CHAPTER 3

42 3 0
                                        

NAPABALING si Adriana sa anak nitong hindi ginagalaw ang pagkain. Kanina pa sya hindi kinikibo ng anak kaya binabasa nya ang kutsara at tinidor at nagpunas ng labi bago tumikhim.

"Baby, are you mad at mommy?" Hindi ulit ito kumibo. Napabuntong hininga sya at lumapit sa anak. Bumaba ito ng upo para mapantayan ang anak. "Bakit ka galit kay mommy?" maya maya pa nito ay unti-unti itong humikbi. Hindi nya mapigilang yakapin ang anak dahil sa biglang pag hikbi nito. Ayaw na ayaw nitong nakikitang umiiyak ang anak, mas nasasaktan sya.

"Eh kasi naman hindi pa ako binibisita ni Daddy simula nung makauwi tayo rito sa Philippines po eh." mas lalong lumakas ang pag hikbi nito. "Akala ko po ba Daddy live in Philippines bakit hindi po nya ako pinuntahan!" umiiyak na ito kaya hinagod nya ang likod ng anak at inayos ang upuan nito paharap sa kanya.

"Baby, busy kasi sa work si Daddy mo. Don't worry sinabihan ko na sya na kapag may free time sya makikipag play sya sayo and he will cook you a pancake! Diba paborito mo yon?" Tumango-tango ang bata. She cupped Autumn's face and wipe the tears that flows on her daughter's cheeks. She can't stand seeing her daughter cry, ayon ang weakness nya.

Napa angat ang tingin ni Adriana sa bahay nang makarinig syang may nag door bell. Iniwan muna nito saglit ang bata sa lamesa at nagtungo sa may bintana na may nakahayang na kurtinang puti.

Naramdaman nya na naman yung kiliti sa tyan nya nang makita ang gwapong mukha ng binata sa gate. Inayos nya ang sarili nya at lumabas ng bahay. Mahigit isang linggo rin matapos ang huli nilang pag uusap sa parking lot, sabi nito na huwag daw syang magtataka kung bigla itong susulpot sa bahay nya and indeed ngayon kaharap nya ang binata.

Pero napakunot ang noo nya nang makita ang itsura nito. Puro ito pasa sa mukha at may punit pa ang labi nito.

"Anong nangyari sayo?" binuksan nya ang gate at nilapitan ang binata.

"Nalaglag lang ako habang inaayos ko yung ilaw sa bahay." sabi nya pero hindi naman ganon ka bobo si Adriana, alam nya kung ano ang kaibahan ng pasa sa nalaglag sa pasa ng nabugbog pero hindi nya nalang ito sinabi sa binata.

Pinatuloy nya ang binata sa loob ng bahay nila saka pina upo sa sofa.

"Mommy, who is he?" muntik na nyang makalimutan na kasama nya pala ang anak nya. She walks towards Autumn and held her hands palapit kay Abre.

"He is Tito Abre, he is a good friend of Uncle Christos." tumingin kay Abre si Autumn at ibinalik ang tingin sa ina.

"Il est normal d'avoir des ecchymoses?"

NAPAILING si Abre nang marinig ang tanong ng anak ni Adriana. Nagsasalita ito ng french ang hindi alam ni Adriana eh naiintindihan ni Abre ang sinasabi nito. Marunong syang magsalita ng french dahil pangunahing lenggwahe nila iyon sa bansa kung saan sya pinanganak.
Tumikhim sya at tumingin sa bata.

"Hindi normal ang magkaroon ng pasa pero itong sakin kapabayaan ito kaya may ganito ako. That is why you need to take care of yourself, Angel."

"Angel is not my name, hmp! I'm Autumn!" she said at halatang proud na proud pa ito sa pangalan nya. Natawa sya sa sinabi ng bata pero agad din itong nawala ng maalala nya yung narinig nya nung huli syang pumunta rito sa bahay ng babae.

May tatay pala ang batang ito pero bakit wala rito sa bahay nila?

"Baby can you get some ice pack? Nasa ibaba ng ref baby"

"Yes po mommy" sumunod naman ang bata sa ginawa nito.

"Would you mind if I ask series of questions?" tanong nya kay Adriana. Kahit ayaw nyang tanungin sa babae pero wala syang magawa kasi nga hindi nya rin kayang hindi magtanong.

"Would you mind din ba if I ask question too?" she asked.

"Hm, you first." bumuntong hininga si Adriana.

