CHAPTER 6

29 4 1
                                        

Isang linggo ang nakalipas simula nung may nangayari sa kanila ni Abre. Isang linggo nya na rin itong hindi nakikita. Sinubukan nyang mag search ng kung ano ano tungkol sa lalake pero wala itong makita bukod sa ilang news na kasama ang ama. Nalaman nyang tagapagmana pala ito ng Contreras Group at kung hindi sya nagkakamali ang kompanya ng Tito Jarred nya na ngayon ay pinamamahalaan ni Christos ay isa sa shareholder ng kompanya nila Abre.

"Mommy kailan babalik si Tito Abre?" even her daughter ay hinahanap sya. Saan na kaya yon nagpunta bakit hindi man lang ito nagparamdam?

"Baka busy lang si Tito Abre mo nak, hayaan mo pag wala naman yung gagawin bibisita naman yon sayo." nakangiting tugon nito sa anak.

"At ipapasyal nya ulit tayo mommy?" tumango sya sa tanong ng anak na sya namang ikinaliwanag ng mukha nito. Mukhang napapalapit na sa lalake ang anak nito at lagi na syang hinahanap.

Napatayo sya bigla nang makarinig ng door bell sa bahay. Si Abre kaya yon?

"Mommy ako na magbubukas baka si Tito Abre yon!" Nakangiting tili ng bata habang tumatakbo palabas ng bahay. Sinundan nya naman ito palabas dahil pati sya ay excited ding makita si Abre. Nang makalabas na ito ay nakita nyang karga karga ang anak nya.

Oh, akala ko sya.

"Dom."

"Mommy akala ko si Tito Abre si Daddy pala pero okay lang sabi nya gagawa raw kami pancakes!" Nakangiting sabi ni Autumn. Napatingin sa kanya si Dominik habang nakataas ang kilay nito. Alam na nya kung ano dahilan bakit masama ang tingin nito sa kanya. Hindi nya kailanman nababanggit kay Dominik na nagkikita sila ni Abre at pumunta ito sa bahay. At dahil ang anak na nya mismo ang bumanggit sa pangalan ni Abre wala na syang magawa kung hindi ang magsabi ng totoo.

Tinutulungan nyang ayusin ang dala nitong grocery, tumikhim sya at lumingon sa direksyon ni Autumn na ngayon ay nanonood sa paborito nitong cartoon. Kailangan nyang ipaliwanag ito kay Dom bago pa ito mag sumbong kay Christos. Panigurado na pag nalaman ni Christos ay papabalikin na naman sila nito sa Luxembourg.

"Mind to explain to me kung bakit kilala ng anak ko si Abre?" tanong nito. Napabuntong hininga sya saka nilagay sa cabinet ang mga canned goods na dala nito.

"She's not your daughter."

"I am." malamig na boses na sabi nito sa kanya. "Kaya paki explain sakin kung bakit kilala ni Autumn si Abre?" tumingin sya kay Dominik.

"Pumunta sya rito." alam nyang natigilan si Dominik sa sinabi nito pero ayaw nyang magpahalata.

Hindi sya umimik sa sinabi ni Adriana sa halip ay nakinig lang sya sa sunod nyang sasabihin. Sa pagkakataong ito nakaramdam sya ng takot lalo na ngayong pinaglalapit si Abre at Adriana.

"Pinasyal nya kami ni Autumn sa mall nung nakaraang linggo." mapakla itong natawa sa sinabi ni Adriana.

"At talagang sinama mo si Autumn?" alam nyang wala syang karapatang umakto ng ganon pero natatakot sya at nasasaktan. Ayaw nyang maagawan ng posisyon sa pagiging ama kay Autumn at ayaw nyang agawin ni Abre ang atensyon nito mula sa kanya.

"Naririnig mo ba sinasabi mo? Anak ko si Autumn at may karapatan ako sa kanya kung saan ko sya dadalhin—"

"Anak ko rin sya Adriana!" tumingin ito sa bata nang biglang magtaas ang boses nito pero mukhang hindi sila naririnig kaya tumingin ulit sya kay Adriana, "—may karapatan din ako sa kanya kasi anak ko rin sya."

Adriana shook its head, "anak mo sya sa papel. Ako ang nagluwal sa kanya at magkadugo kaming dalawa. I don't want to argue Dominik, ilang beses na tayong nag usap tungkol rito."

Whispers Of PastWhere stories live. Discover now