They were eating peacefully and Abre couldn't stop staring at the woman in front of him, gandang-ganda ito sa kanya. Sinamaan sya ng tingin ni Adriana nang makita nya itong nakatitig sa kanya ang binata.
"Abre kumain ka ng maayos."
"I am."
Kumunot ang noo ni Adriana at sumandok ng soup saka ito inilapit sa bibig ng binata. "Open your mouth. Lumalamig ang pagkain eh ang bagal bagal mo."
Sinunod naman nito ang inutos ng dalaga. Her heart is now happy with the man who accepted her and her daughter.
May parte lang sa kanya na nalulungkot dahil hindi nya maalala ang binata. Kung may nakaraan man sila at hindi nya maalala, nagpapasalamat parin sya kasi sa pangalawang beses na nagtagpo sila—nakalimot man ang isipan nya pero agad nya namang nakuha ang puso nito.
"You are absolutely stunning, my Adi."
Napangiti si Adriana at kinurot ang pisngi nito.
"At ikaw naman ang gwapo gwapo mo."
"You think I am?"
Tumango si Adriana at kumuha ulit ng soup at isinubo ito kay Abre. Nag mistulang nanay pa ang aura ngayon ni Adriana dahil itong si Abre hindi kumakain ng maayos at panay titig lang sa kanya.
"Yes po, gwapo ka. Kaya ingatan mo na yung mukha mo, huwag ka ng magpapagalos or magkakapasa." sabi nito.
Nakatingin lang si Abre sa kanya habang kumakain ito, matapos nyang sabihin iyon nagdadalawang isip sya kung sasabihin nya ba sa dalaga o hindi.
"Adi?"
"Yes?"
"Won't you ask me what happened to my face?"
Uminom ito ng tubig at tumingin sa kanya bago sumagot.
"Nope. Gusto ko kusa mong sabihin kung ano ginagawa mo or sino may gawa sayo nyan. When I asked you about what happened to your face, you lied. I also feel that you are avoiding that topic so yeah, I respect it. Makikinig ako kung sasabihin mo at mag aantay ako kung hindi mo pa sasabihin sakin." she smiled
It's like he is melting in his words and smile. She's very understanding person at gusto nya ang ganong ugali ng babae.
She hasn't really changed since then.
Tumingin sya sa bandang piano at binalik ang tingin kay Adriana. "Do you want me to play for you?"
Mukhang nagulat ang babae sa tanong nya kaya tumango lang ito. Bata pa lang sya pinag aaralan nya na yung piano kaya alam na alam nya ang ganyan. Tumayo sya sa kina-uupuan nya at pumwesto sa piano.
Nagsimula nyang patugtugin ang naisip nyang kanta na para kay Adriana saka sya napapikit at dinamdam ang pagtugtog dito.
🎵Do You Remember
by Phil CollinsAdriana couldn't explain her feelings right now, seeing Abre in front of her while playing the piano was such a heart-melting for her. At sa kabila ng himig na naririnig nya, mas naging dama nya ang pagtugtog nito nang magsimula itong kumanta.
He is unbelievable.
Mahinahon ang boses nito habang kumakanta at nasa tono. Hindi nya maipagkakaila na ang swerte nito sa lalake and Adriana is very proud of him.
Natapos ang kantang tinugtog nya at nakita nya si Adriana na nakangiti ng malapad at pinapalakpakan sya. Napayuko ito at naglakad papalapit kay Adriana.

YOU ARE READING
Whispers Of Past
RomanceHe is Duke Abrehem Contreras, the inheritor of Contreras Group; a financial services that provides a lot of sectors. Trading, Real Estate, Reinsurers and etc. He is a brave man when it comes to the woman he loves pero pagdating sa kanyang ama kaya n...