"Nevermind, you lied earlier kaya alam ko ayon parin ang isasagot mo." parang alam nya na kung ano ang itatanong ng dalaga. Hindi nya pwedeng malaman kung bakit ito may pasa kaya wala syang choice kung hindi ang mag sinungalin.

"Yeah." tipid nyang sagot. Sinimulang tingnan ni Adriana ang mga pasa nito. Walang ilang na nararamdaman ang dalaga, sobrang seryoso nga ng mukha nito.

"Doctor kaba?" tanong ni Abre sa kanya. Mukhang alam na alam kasi ni Adriana ang mga bagay na yan lalo na sa paggagamot.

"Nag aral ako ng medisina, may doctor license lang." Inabot ni Autumn ang dala nitong ice pack at umupo sa kabilang sofa at nakaharap sa tablet nito. "Thank you baby."

"Bakit hindi ka nag doctor?" she smiled bitterly.

"Hirap mag doktor kung mas kailangan mo rin ng ganon." alam nya ang tinutukoy ni Adriana kaya hindi na ito nagtanong pa. Ilang minuto ng katahimikan ang pumagitna sa kanila hanggang sa binasag iyon ni Adriana.

"Sabi mo may mga tanong ka diba?" shit! naalala pa nito.

"Hm yes, meron."

"Ano yon?" Umupo sya sa tapat ng binata at inantay ang itatanong sa kanya.

"Where is your husband?" pansin nyang nagulat si Adriana sa tanong nya at nag iwas ng tingin. Maya- maya lungkot ang nakikita nito sa kanyang mga mata.

"He died in a car accident kasama nina Mama at Papa." natigilan sya sa sinabi ni Adriana. No way! Bakit hindi nya alam na patay na pala ang mga magulang nito? Tsaka anong sinabi nya na pati ang asawa nya namatay sa aksidente?

"I'm sorry hindi ko alam." mapait syang ngumiti at tumingin sa binata.

"It's fine. Siguro na ccurious ka kaya ka nagtanong—" tumingin sya sa anak nito. "Lumaki syang hindi man lang nya nakilala ang ama nya pero ginagawa ko lahat. I can be a father and mother for my child at hindi ako magsasawang gampanan yon." Parang may tumaga sa puso nya nang makitang may isang butil ng luha ang pumatak sa mga mata ng dalaga. Gusto nya pang magtanong pero hindi nya na kaya. Tingin nya nahihirapan itong sumagot paano pa kaya sya?

Nilapit nya ang kamay nya dalaga at hinawakan ito. Lumakas ang kabog ng dibdib nya habang hawak hawak ang makinis at malambot na kamay ng dalaga.

Abre, you moron pull yourself together, fuck!

"Hindi ko talaga alam, pasensya kana sa tanong ko hindi na mauulit." mapaklang tumawa si Adriana.

"Ano kaba ayos lang yon. Wala naman tayong magagawa pareho kasi sobrang tagal na non, gusto ko magsimula ng panibagong buhay dito kasama ang anak ko." binawi nito ang kamay sa lalake at tumayo sya. "Nga pala ano ginagawa mo rito?"

He raised his left eyebrow. "Adi, I told you that don't be surprised kung makita mo ako rito sa bahay mo diba?" she smiled and that made his heart melt. So gorgeous woman!

"Oo nga pala pero ano namang gagawin mo rito? Huwag mong sabihing isang araw kang makikipag usap sakin? Nako, Abre baka nakakalimutan mong may anak ako." may naisip syang plano sa buong araw kaya tumayo ito lumapit kay Autumn.

"Angel do you want to go out? Punta tayo sa mall?" Autumn's widened na para bang nakakita ng multo at maya pa ay mabilis na tumayo sa kinauupuan.

"Yes po tito!" Natawa sya at ginulo ang buhok ng bata pero agad itong sumimangot, "kaso hindi po Angel ang pangalan ko." natawa si Adriana at Abre sa reaction ng bata matapos tawagin itong Angel.

"I'd like to call you Angel." Ang ganda kasi ng mukha ng bata, maputi at medyo singkit ang mata. Her deep blue eyes na pinagmahan nito galing sa ina and those cute tiny lips na pink na pink. Nagmumukha itong anghel para sa kanya lalo na pag nakasuot ito ng puting damit.

"Sama kaba? Gala tayo? Igagala kita rito since first time mo sa Pilipinas." Tumango at ngumiti si Adriana. As of now kailangan nya talagang lumakwatsa muna since bago pa sya rito para naman kahit papano may alam sya sa lugar nato.

Whispers Of PastWhere stories live. Discover now