Napuno ng sigawan ang kwarto sa hospital kung saan naka confine si Adriana. Halos apat na nurse ang nasa loob at tig dadalawa ang nakahawak sa magkabilang braso ng babae.
Kanina pa ito nagwawala, iyak nang iyak at kanina pa ito sumisigaw.
"What happened to her!?"
"Stay back."
Parang may namuong luha sa mga mata ni Christos na makita ang pinsan nyang hinahawakan ng nurse. Para itong taga mental na hindi mapigilan ang sarili sa pagiging agresibo.
Maya-maya pa ay unti-unti itong tumahimik matapos may ininject sa braso nito.
"She'll be okay at kapag naging okay sya huwag kayong lumapit sa kanya. She's been fighting her trauma ever since and now the fear she felt, hindi nya ma control yon. You have to take it easy, baka makasakit sya."
Sabi ng ina ni Yvo. Nakarinig sya ng mga yapak papasok sa loob ng kwarto saka sya napatingin kung sino ang mga yon.
"Christos asan si Adri— anak!" nagtakbuhan papalapit ang mga magulang nito palapit sa anak nilang nanghihina dahil sa ininject na pangpa kalma.
"Ano nangyari sa kanya? Anak ayos ka lang ba?"
Walang ganang tumingin si Adriana sa mga magulang nito na nasa magkabilang gilid nya.
"S-sino kayo?"
Mahinang tanong ni Adriana.
Tumingin si Christos sa mga magulang nito na umiiyak.
"Pagpahingahin nyo muna si Adriana. Saka nyo muna sya kausapin kapag stable ang lagay nya. Inaatake sya ng trauma nya kaya huwag na muna kayong sumabay."
Napayuko si Christos at umupo sa bakanteng upuan na nasa kwarto ni Adriana.
"Kasalanan natin ito eh! Kung bakit kasi tinanggap mo ang pera ng demonyong yon! Hinayaan mo pa talagang masira ang buhay ng anak mo kesa masira yung pangalan nila!?"
"Pwede ba hinaan mo ang boses mo? Nagpapahinga ang anak natin oh. Tsaka anong sinasabi mong hinayaan kong masira ang buhay ni Adriana? nagkakamali ka. Ginawa ko rin lahat ng nakakabuti para sa kanya."
"Nakakabuti? Tingnan mo ngayon ang anak mo kung nasa mabuting kalagayan ba."
"Tumigil na kayo. Nasa hospital kayo dapat hindi nyo yan dapat pinag-uusapan dito."
Tumikhim si Christos at naglagay ng headphone sa tenga at lumabas ng kwarto. Naiwan ang dalawang matanda na natahimik habang nakatingin kay Christos na naglalakad palabas.
Kumawala ng hangin ang matandang lalake at umupo sa pwesto malapit sa kama ni Adriana.
"Anak, pasensya kana kung sa loob ng labing-isang taon hindi kami nagparamdam sayo. Alam kong hindi mo kami mapapatawad pero ang totoo nyan hindi naman kami nawalan ng update sayo. Lagi ka naming sinusundan kung saan ka man pumupunta simula nung umuwi ka rito sa Pilipinas." unti-unting nabasag ang boses ng ama habang humihingi ng tawad sa anak.
Tulala lang si Adriana, walang kibo ni wala itong expression sa mukha nya.
"Nawalan ako ng lakas ng loob para kausapin ka eh. Natatakot ako na baka paggising mo noon kamuhian mo ako. Sino ba kasing ama ang kayang ipagbili ang hustisya para lang sa pangalang iniingatan, diba ako yon? Kaya nung nagising ka at wala kang maalala, sinabi ko kay Kuya Jared at Christos na sabihin sayong patay na kami ng mama mo. Nahihiya ako sayo, natatakot na baka lumayo ang loob mo. Pero akala ko tama ang desisyon na yon at makakabuti yon para sayo pero hindi pala mas lalo lang lumala. And I'm sorry for being a selfish father to you."
YOU ARE READING
Whispers Of Past
RomanceHe is Duke Abrehem Contreras, the inheritor of Contreras Group; a financial services that provides a lot of sectors. Trading, Real Estate, Reinsurers and etc. He is a brave man when it comes to the woman he loves pero pagdating sa kanyang ama kaya n...