Matapos ang sagutan nila ni Dominik kahapon ay hindi pa ito nag ttext sa kanya. Wala rin namang sinabi ang binata nung umalis sya pero gusto nya itong makausap at humingi ng tawad sa mga nasabi niyang hindi maganda kay Dominik.
Kasalukuyan syang nagluluto ngayon ng tanghalian nila at tapos na nyang pakainin si Autumn at dahil hindi nya kaya lahat ng gawain sa bahay ay nag inquire sya sa isang housekeeper provider na agency kaya ngayon ay may katulong na sya sa bahay nya. Mabait naman ito at bata pa kaya alam nyang magkakasundo ito at anak nya.
Si Abre naman simula kahapon hindi na ito nagparamdam, gusto nya na magpaliwanag dito sa kanya ang tungkol kay Dominik pero hindi nya alam kung saan nya ito hahanapin. Narinig nyang may nag door bell sa labas agad namang tumakbo si Casey sa pinto.
"Teka!" napatigil naman ito na akmang bubuksan na ang pinto at tumingin sya kay Adriana.
"Bakit ho ma'am?" kinakabahan kasi sya hindi nya alam kung bakit.
Lumapit sya kay Casey at tiningnan nya ito. "Ako nalang magbubukas, puntahan mo nalang si Autumn."
"Okay po ma'am." agad namang sumunod si Casey sa utos nito. Inayos nya muna ang sarili nya at lumabas. Malakas ang tibok ng puso nya nang makita si Abre sa labas ng gate. Naka shades ito at naka long sleeve na kulay itim. Agad syang lumapit dun at pinagbuksan ang gate.
Hindi nya alam kung ano ang unang sasabihin nya kay Abre kaya kinakabahan sya pero may parte rin sa puso nya na masaya kasi nakita nya ulit ang binata.
"H-hi.." bati niya rito.
"Are you cooking?"
"Huh?" naguguluhang tanong nito. Imbes kasi na mag hello ang binata eh nagawa nitong magtanong kung nagluluto ba sya.
"You're wearing an apron, Adi." napatingin si Adriana sa suot nito at mapaklang natawa.
Oo nga pala baliw ako may apron pala akong suot.
"Oo, pasensya na—" hindi pa niya natatapos ang sasabihin nya nang pumasok ito at nilagpasan sya.
"Good, I want to eat. I'm starving."
Okay? Hindi ba ako namimiss nito?
Mahigit 30 minutes na rin ang nakalipas nang dumating si Abre sa bahay nila at ngayon ay nakatingin sya sa lalake na nakaupo sa mesa katabi ang anak nito. Katulong nya si Casey na maglagay ng plato sa lamesa at nang matapos na sila ay umupo na sya sa tapat nina Abre at Autumn.
"What's this?" tanong nito sa kanya habang nakaturo ang kamay sa pagkaing hinain sa harapan nya.
"Kare-kare yan, kumakain kaba niyan?" tumango sya.
"Yes but I hate beef kare-kare." tumayo si Autumn at nag sandok ng ulam sa sariling plato nya at tumingin sa kanya.
"Ako rin Tito, one time nagluto si Mommy ng ganyan nasuka ako. Don't worry Tito, chicken yan favorite ko rin po!" nakangiting sabi ni Autumn.
"I love chicken also." Napatingin lang si Adriana sa dalawa habang kumakain sa harap nya. Sarap na sarap ang mga ito sa niluto nyang chicken curry. Nang matapos na silang kumain lahat ay nagtungo ang dalawa sa sala para magpababa ng kinain. Sya naman ay tinulungan nya si Casey na maglipit nang bigla itong magtanong.
"Ma'am sorry po ah kung magtatanong ako pero ma'am boypren mo po ba yan?" she smiled at Casey bilang sagot sa tanong nito kaya napatili naman si Casey.
"Ang pogi naman ng boypren mo ma'am kahit ang daming pasa. Siguro gangster yan ma'am." napa iling sya sa sinabi ni Casey.
Napansin na naman nya ang mga pasa ni Abre at mukhang bago lang ang mga ito. Matapos nyang maghugas ng kamay ay pumunta sya sa sala at tumabi kay Abre.
"I miss you." mahinang sambit niya sa lalake. Rinig nya ang buntong hininga nito at tumingin sa parte ni Autumn na ngayon ay nanonood ng minions.
![](https://img.wattpad.com/cover/368233934-288-k239748.jpg)
YOU ARE READING
Whispers Of Past
RomanceHe is Duke Abrehem Contreras, the inheritor of Contreras Group; a financial services that provides a lot of sectors. Trading, Real Estate, Reinsurers and etc. He is a brave man when it comes to the woman he loves pero pagdating sa kanyang ama kaya n...