Pati housekeeper nila gagawin mong babae mo, huwag kana. Tyaka ang bata pa ni Casey baliw ka Yvo." ismid nito.

"Amp-ta, hindi ah! Wala lang naalala ko lang yung bunsong kapatid ko eh siguro ka edad nya na yon ngayon." napansin nyang biglang lumungkot ang mukha ni Yvo.

"Hindi pa ba sya nakikita hanggang ngayon?"

Umiling si Yvo.

"Hindi pa eh kung saan saan na kami naghahanap pero wala eh." tinapik nya ito sa balikat.

"Tell me what I can help." tumango naman si Yvo.

Hindi lang naman sya ang may problema rito pati rin ang kaibigan nitong si Yvo. Hinahanap kasi nila ang nawawala nitong kapatid at sanay na si Abre na kung sino sino nalang ang ihahalintulad nito sa nawawala nyang kapatid pero naiintindihan nya ang kaibigan nya.





Nasa loob sila ngayon ng bahay at katabi nito ang anak nya habang nanonood sila ng minions. Hanggang ngayon hindi parin sya makapaniwala na anak nya pala si Autumn na ngayon at katabi nya.

"Tito, alam mo ba ano favorite song ko?"

Call me daddy please not tito.

"No, ano yon?"

Whispers Of PastWhere stories live. Discover now