It's been 2 weeks simula ng maka tanggap si Christos ng tawag galing sa mga kaibigan nito tungkol kay Abre pero andito sila ngayon sa kwarto kung saan naka confine si Abre, nakatitig sa katawan nito.
Ang sabi ng doctor maayos at stable naman ang lagay ni Abre pero inaantay parin nila kung kelan ito gigising.
At yun ang ginagawa nila ngayon.
"Adri.." iminulat ni Adriana ang mga mata nito nang makaramdam syang may gumigising sa kanya.
"Umuwi kana muna kaya? ako na muna bahala rito. Matulog ka muna sa bahay nyo at bukas kana bumalik dito."
Lumingo si Adriana at umupo sa sofa kung saan sya nahiga.
"Ayos lang ako, gusto ko paggising nya ako una nakikita nya." bumuntong hininga lang si Dominik dahil sa sinabi ni Adriana at tumango.
"Okay, bibili lang ako ng pagkain dito ka lang." tumango si Adriana at naglakad papalapit kay Abre. Nang makalabas si Dom sa kwarto ay umupo sya sa tabi ng kama ni Abre at sinuklay-suklay ang buhok nito.
"Kailan kaba gigising? namimiss na kasi kita eh.." pilit itong ngumingiti at pinipigilan ang mga luha nya kasi alam nyang bubuhos na naman ang mga ito.
"I'm sorry for shutting you out honey, ang sakit lang kasi eh. Masisisi mo ba ako? tinago nyo sa akin lahat pakiramdam ko pinaglalaruan nyo ako eh, masakit po." tuluyan na ngang tumulo ang mga luha nya.
"Akala ko na kapag umalis ka magiging okay ako, na magiging magaan ang pakiramdam ko pero hindi pala. Mas lumala yung bigat na nararamdaman ko lalo na nung nakita kitang nakahandusay at duguan. Ang hirap mong hawakan non, nanginginig ako, sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sayo pero wala akong choice niyakap parin kita. Gumising kana Abre, nag aantay kami rito ng anak mo, inaantay kita." lumakas ang mga iyak nya kasabay ang pagyakap nya rito sa mga kamay ni Abre.
Tanggap nya na ang nangyari sa kanya, wala na syang magagawa eh. Kung ang diyos nga napatawad ang ilang kasalanan ng tao sya pa kaya, ayaw nyang magtanim ng sama ng loob sa isang tao kung ang kapalit naman nito ay masira ang pamilya nya. Mas gusto nyang magpatawad alang-alang kay Autumn.
Napatingin sya kay Abre at laking gulat nya ng nakadilat ang mga mata nito. Agad nyang pinunasan ang mga luha nya at tumayo.
"Abre.. you're awake! Wait— naririnig mo ba ako? saglit tatawag ako ng doctor honey, hang in there please!" agad itong tumakbo sa labas ng pinto at sumisigaw ng tulong. Nagsi-pasok naman ang ibang nurses at ang doctor ni Abre.
Sobrang saya ng pakiramdam nya ngayon, nakita nya itong nakamulat na matapos ang ilang linggo na naka coma ito.
Chinicheck ng doctor ang mga mata nito at nagsalita. "Abre, can you hear me?"
"Y-yes.."
Parang natunaw ang puso nya nang marinig ang boses ni Abre. Ito yung gusto nyang marinig eh, ang boses ng mahal nya. Now that he is awake, she wanted to say sorry for what she said. Gusto nya na itong kausapin at yakapin, gusto nyang bumawi rito.
"..p-pero doc bakit wala akong makita?"
A tear escaped from her eyes. Naramdaman nyang hinagod-hagod ang likod nya at nakita nya si Dom. After hearing Abre that he can't see anything hindi nya mapigilang hindi sisihin ang sarili nya. Humugolgol ito ng iyak at niyakap lang ito ni Dom.
"Doc bakit wala akong makita!?" sigaw nito at hinawakan lamang ng nga nurse ang magkabilang balikat nito.
Kitang-kita sa mga mata nya ang mga luha nito kaya hindi nya alam kung ano ang gagawin nya gumaan lang ang pakiramdam nito.

YOU ARE READING
Whispers Of Past
RomanceHe is Duke Abrehem Contreras, the inheritor of Contreras Group; a financial services that provides a lot of sectors. Trading, Real Estate, Reinsurers and etc. He is a brave man when it comes to the woman he loves pero pagdating sa kanyang ama kaya n...